Chapter 8: Officially a band member

1.3K 19 0
                                    

It's been a week since I became a member of the Four Musketeers Band. Hindi ko na-picture ang sarili kong sumali ng banda. For sure pag-nalaman ng mga friends ko lalo na ni Wilson pagtatawanan nila ako. They know I can play and sing well but never pumasok sa utak ko ang mga ganitong bagay not until I met SEB. Ang laki talaga ng influence niya sa akin. Well I can't deny that kasi talagang gusto ko siya. Nang marinig ko ang kuwento tungkol sa banda nila ay mas naunawaan ko kung gaano kalalim ang kanilang pagkakaibigan. Pero habang nakikinig ako sa kwento nila ay hindi ko maiwasang magselos lalo na ng marinig ko ang pangalan ng isang babae. Pangalan na dati-ratiy pag nababanggit ay sumasaya ako pero ngayon ay kabaligtaran. Ngayon lang yata nangyari na kinainisan ko ang sarili kong pangalan. Sino nga ba ang mag-aakala na sa dami ng tao sa mundo ay isang Atasha rin ang makikilala ni SEB at ang mas masaklap pa ay mas nauna niyang naging kaibigan kaysa sa akin. Ayon kay Franz matagal ng magkaibigan si SEB at Atasha bago pa sila nagkakilala. Naging daan si Atasha para maging magkaibigan sila Franz, Keith, Joshua at SEB. Kung hindi ipinagtanggol ni SEB si Atasha ay malamang Three Musketeers pa rin sila hanggang ngayon. Gusto kong usisain kay SEB kung sino talaga si Atasha sa buhay niya ngunit pinigilan ko ang aking sarili sapagkat  wala naman ako sa posisyon para gawin iyon. Unang-una ay hindi kami ganoon ka-close, pangalawa ay hindi naman niya ako girlfriend o asawa. Naisip ko tuloy na kaya ba ganoon na lamang siya ka-irita sa akin dati ay dahil naalala niya sa akin si Atasha. Bigla akong napa-upo sa aking kama ng maisip ko kung may nakaraan ba sila Atasha at SEB kaya ganoon na lang siya ka-affected. Baka may unfinished business pa sila kaya kailangan nila ng closure. Iniling-iling ko ang ulo ko para mabura lahat ng naiisip ko. " Hindi, wala lang iyon. Never naging sila at magkaibigan lang sila walang labis walang kulang... PERIOD... NO ERASE..." bulong ko sa sarili ko na may halong kaba at pag-aalinlangan.

It's Saturday today so I need to prepare for our gig tonight. Ngayon nila ako ilalaunch bilang bagong miyembro ng Four Musketeers Band. Kaninang umaga lang umalis si Joshua papuntang London kasama ang pamilya niya. Kasama ang buong banda sa paghatid kay Joshua sa airport. Pagkatapos ay agad din kaming naghiwalay para magpahinga bago ang gig mamaya. Maganda ang schedule ng banda since lahat kami ay estudyante kaya napagkasunduan namin na pag Friday and Saturday night lang kami tutugtog and if may mag-invite sa amin kailangan muna naming pag-usapan if free kaming lahat bago kami mag-commit. Kinuha ko ang aking MacBook Air para i-check ang aking email and kung may nagmessage sa akin sa FB. Nagbrowse ako ng email at nakita ang sampung new messages coming from Wilson sa inbox ko. I admit sobra akong naging busy lately kaya hindi ko na makuhang mag-check ng email. Ang dami kasing naging projects and assignments sa school kaya pag-uwi ko ng bahay ay agad akong nakakatulog. Dito pa rin sa amin nakatira si Alexa since wala pa rin sila Mommy kaya madalas bumisita si Franz sa bahay. Bukas nga napag-kasunduan ng grupo na magpractice kami rito sa bahay para sa upcoming album namin na ilalaunch next month. Pumayag naman ako since wala naman ang parents ko and para hindi na ako mamoblema pa kung paano ako uuwi. Binasa ko isa-isa ang email ni Wilson at nagulat ako sa message niyang uuwi raw siya sa Pilipinas soon. Hindi niya sinabi ang exact date and time surprise raw. Napaisip tuloy ako kung bakit siya uuwi, ano kayang dahilan niya. Ang alam ko ay lahat ng kapamilya niya ay nasa States na at wala ng naiwan dito para bisitahin niya. Bigla akong kinutuban hindi kaya...

"No way! Is he coming here to just see me? " hindi makapaniwalang sambit sa aking sarili.

Matagal ng nagpaparamdam sa akin si Wilson kaso hindi ko talaga siya type. Actually akala ko talaga dati ay magugustuhan ko siya since palagi ko siyang kasama noong nasa America pa kami. Naging mabait ako sa kanya kaya siguro inakala niya na may pag-asa siya sa akin. Ang pagkakatanda ko ay sinabi ko sa kanya na wala siyang mahihita sa akin kasi my heart belongs to someone else. Pero sino ba naman ako para itaboy siya, naging isang mabuting kaibigan siya sa akin at alam kong hindi natuturuan ang puso kung sino ba dapat ang ating mahalin. Kung pwede lang sana ay matagal ko ng sinabi sa puso ko na si Wilson na lang, kaso ayaw talaga. Maging sila Mommy at Daddy ay boto kay Wilson para sa akin kaya nga feeling ko iyon ang dahilan sa pag-iwan nila sakin sa States ng mag-isa. Ito ay para tuluyang magkalapit kami at mahulog ang loob ko kay Wilson. Wala naman akong maipipintas kay Wilson, mabait siya, matipuno ang pangangatawan, maputi, matangos ang ilong, may dimples din, matangkad at napaka-gwapo. Sa katunayan ay maraming babaeng patay na patay kay Wilson kaso hindi niya ito pinapansin. 

The ONE that got AWAY (Completed Story)Where stories live. Discover now