Chapter 17.1: The Baby is now a LADY

1K 18 0
                                    

Ganun pala kapag masaya kang kapiling ang iyong minamahal hindi mo namamalayan ang paglipas ng panahon. Naalala ko bigla ang aming second date ni SEB. Ang saya-saya naming dalawa. Dinala ko kasi siya sa amusement park halos buong araw kaming nagrides pagkatapos ay dumiretso kami sa Nature's Park para manood ng outdoor movie. Enjoy na enjoy si SEB dahil ngayon lang daw siya nakaexperience manood sa open ground. Isang certified chickflick ang ipinalabas 'A Walk to Remember' kaya marami ang kinilig sa mga audience kabilang na kami ni SEB. Nag-set up din ako ng picnic blanket at nagdala ng pagkain para sa aming romantic dinner. Makalipas ang ilang araw ay dumating na ang aking mga magulang kasama si Wilson. Sa wakas ay makakasama ko na rin sila at mas lalo pa akong naging excited dahil ilang tulog na lang ay debut ko na. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang ko kapag sinabi ko ang tungkol sa amin ni SEB. Wala akong balak maglihim ng matagal sa kanila lalo na kay Wilson. Alam kong masasaktan ko siya pero mas ayoko siyang paasahin sa wala. Nag-iisip ako nga paraan kung paano ko sasabihin kay Wilson ng hindi siya masyadong masasaktan ng biglang may kumatok sa pinto.

TOK...TOK...TOK...

"Baby ASH, I need to talk to you." sambit ni Mommy habang kumakatok sa aking pintuan.

"Yes Mommy." mabilis kong sagot kay Mommy sabay bukas ng pinto.

Pumasok sa loob si Mommy at pinagmasdan ang aking kwarto. "On your debut, we will have a special announcement that will change our lives." bungad ni Mommy sabay ngiti.

"What is it Mommy?" nagtatakang tanong ko kay Mommy.

"My dear, there is no need to rush. You will know it soon. I am just giving you a heads up." nakangiting sagot sa akin ni Mommy sabay wink.

Medyo naguluhan ako sa sinabi ni Mommy. May special announcement daw sila ni Daddy sa debut ko. "Ano kaya iyon?" tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko mapigilang kabahan sa pwedeng mangyari sa debut ko. Parehas kami ng magulang ko na may special announcement. Imposible naman na may alam na sila Mommy tungkol sa amin ni SEB. Sinabi kaya ni Tita Monique kay Daddy? Pero Tita Monique is not the tsismosa type. She won't spill the beans to my parents. Naalala ko tuloy ang mga sinabi ni Tita Monique pagkatapos ng performance namin sa MIS.

"ASH, I can't believe that you can sing too... I am sure your Dad would be proud of you." masayang sambit ni Tita Monique.

"Thanks Tita Monique. But I was hoping if we can keep this as our little secret since you know my Dad, he will go ballistic if he finds out that I am part of a band in school." pagmamakaawa ko kay Tita Monique with matching puffy eyes.

"Okay I promise that I won't tell your Dad. However if he finds out about your other secret he will be ..." seryosong sambit ni Tita Monique.

"You knew about it?" gulat na gulat na tanong ko sa kanya.

"ASH, don't underestimate me. Just by seeing how you look at each other gives away your secret. I suddenly began to miss my youthful days." nakangiting tugon ni Tita Monique.

"Really, I bet it was fun." masayang sagot ko kay Tita Monique.

"Yah it was. But ASH as your Tita, I would like to remind you to be more cautious. Because knowing my brother, he won't let any ordinary guy take his one and only daughter just like that. You have to tell him the truth or else..." concerned na sagot ni Tita Monique

"I will definitely tell him. I am just looking for the right time." mabilis kong tugon kay Tita Monique.

Nagsimula na akong magready for school buti na lang it's Friday today sobra kasing toxic ang mga nakalipas na araw para sa akin. Ang daming deliverables na kailangang tapusin and isubmit sa aming mga professors. Since busy kami parehas ni YAM ay hindi na kami masyadong nagkakasama kapag lunchbreak na lang. Buti na lang hindi pa ulit pumapasok si Wilson since super busy siya sa pagtulong kay Daddy sa HIGC. Kung hindi ko lang kilala ang parents ni Wilson I would think that he is the long lost son of my Dad since the way he treats Wilson parang anak niya na talaga ito and take note pinatutulong pa niya si Wilson sa aming business. Oh well atleast natigil na si Daddy na pangungulit sa akin regarding HIGC matters since Wilson is doing it in my behalf. After kong makapagbihis ng uniform ay bumaba na ako to eat my breakfast. Sakto nasa dining table sina Mommy, Daddy and Wilson kaya sabay-sabay kaming kumain.

The ONE that got AWAY (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon