Chapter 13: STATUS: It's Complicated

1.1K 17 0
                                    

"Who are you, really ASH?" Ito ang huling tanong sa akin ni SEB bago ako tuluyang nawalan ng malay. Bahagya kong naimulat ang aking mata ng may tumapik sa aking mga pisngi.

"ASH! Please open your eyes. Don't do this to me. You still have a lot of explaining to do." nagsusumamong salita ni SEB.

Pero kahit anong pilit kong gumising ay hindi ko magawa kaya tuluyan na akong nilamon ng antok. Laking pasasalamat ko na rin ng dahil sa mga pangyayari ay hindi ko pa kailangang sagutin ang mga tanong ni SEB. Naramdaman kong biglang may bumuhat sa akin at inilagay ako sa stretcher papasok sa emergency room ng ospital. Agad tiningnan ng mga nurse ang vital signs ko at tinanong si SEB kung ano ba ang nangyari sa akin. Biglang may dumating na doctor para i-check ang balat ko at nirekomenda sa nurse na kunan ako ng blood test para makasigurado.

Lumapit si SEB sa doctor para tanungin kung ano ang aking kalagayan. "Doc, will she be okay? Please tell me? She will, right?"

"How are you related to the patient?" seryosong tanong ng doctor kay SEB habang nakatingin sa mga mata niya.

"I.. I am her boyfriend. So please tell me what's wrong with her." natatarantang sagot ni SEB sa doctor.

"I have a strong feeling it's dengue but I still need to check the results of her blood test for me to confirm my diagnosis." seryosong paliwanag ng doctor kay SEB.

"What! Dengue? How is that possible. She has a huge house and for sure mosquito free yon." gulat na gulat na tugon ni SEB.

Napangiti ang doctor sa sinabi ni SEB. "Young man, it doesn't  mean that you're rich you're exempted from getting sick. Hindi pinipili ng lamok kung sino ang gusto niyang kagatin."

"Pero Doc, it's not naman that serious right. Kasi when you say Dengue it's dangerous and can be fatal." bakas ang takot sa boses ni SEB habang kausap ang doctor.

"Not really. Good thing you were around to bring her to the hospital. Madalas kasing napag-kakamalang ordinary flu ang Dengue because they almost have the same symptoms. Kaya ang iba, ipinagsasawalang-bahala ito." mahinahong tugon ng doctor kay SEB.

Nakahinga ng maluwag si SEB matapos marinig ang paliwanag ng doctor. "Thanks Doc. Please take care of my ASH."

"You really love her, do you? I can see it in your eyes." nakangiting tanong ng doctor sabay titig sa mukha ni SEB.

Hindi malaman ni SEB kung ano ang isasagot sa doctor. Pakiramdam niya ay nanakawan siya ng isang bagay na napakaimportante sa kanya. Ito ay ang katotohanan sa kanyang nararamdaman para kay ASH. Maya-maya pay nagsalita ulit ang doctor.

"Okay, gotta go. I need to make some few rounds. I'll be back later for the results. The patient will be transferred to one of our hospital suites since upon checking she is the heiress of HIGC. We don't want to have some problems with her family, do we?" pabirong sambit ng doctor.

Agad namang naintindihan ni SEB ang gustong iparating ng doctor. Mas lalo niyang naramdaman ang laki ng agwat sa buhay nila ni ASH. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya maipagtapat ang matagal na niyang itinatagong pagtingin sa dalaga. Pilit man niya itong layuan ay parang ang tadhana mismo ang gumagawa ng paraan para sila ay magkalapit. Naalala niya ang unang beses na makita niya si ASH sa Infinite. Halos malaglag siya sa kinauupuan niya sa sobrang pagkagulat habang palapit sa kanila si ASH sa backstage. Hindi niya matatawaran ang kagandahan ng dalaga kulay abo ang mga mata, napakaputi, kutis porsalana at parang napakalambot ng balat nito. Naka-kulay itim na hapit na hapit na halter dress si ASH at nakatali ang kulot niyang buhok. Mas lalong nanlaki ang mata ni SEB ng makita na backless pala ang suot ng niya kaya kitang-kita ang likuran ng dalaga na lalong umagaw pansin sa mga mata ng mga kalalakihang na kagaya niya. May pagka-possessive si SEB at ubod ng seloso. Ayaw niyang may ibang tumitingin sa babaeng nagugustuhan niya. Dahil dito ay umaktong masungit at suplado si SEB kay ASH para hindi mahalata ng dalaga na type niya ito. Iyon ang defense mechanism ni SEB, literal na the more he hates the more he loves. Ang mas lalong nakakuha sa atensyon ni SEB ay ng marinig niya ang pangalang sinambit ni Franz. ATASHA, ATASHA raw ang pangalan ng babaeng nasa harapan niya ngayon. Hindi maiwasang mapaisip si SEB sa posibilidad na siya ang ATASHA na nakilala niya noong bata pa siya. Pero agad naman itong inalis sa kanyang isipan ng maalala na nahanap na nga pala niya ang ATASHA na iyon. Ang ATASHA na kaibigan niya ngayon. Siguro ay kapangalan niya lang ito. Hindi napigilan ng binata na mainis ng tinawag siyang SEB ni ASH samantalang ngayon pa lang naman sila nagkakilala "Ano feeling close kaagad". bulong ni SEB sa sarili.

The ONE that got AWAY (Completed Story)Where stories live. Discover now