Special Chapter 2: The Twinsies Love Triangle

850 10 1
                                    

"Ate Lyza Ate Lyza where are we going?" pabulong na tanong ni Ryza sa nakakatandang kapatid.

"It's a surprise Ryza. Just wait and see. We have to go faster we might get caught." nakangiting tugon ni Lyza habang karag-karag ang kapatid palabas ng bahay nila.

"Really Ate. I love surprises." excited na sagot ni Ryza habang tumatalon-talon sa tuwa.

"I know. And for sure you will love it." paggagarantiya ni Lyza sa kapatid.

Nagtungo ang kambal sa may Nature's Park na malapit lang sa kanilang tinitirhan. Dito madalas naglalaro ang magkapatid lalo na kapag wala ang kanilang mga magulang. Marami kasi silang nakakasalamuhang ibang bata doon hindi gaya sa bahay nila na sila lang dalawa. Kagaya ni ASH ay galing din sa isang mayamang angkan sina Lyza Elize Carreon at Ryza Felize Carreon. Sila ay ang kambal na anak nina Calixta at Theodore Carreon. Ang pamilya nila ang nagmamay-ari ng ngayon ay sikat na sikat at world renowned beach resort ang 'Imperial Palace Resort'. Ito ay isang tanyag na resort na matatagpuan sa Caramoan Islands. Hindi makakaila ang ganda nito dahil hindi ito nalalayo sa Boracay at El Nido. Kahit bago pa lang ito nakikilala na ito ng maraming turista dahil sa sariwang hangin, matiwasay na paligid, napakalinaw na tubig, maputi at pinong buhangin. Kaya naman tuwing bakasyon ay sinisigurado ng Twinsies na makauwi sila sa kanilang probinsya para maenjoy ang kanilang semestral break.

"Finally we're here." masayang sambit ni Lyza sa kapatid.

"How did you know that I want to come here Ate?" nakangiting tanong ni Ryza sa kapatid.

"Because we are twins. We have a special bond or connection that goes beyond other siblings. I know what you want since I can also feel it." pagpapaliwanag ni Lyza sa kakambal.

"So does that mean we will end up liking the same person?" inosenteng tanong ni Ryza sa kapatid.

"My Twinsie. Don't you worry. I promise you that if there would be a time that we will like the same person I will give way for you my dear sister. That's how much I love you." malumanay na tugon ni Lyza sa kapatid habang nakatitig sa mga mata nito.

"Thanks Ate. Pinky swear?" mabilis sa na sagot ni Ryza habang itinaas ang hinliliit at inilapit sa kapatid.

"Pinky Swear." tugon ni Lyza sabay lapit din ng hinliliit niya kay Ryza para magpinky swear.

Lumaking malapit sa isat-isa sina Lyza at Ryza. Most of the time ay parehas sila ng mga gusto sa buhay kaya magkasundong-magkasundo sila. Minsan nagkakatampuhan pero mabilis din naman silang nagkakaayos. Parehas nag-aral sa McKinley High ang kambal at nag-aral ng kolehiyo sa MIS sa kursong Business Administration. Dito nila nakilala si ASH at si SEB. Ngunit magbabago ang lahat at mayayanig an samahan ng magkapatid sa pagdating ni Dustin. Si Dustin 'James' Lee na malapit na kaibigan ni Wilson noong nasa America pa sila. Ang lalaking naging dahilan para matunton ni Wilson si ASH. Simula pa pagkabata ay gusto na ni Ryza si Dustin. Madalas nakakalaro ni Ryza si Dustin sa Nature's Park bago pa nagmigrate ang binata sa States. Mula noon ay ipinangako na ni Ryza sa sarili na hindi siya magpapakasal sa kahit sinong lalaki tanging kay Dustin 'James' Lee lang. Ang hindi alam ng magkapatid ay iisang lalaki pala ang kanilang pinapangarap na mapangasawa.

"Ate Lyza, when are you going to introduce me to your special friend?" pangungulit ni Ryza sa kapatid habang nakaupo sa kama ni Lyza.

"Don't be too excited. He will be at our resort tomorrow so you better be nice to him. He is very special to me and you know that right." nakangiting tugon ni Lyza sa kakambal.

"Of course Ate. Don't worry I'll behave." mabilis na bwelta ni Ryza sabay ngisi sa kapatid.

"By the way Ryz, do you have any update on ASH and SEB? I am really worried about them especially ASH." worried na tanong ni Lyza kay Ryza.

The ONE that got AWAY (Completed Story)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum