Prologue

5.4K 51 0
                                    

Nasaan ako? Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at naaninag ang isang mala-anghel na mukha. Nasa langit na ba ako? Tanong ko sa aking sarili sabay kusot sa aking mga mata para lubusan kong makita ang mukha ng aking kaharap. Sumambulat sakin ang napakagandang mata kulay brown ito at napakalinaw. Para ako nakatingin sa salamin dahil nakikita ko ang aking sarili sa kanyang mga mata. Kung hindi ako nagkakamali mukhang magkasing edad lang kami pero mababatid mo na parang matured na siyang kumilos. Ngumiti siya sakin habang tinatanong kung okay lang ba ako dahil halos hindi na ako kumurap sa katititig sa kanya. Nakita kong lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi at napakalalim nito. Pinagmasdan ko ng maigi ang kanyang mukha, napakatangos pala ng ilong nya, makinis ang balat at malaporselana ang kutis. Mahihiyang lumapit sa kanya ang mga babae dahil sa ganda ng kanyang mga labi mamula-mula na parang may lipstick. Bigla akong nabalik sa realidad ng maalala ko ang nangyari sa akin. Nasa Nature's Park pala ako, kasama ang aking mga magulang para mamasyal. Birthday ko kasi ngayon at imbes na engrandeng birthday party ang hilingin ko ay sinabi ko sa aking Mommy at Daddy na mamasyal na lang kami sa park at mag picnic doon. Sawa na kasi ako sa mga party, taon-taon na lang na ganoon ang ginagawa namin kaya napag-isipan ko na ibahin ito ngayong taon para mas exciting. Ngunit habang namamasyal ay napahiwalay pala ako sa aking mga magulang ng may nakita akong kuneho na patalon-talon sa damuhan. Na-excite ako kasi ngayon lang ako nakakita ng kuneho ng malapitan, dati kasi sa zoo ko lang sila nakikita o sa mga libro. Gusto ko sanang magpabili kay Mommy ng kuneho kaso ayaw niya dahil may asthma raw ako bawal daw sakin ang mga furry pets. Nakatulog ako sa sobrang pagod sa paghahanap sa aking mga magulang. Sobrang laki kasi ng Nature's Park kaya napag-isipan kong magpahinga muna, napagod rin ako sa pag-iyak kaya may bakas pa ng natuyong luha sa aking mga pisngi. Napansin kong inilahad ng batang lalaki sa akin ang kanyang kamay at inabot ang isang puting panyo. Tiningnan ko siya ng mabuti, dahan-dahang kinuha ang panyo at pinunas sa aking mga mata pati na rin sa aking mga pisngi. Nagpasalamat ako sa kanya at sinubukang isauli ang panyo ngunit umiling siya. Sabi niya mas kailangan ko raw iyon ngayon. Nakalipas ang ilang minuto ng may narinig akong tumatawag sa aking pangalan. "ATASHA... ATASHA!!!" Dahan-dahan akong tumayo upang tingnan kung saan nanggagaling ang mga boses na naririnig ko at laking gulat ko na makita ang aking mga magulang. Tumakbo ako palapit sa kanila at sinalubong naman nila ako ng mahigpit na yakap. Iyak sila ng iyak at kaya unti-unti na rin tumulo ang aking mga luha. Ang saya-saya ko na makita ulit ang aking mga magulang, akala ko ay hindi ko na sila masisilayan pang muli. Pagkatapos ng ilang minutong naming pagyayakapan ay naalala kong may kasama pala ako sa aking likuran. Sinabi ko sa aking mga magulang na tinulungan ako ng batang lalaki habang nag-aantay sa kanila. Nagpasalamat ang aking mga magulang at inimbitahan ang batang lalaki na sumama sa amin para kumain. Ngumiti lang siya at sinabi na inaantay na rin siya ng kanyang ama't ina kaya hindi siya makakasama sa amin. Paalis na sana ang batang lalaki nang maalala ko na hindi ko pa pala natatanong ang kaniyang pangalan. Nilapitan ko siya at tinanong ito. Lumingon ang batang lalaki sa akin at sumagot "I'm Sebastian Elliot Barrameda but you can call me SEB for short" . Habang pinagmamasdan ko na unti-unting naglalaho ang anino ng batang lalaki pinangako ko sa sarali ko na balang araw ay makikita ko siyang muli. Magkikita ulit kami ng aking "SEB".








The ONE that got AWAY (Completed Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon