† CHAPTER EIGHT †

3 1 0
                                        

Maagang nagising si Ruth dahil sa ingay na nagmumula sa banyo ng bahay nila. Nang tingnan niya ang wall clock, pasado alas kwatro y medya na ng madaling araw. Balak pa sana niyang matulog ulit pero naisip niyang pumasok na lang rin ng maaga para makabawi sa mga na-missed niyang mga subject.

Mula kasi nang malaman niya na patay na si Simon, gabi-gabi siyang umiiyak dahil hindi niya matanggap ang nangyari sa kanya. Gabi-gabi niyang iniiyakan at kinakaawan ang kaibigan. Kagabi nga lang ay dumalaw ulit siya kasama ang iba pang mga kaibigan dahil ‘yun na ang huling lamay ni Simon. Gusto man niyang ibuhos ang lahat ng mga luha niya dahil ‘yun na ang huling lamay ng kaibigan, hindi niya magawa dahil miski mga luha niya ay naubos na sa kakaiyak niya.

Muli na naman siyang humagulhol ng iyak nang maalala ang kaibigang si Simon. Hindi niya pa rin lubos na matanggap ang nangyari dito kahit sa mga oras na ‘to. Pinunasan na lang ni Ruth ang mga luhang pumatak sa pisngi niya at mahinang humikbi.

Nagtungo siya sa banyo para maligo na dahil mga pasado alas siete ang pasok nila at dahil gusto niyang makabawi ay papasok siya ng maaga. Pagkatapos niyang maligo ay nakita niyang naghahanda ng mga pagkain ang yaya nila kaya tinawag niya ito.

“Yaya Madel, gising ka na pala?” nakangiting tanong ni Ruth kahit mahahalata sa kanyang napipilitan lang siyang ngumiti.

“Oo, hija! Narinig ko kasing naliligo ka na kaya naisipan kong maghanda na ng agahan mo,” sagot ng Yaya Madel niya.

Tumango lang si Ruth at umakyat na sa kwarto niya upang doon ay magbihis. Kinuha niya sa wardroube niya ang uniporme at saka nagbihis. Matapos magbihis ni Ruth ay bumaba na siya upang kumain. Nginitian pa si Ruth ng yaya nila bago siya kumain. Napangiwi pa muna si Ruth bago tikman ang niluto nitong pritong manok at sinangag.

Habang kumakain siya, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba sa hindi niya maintindihang dahilan. Kumuha ng isang basong tubig si Ruth at kanya iyong nilagok.

“Masarap ba, hija?” tanong ng yaya nila.

Tumatango si Ruth habang umiinom ng tubig, nang bigla siyang masamid at naibuga niya ang mga tubig na iniinom niya. Agad na naalarma ang Yaya Madel nila pero sinenyasan lang ito ni Ruth na okay lang ako…

“Ayos ka lang ba talaga, hija?” nag aalalang tanong ng yaya nila.

Tumango lang si Ruth at nagkanda ubo-ubo siya dahil sa pagkasamid. Kinuha niya ang pamunas niya at pinunasan ang bibig pagkatapos ay nagpaalam siyang aakyat muna sa taas para magpalit ng uniform. Humingi ng pasensya sa kanya ang yaya nila ngunit sinabihan lang ito ni Ruth ng ayos lang.

Pagpasok ni Ruth sa kwarto niya ay agad siyang nagpalit ng uniform. Ayaw man niyang suotin ang isa pang uniform na may necktie, wala siyang magagawa kun’di ang suotin ito. ‘Yun na lang kasi ang option niya. Magsusuot siya ng isang t-shirt at maong na pantalon o magsusuot siya ng blouse na may kasamang necktie.

Saglit na napatigil sa pag-aayos ng uniform niya si Ruth nang mapatitig sa maliit na picture na nakita niya sa ibabaw ng kama niya. Agad niya yung kinuha at matamang pinagmasdan. Picture ‘yun kung saan kasama niya ang kaibigan si Mayven at kapwa sila nakangiting dalawa.


“Hoy, Mayven! Alam mo, camera na yung nahihiya sa ‘yo sa dami mong pictures na kinukuha! Puro ka picture!” natatawang saad ni Ruth habang abala sa pag-aayos sa decorations dahil kasalukuyang may event silang idaraos sa school nila.

Malapad ang ngiti ni Mayven habang mahigpit na nakahawak sa camera.  “Wala lang, gusto ko lang i-treasure yung bawat memories nating lahat! Alam niyo na, hindi naman natin alam yung mga mangyayari sa hinaharap.”

I CAN'T FORGET YOU (REVISED VERSION 2025)Where stories live. Discover now