Chapter 20: The Unexpected Gift

1K 12 0
                                    

Tatlong linggo na ang nakalipas mula ng maganap ang aming honeymoon ni SEB sa resort ng aking mga kaibigan. Mula noon ay wala na rin kaming narinig pa mula sa Twinsies maging kay Wilson. Natakot talaga ako ng magkita kami ni Dustin sa resort nila Ryza at Lyza. Alam kong close sila ni Wilson kaya for sure nasabi na niya ang aming accidental meeting. Baka nga anytime ay matutunton na kami ni Wilson. Katapusan na ba ng mala-fairytale naming buhay ni SEB? Tama nga siguro si SEB, napapraning lang talaga ako. Hindi naman yata ako nakilala ni Dustin. Kung sa bagay ay ilang taon na rin naman ang nakalipas mula ng ipakilala siya sa akin ni Wilson sa America. Marami ng nagbago sa hitsura ko kaya mahihirapan na siyang makilala ako pwera na lang kung stalker ko siya at may album siya ng mga before and after pictures ko. But that's going to be creepy indeed. Naghahanda na ako para pumasok sa TESDA Learning Center ng bigla akog makaramdam ng pagkahilo. Ilang araw ko na ring iniinda ito. Madalas din akong nasusuka kapag nakakaamoy ako ng mga pagkain na ginigisa kaya pinagbawalan ko muna si SEB na magluto ng mga ulam na ginagamitan ng bawang at sibuyas. Pinaalalahanan ako ni SEB na magpatingin sa doctor para malaman kung ano ba ang sakit ko. Lately kasi ay tamad na tamad akong kumilos. Kung dati ay pusturang-pustura ako pag aalis ng bahay, ngayon hindi na. Simpleng shirt, boyfriend jeans at sandals lang ang suot ko kapag kailangan kong lumabas ng bahay. Maging si SEB ay napansin ito pero imbes na magtaka ay mas natuwa pa siya. Atleast daw ay nabawasan ang pagsusuot ko ng mga sexy na damit. Ano kaya ang nangyayari sa akin? Pati sa pagkain ay naging pihikan ako. Kung dati ay paborito ko ang sinigang na baboy ngayon ay hindi na. Nasusuka ako pag naamoy ko ito.

Nakaligo na ako at nakapagbihis kaya bumaba na ako para sumakay sa aking kotse. Malapit na akong matapos sa aking Dressmaking course. Isang buwan na lang ay kailangan ko ng magtake ng competency assessment bago ako makakuha ng NCII Certificate from TESDA. Currently ay nasa preparing and cutting materials of casual apparel na kami and next week ay sisimulan na namin ang sewing casual apparel. Marami na rin akong nagawang sketch ng ibat-ibang klaseng design ng damit. May mga casual, cocktail at wedding dress. Umaasa ako na sana ay payagan ako ni SEB na ipursue ko ang aking pangarap na maging fashion designer. Kung ako lang ang masusunod ay gusto ko sanang magkaroon ng isang maliit na boutique at doon ko ididisplay ang aking mga dinesenyong damit. Ngunit mukhang hanggang pangarap na lang ako. Because knowing SEB, hindi siya papayag na magwork ako. Sobra kasi siyang ma-pride mas mataas pa sa kanya. As usual gusto kong maging isang mabuting maybahay kaya wala akong ibang choice kung hindi ang sundin siya. Minsan nga naiisip ko if I am really the submissive type. Hindi ko kasi naimagine ang sarili ko na susunod na lang basta sa utos ng taong mahal ko. Akala ko kapag nag-asawa na ako ay magtutulungan kaming dalawa na maabot ang aming mga pangarap at parehas naming papahalagahan ang opinyon ng bawat isa. Gusto kong magkaroon ng cool relationship kagaya ng sa parents ko. Although my Mom decided to gave up on her modelling career for my Dad, she still helped my father expand his business abroad. Nakalipas ang apat na oras at tapos na naman ang aming training. Nagyaya ang aking mga kaklase na mag lunch out, since wala naman si SEB pumayag na akong sumama. Habang kumakain kami sa isang fastfood ay napansin kong may nagmamasid sa akin sa malayo. Kanina ko pa ito nararamdaman parang may sumusunod sa akin. Biglang kinutuban ako ng hindi maganda. Gusto ko sanang baliwalain ang hinala ko pero malakas talaga ang pakiramdam ko na kilala ko ang taong nagmamanman sa akin. Mabilis kong inubos ang aking pagkain at nagpaalam sa aking mga kasama.

"Guys I have to go. I still need to run some errands for my husband. I'll see you tomorrow." nagmamadali kong sambit sa aking mga kasama.

"Okay lang ASH. Sige uuwi na rin kami maya-maya. Salamat at sumama ka sa amin. Ingat ka sa pag-uwi." pag-sangayon ng aking mga kasama.

"Okay. Bye."pagpapaalam ko sa kanila.

Dali-dali akong pumunta sa parking lot ng fastfood para sumakay sa sasakyan ko. Bubuksan ko pa lang sana ang pinto ng aking kotse ng biglang may humawak sa braso ko mula sa likuran ko.

The ONE that got AWAY (Completed Story)Where stories live. Discover now