Chapter 3.1: Meeting my Prince Charming

1.6K 27 0
                                    

Nagising ako sa malakas na alarm na nagmumula sa aking cellphone. Dahan-dahan akong nag-inat at tiningnan ang oras sa aking cellphone sabay patay sa alarm. Grabe 7'o clock na pala ng gabi may limang oras din pala akong nakatulog. What a long day, medyo may jet lag pa ako pero hindi ko ito ininda sa kagustuhan kong masilayan ang aking pinakamamahal na SEB. We'll I can't wait to see him. He is the main reason why I came back in the first place, ngayon pa ba ako mag-chicken out. Hindi ako nag-travel ng 8,207 miles para ipagpabukas ang pagkikita namin ng aking prince charming. This meeting has been long overdue, actually dapat ginawa ko na ito a year ago when my parents went back to the Philippines pero hindi nila ako pinayagan. Tumayo ako at dumiretso sa aking closet para maghanap ng outfit for tonight's event. Kailangan maging maganda ako sa paningin ni SEB. Isa-isa kong hinalungkat ang aking mga damit ngunit wala akong makita na babagay sa aming first meeting.

Akala ko ay mawawalan na ako ng pag-asa ng mapansin ko ang isang color black na Chanel, below the knee body-hugging haltered dress. Agad ko itong sinukat at tinernohan ng 7 inches ankle strap slingback Gucci sandals. Tiningnan ko ang aking sarili at nagsimulang maglagay ng light make-up para magmukhang fresh lang ang peg ko. Tinali ko ang aking buhok para makita ang aking makinis na likod, hindi ko na kailangan pang i-set ito kasi natural na curly na ang dulo ng aking buhok. Naghanap ako ng necklace na nababagay sa aking outfit at hindi naman ako nahirapan dahil agad kong nakita ang Tiffany & Co na Slim Pendant necklace ko na bigay sa akin ni Mommy last year. Kinuha ko ang aking Gucci clutch bag at inilagay ang aking Iphone, MAC compact foundation, red lipstick at ang white handkerchief na pag-aari ni SEB. Oo tama ka, nasa akin pa rin ang white hanky ni SEB. I know it has been 10 years since he gave it to me pero ito ang isa sa mga priceless collections ko na pinagkakaingat-ingatan. Lumabas na ako ng aking kwarto at tinawag si Yaya Simang upang maipahanda kay Stuart ang kotse. Habang inaantay ko ang pagdating ni Stuart ay nagpadala ako ng text message sa aking pinsan na si Alexa.

To: Alexa

Hi Couz, Care to join me for a night out? Will be at Infinite Restobar in a few. Just send me a message if you're available so I can send you the address. Ciao

From: ASH

TING

To: ASH

Sure why not. I am glad that you sent me a message. I'm actually planning on inviting you for a quick dinner so we can catch up. I know where Infinite is. Will text you once I arrive there. See yah!

From: Alexa

Sobrang saya ko dahil sasamahan ako ni Alexa papunta sa restobar, akala ko ay hindi siya available since alam ko naman na sobrang daming ginagawa ni Alexa. Atleast may makakausap ako habang pinanonood si SEB na tumugtog. Mabilis akong sumakay sa passenger seat ng mag-park sa harap ng bahay namin si Stuart. Gustuhin ko mang i-drive ang kotse namin ay hindi pa pwede kasi wala pa akong Driver's License. But my Dad promised me that when I turn 18 he will allow me to drive my own car, yes my very own car. Brand new car daw ang ireregalo sa akin ni Daddy sa aking debut. Hanggang ngayon hindi pa ako makapagdecide kung ano ang gusto kong regalo but I have 3 choices na 1. Mercedes-Benz E-Class 2. Coupe BMW Z4 Roadster 3. Audi R8 V10. After 35 minutes dumating na kami sa Infinite Restobar, huminto sa tapat ng main entrance si Stuart. Tiningnan ko ang aking cellphone at nakita ang message ni Alexa na malapit na rin daw siyang dumating. Habang naghihintay kay Alexa ay nilabas ko ang aking compact foundation para tingnan ang aking sarili. Medyo kinakabahan ako kasi matagal na ng huli kaming magkita ni SEB, baka hindi na niya ako makilala. Kung sa bagay noong huli kaming magkita ay parang hindi na niya ako natatandaan, ni hindi man lang kami nakapag-usap dahil guest lang siya roon. Hindi ko nakita kung sino ang kasama niya at kung bakit siya naroon sa graduation ko dahil hindi naman siya roon nag-aaral, malamang hindi e sa All girl's school ako pumasok ng elementary. Matapos kung maglagay ng lipstick ay nakita kong bumaba sa kotse si Alexa. Nakadress din siya kagaya ko pero mas sexy yong sa kanya kasi red tube dress ito. Bumaba na rin ako ng sasakyan at sinabihan si Stuart na itetext ko na lang siya pag magpapasundo na ako. Sinalubong ko si Alexa at nakipag-beso.

"Wow couz, you are so pretty! It seems hiyang ka sa America. Mas gumanda ang kutis mo." nakangising sabi ni Alexa

"Thanks Couz, kaw din you look good! I'm sure sa ganda mong yan may boyfriend ka na, right?" Nakangiti kong sambit kay Alexa

"Yah I already have a boyfriend, actually his part of the band. His name is..." nakatitig si Alexa sa akin habang pnagmamasdan ang aking reaksyon

"Don't tell me couz... Is it SEB?" pasigaw kong sagot kay Alexa "Please god sana hindi si SEB... please not him!!!" pabulong kong dasal sa sarili

"Hahahahaha... his name is Franz, you should see your face couz. You are so funny!!! Of course I know that you are head over heels with SEB kaya imposibleng agawin ko siya sayo." pabirong tugon ni Alexa na may kasamang pag-ikot ng mga mata.

"Thank god! Akala ko I'm too late na..." nagpakawala ako ng malalim na paghinga matapos kabahan sa sinabi ni Alexa.

Pumasok na kami ni Alexa sa loob ng restobar at naghanap ng bakanteng upuan. Pinagmasdan ko ang paligid at hindi naman ako nadisappoint sa nakita ko. Isa itong highclass restobar at puro sosyal ang pumupunta rito. Maging ang mga waiter, bartender at cashier ay mukhang may mga pinag-aralan. Napatingin ako sa stage ng biglang may mag-announce na magsisimula ng magperform ang Four Musketeers Band. After a few minutes bumalik ang host para sabihin na bibigyan ang isa sa mga audience ng chance upang makipag-jamming sa Four Musketeers Band. Tuwang-tuwa akong marinig ang announcement ng host dahil feeling ko si god na talaga ang nag-open ng opportunity para ma meet ko up close and personal si SEB. Mas lalong lumakas ang kumpyansa ko ng sabihin ng host na ang bibigyan ng chance para maka-jamming ang banda nila SEB ay isang taong marunong mag-play ng organ or piano. Agad-agad akong tumayo at lumapit sa host para iprisinta ang sarili. Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid at sabay pumalakpak sa katapangang ipinamalas ko. Nag two thumbs up naman sakin si Alexa bilang pagsuporta saking kahibangan. Ang inisip ko ng mga panahong yon ay once in a life time opportunity ito at kailangan ko itong sunggaban para no regrets at all. Sinama ako ng host sa backstage para ma-meet ang Four Musketeers Band. Agad ipinakilala ng host ang 4 na miyembro ng banda. Si Franz na boyfriend ni Alexa ang drummer/leader ng banda, si Keith na kapatid ni Alexa ang lead guitarist, si Josh naman ang sa keyboards/vocalist but for some reason wala siya sa backstage at si SEB which is the bass guitarist/lead vocalist.

"Guys I would like you to meet ATASHA, she will play the keyboards for your band today since Joshua went on AWOL today." malumanay na sabi ng host ng restobar

Agad nakipagkamay sa akin si Franz at tumitig sa aking mukha na parang matagal na niya akong kilala. "Hi, I'm Franz, you're Alexa's cousin who just arrived from the US right?"

"Yes you are correct, I am ATASHA SOFIA HUDSON but you can just call me ASH for short." agad kong sagot kay Franz na may halong panginginig ang boses dahil malapit lang sa akin ang man of my dreams ko.

"Hi couz, wazzup." cool na cool na bati sa akin ni Keith. Samantalang si SEB ni tingin hindi man lang ginawa at patuloy lang sa pagtipa ng kwerdas ng kanyang gitara.

Nagkatinginan sila Keith at Franz ng hindi lumapit si SEB para magpakilala sa akin. Bakas ang pagkadismaya ni Franz kaya siya na lang mismo ang nagintroduce sa akin sa kabanda "By the way ASH his name is SEB, siya ang bass guitarist at lead vocalist ng banda namin."

Agad kong binati si SEB "Hi SEB, nice to finally meet you, I'm ASH." iniabot ko ang aking kamay kay SEB para makipag-handshake pero tiningnan niya lang ako na para bang wala siyang balak hawakan ang kamay ko.

Umiling si SEB at napaismid sa akin "Tssssk... Don't call me SEB we are not friends."


The ONE that got AWAY (Completed Story)Where stories live. Discover now