Chapter 3.2: Meeting my Prince Charming

1.5K 22 0
                                    

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga katagang aking narinig. Kung pwede lang sanang hilingin na bumuka ang lupa para lamunin ako ng buhay ay ginawa ko na sa sobrang kahihiyan na inabot ko kay SEB. Hindi ito ang inaasahang kong pagtatagpo namin. Is it just me or talagang hindi na niya ako natatandaan, kung sa bagay hindi ko siya masisi dahil ang laki na talaga ng pinagbago ng hitsura ko at napakatagal ng panahong nakalipas mula ng una kaming magkakilala.

Muling bumalik ang host sa backstage para sabihan kami na magpeperform na grupo in 5 minutes. Wala akong idea kung ano ang aking gagawin dahil first time akong tutugtog kasama ang banda. Well nagpeperform ako sa mga recitals ko noon pero mag-isa lang ako hindi grupo. Tiningnan ko ang piyesa na nakalagay sa ibabaw ng organ na gagamitin ko para pag-aralan ang tutugtugin ko, ito ay isa sa mga sikat na kanta ng The Script. Muli kong sinulyapan si SEB habang nagpraractice ako at napansin kong kumunot ang kanyang noo. Parang hindi yata niya gusto ang aking presensya, naconscious tuloy ako sa aking hitsura kaya tiningnan ko ang aking sarili mula ulo hanggang paa. Wala naman akong makitang mali sa hitsura ko ngayon, halos lahat nga ng lalaki sa loob ng restobar ay nakatingin sa akin na para bang gusto nila akong kainin ng buhay.

Makalipas ang limang minuto ay lumabas na kami sa stage at pumunta sa aming mga pwesto. Medyo malapit sa akin si SEB kaya napagmasdan ko ng maigi ang kanyang mukha. Hindi pa rin siya nagbago, gwapo pa rin siya ang pinagkaiba lang ay naging malapad ang kanyang dibdib at lumaki ang kanyang pangagatawan na para bang lagi siyang nag-woworkout. Mas lalo rin naging defined ang facial features niya lalo na ang kanyang cleft chin at dimples sa magkabilang pisngi. Bakat ang mga braso niya sa color black fitted v-neck shirt with matching fitted torn jeans and black boots. Mahihiya si Adonis na magpakita sa lalaking nasa harapan ko ngayon. 

Bigla akong natauhan galing sa pansamantalang pagkawala sa sarili, sino ba naman ang hindi mawawala sa sarili kung ang kaharap mo ay ang lalaking pinangarap mo buong buhay mo. Kung kasalanan ang magkaroon ng temporary insanity ay ako na mismo ang magkukulong sa sarili ko matapos mag plead ng GUILTY CLAIM sa hukuman. Nagulat ako na nagsisimula na palang tumugtog ang banda nila SEB at inaantay nilang magsimula akong tumugtog ng organ. Iniling-iling ko ang aking ulo para ako ay magising mula sa napaka-gandang panaginip at sinimulang tumugtog.

Going back to the corner where I first saw you

Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"

Some try to hand me money, they don't understand
I'm not broke – I'm just a broken-hearted man
I know it makes no sense but what else can I do?
How can I move on when I'm still in love with you?

'Cause if one day you wake up and find that you're missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you'll come back here to the place that we'd meet
And you'll see me waiting for you on the corner of the street

So I'm not moving, I'm not moving


Gulat na gulat ako sa mga pangyayari, hindi ko inaasahan na sobrang ganda pala ng boses ni SEB. Mala-anghel ang kanyang tinig at para ba akong kinukuryente sa bawat bigkas niya ng mga kataga sa kanta. Sa tagal ko ng sinusubaybayan si SEB ay may isa pa pala akong bagay na hindi alam tungkol sa kanya, iyon ay ang galing niya sa pag-awit. 

Policeman says, "Son, you can't stay here."
I said, "There's someone I'm waiting for if it's a day, a month, a year.
Gotta stand my ground even if it rains or snows.
If she changes her mind this is the first place she will go."

So I'm not moving, I'm not moving,
I'm not moving, I'm not moving

People talk about the guy that's waiting on a girl, oh ohh
There are no holes in his shoes but a big hole in his world, hmm

And maybe I'll get famous as the man who can't be moved
Maybe you won't mean to but you'll see me on the news
And you'll come running to the corner
'Cause you'll know it's just for you
I'm the man who can't be moved
I'm the man who can't be moved

Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag, I'm not gonna move

Tagos sa puso ang kanta niya, para bang may pinaghuhugutan siyang malalim sa kanyang mga karanasan para mabigyan niya ng hustisya ang kanta. Inaabot ng boses niya ang rurok ng iyong kalooban at kung may sakit ka sa puso ay masasabi mong magaling ka na dahil naantig ng boses niya ang bawat sulok nito. Ilang kanta pa ang ibinahagi ng banda sa mga tao sa restobar at matapos ang huling kanta ay pumunta na kami sa backstage para magpahinga at mag-ayos ng aming gamit para umuwi. Lumalalim na rin ang gabi at hindi ko napansin na mag ala-una na pala ng madaling araw. Masyado akong nalibang sa pagtutog kasama ang Four Musketeers band, sino ba ang magaakala na ang isang kagaya ko ay magkakaroon ng pagkakataong maka-jamming ang aking pinakamamahal na si SEB. Hanggang sa huli ay hindi niya ako kinausap o ngitian man lang.

"Nasaan na ang batang lalaki na palangiti at matulungin haissst..." tanong ko sa aking sarili.

Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa aking likuran. "Ano ang ibinubulong-bulong mo diyan?" Hindi kaagad ako nakapag-react dahil hindi mag sync-in sa akin na kinausap ako ni SEB kahit may kasamang pagsusungit ang tono nito. Inulit niya ang kanyang tanong pero this time nakatitig na siya sa aking mga mata. "Ano ang ibinubulong-bulong mo diyan? May sinasabi ka ba?"

 "Uhmmm... Ahhh... Wala lang yon may naalala lang ako, sorry kung naistorbo kita." halos kainin ko ang mga letra ng salitang binigkas ko, nabulol ako sa sobrang kaba at hindi ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. Matapos marinig ang aking sinabi ay dumiretso na palabas ng pinto si SEB at ng bubuksan na niya ang doorknob ng bigla siyang huminto, lumunok ng bahagya at nagsalita " You did well today ASH." lumabas na ng tuluyan si SEB at naglaho na ito sa aking paningin.

"Waaaaaahhhhhhh... Oh My GEE!!!" malakas kong sigaw na may kasamang pag-irit

Agad-agad pumasok ng backstage si Alexa para tingnan kung anong nangyari sa akin. Nilapitan niya ako at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Hey ASH are you okay? Did something happen to you?"

"Grabe! Alexa kinausap niya ako... as in tumingin siya sa akin at nagsalita..." halos mapatalon ako sa tuwang nararamdaman ko. Daig ko pa ang nanalo sa lotto as if tumataya ako noh. Napalitan ng tuwa ang pag-alala ni Alexa sa akin. Ikunwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni SEB sa backstage at ang huling sinabi niya sa akin na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.  

"Ikaw na talaga ASH, akalain mo kinausap ka ng supladong SEB na iyon. Gwapo sana kaso masyadong masungit" pang-aasar na salita ni Alexa. Hindi ko pinansin ang panglalait ni Alexa kay SEB, ang importante sa akin ay kinausap na niya ako finally after so many years. Lumabas na kami ni Alexa ng restobar at hinintay namin ang sundo niya. Nauna na raw umalis si Franz kasama ang kanyang kabanda dahil may kailangan pa silang puntahan. Hindi na ako pinagtext ni Alexa kay Stuart dahil ang sabi niya ay ihahatid na lang daw niya ako sa aming bahay. Nagtext naman ako kila Mommy at Daddy kanina kaya alam nilang malalate ako umuwi. Hindi naman sila nagtanong pa dahil sinabi ko na kasama ko si Alexa na kumain sa labas. Siyempre hindi ko sinabi na si SEB ang sadya ko kasi for sure magagalit si Daddy. Alam kasi niya na stalker ako ni SEB, may mga picture kasi si SEB sa kwarto ko. Mga pictures iyon ni SEB sa FB niya, iyong iba shinare lang ng mga friends niya na kinopya ko lang at pinaprint pagkatapos ay nilagay ko sa isang frame. Ang pinaka-favorite kong picture ni SEB ay iyong kuha niya sa Nature's Park noong mga bata pa kami. Hindi ninyo naitatanong ay bago umalis si SEB noon ay kinuhanan kami ni Daddy ng picture ni SEB para raw may remembrance kami. Palagi ko iyong tinitingnan pati na rin ang puting panyo na ibinigay niya sa akin. Iyon ay mga mumunting ala-ala ng aming nakaraan na mukhang ako na lang ata ang nakakaalala. 

Dumating na ang sundo ni Alexa at sumakay kami sa passenger's seat. After 30 minutes dumating na kami sa harap ng aming mansion. Bago ako bumababa ng sasakyan nila Alexa ay nagbeso muna kami sa isat-isa at nagpaalam na ng tuluyan. Pumasok ako sa loob ng mansion at dumeretso sa aking kwarto upang magpahinga. Nag-shower lang ako ng mabilis at nagpalit ng nighties pagkatapos ay humiga kagad ako sa kama para matulog. Nakatingin ako sa kisame at inaalala ang mga naganap ngayong araw. Sobrang dami ng nangyari sa araw na ito, kanina ay kadarating ko lang galing sa America tapos ay nakasama ko kagad sa iisang lugar si SEB and take note naka-jamming ko pa. Unti-unti akong naghikab dahil sa sobrang antok. Bago ko patayin ang lampshade ko ay kinuha ko muna ang picture frame na nasa desk ko sa may kama. Hinaplos ko ito at marahang hinalikan. "Sa wakas SEB, nagkita na ulit tayo... Malapit na... malapit ka ng maging akin!"  ito ang mga huling salita ko bago tuluyang nakatulog.

The ONE that got AWAY (Completed Story)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें