† CHAPTER THIRTEEN †

3 1 0
                                        

Gustong isipin ni Harvey na sana’y panaginip lang ang lahat ng nangyari at masamang panaginip lang ‘yon nang magising siya sa isang puting silid at nakatitig lang sa kisame. Wari niya’y nasa loob siya ng isang ospital dahil nakita niyang naka swero ang kanyang kaliwang kamay.

Akala niya talaga ay mamamatay na siya doon at akala niya ay hindi na siya mapapatawad pa ng dating nobya kaya’t napangiti si Harvey.

Ngunit, napatawad na nga ba siya nito?

Aabutin sana ni Harvey ang cellphone niya sa gilid ng kama niya nang bigla siyang matigilan. Naisip niya kasi na pigilan ang mga kaibigan sa balak nilang gawin kay Mayven. Saktong pagkakuha niya sa cellphone niya, biglang lumitaw ang numero ni Stella. Agad niya itong sinagot at kinausap.

“Kanina pa ‘ko tumatawag sa ‘yo. Ano? ‘Di ka pa ba aalis diyan? Malapit ng gumabi, baka hindi na tayo matuloy sa school!” bungad ni Stella sa kanya.

Doon ay napagtanto ni Harvey na nananaginip lang talaga siya at isa lang masamang panaginip ang lahat ng mga nangyari sa kanila.

“S-Stella...” sambit ni Harvey.

“Bilisan mo naman, Harvey. Grades natin nakasalalay dito. Paano mo pa mapipilit si Mayven n’yan kung mismo ikaw wala rito?” naiiritang tanong ni Stella.

“S-Stella, ‘w-wag na natin ‘tong ituloy. M-masama yung napanaginipan ko, sobrang sama! ‘Wag mo nang patuluyin diyan sa school sila William, pakiusap! ‘Wag na natin ‘tong ituloy!” pakiusap ni Harvey.

Magsasalita pa sana si Harvey nang biglang maputol ang tawag at tanging ring na lang ang naririnig niya. Sinubukan niyang tawagan si Mayven pero busy ang cellphone nito. Kaya kahit hindi pa maayos ang lagay ni Harvey, lumabas na siya ng ospital at mabilis na pumara ng taxi papunta sa dati nilang school.

~

Nakahinga ng malalim si Nancy nang sa wakas ay sinagot na ng kaibigan ang tawag niya. “Harvey? Sa wakas! Sinagot mo na yung tawag ko!”

“S-Stella...” 

Hindi napigilang mapakunot ng noo ni Nancy nang mabanggit ang pangalan ni Stella. “Stella? Ha? Anong sinabi mo, Harvey? Anong Stella? Harvey, si Nancy ‘to! Ano? Okay ka lang ba? Pupunta ako diyan bukas, Harvey.”

“S-Stella, ‘w-wag na natin ‘tong ituloy. M-masama yung napanaginipan ko, sobrang sama! ‘Wag mo nang patuluyin diyan sa school sila William, pakiusap! ‘Wag na natin ‘tong ituloy!” rinig niya pang saad ni Harvey na tila ba’y nakikiusap.

Nangunot ang noo ni Nancy dahil sa mga sinabi sa kanya ni Harvey sa kabilang linya. Balak pa sana niyang magsalita pero agad nang namatay ang tawag.

Nagtaka pa siya dahil binanggit ni Harvey ang salitang school na sa tingin niya ay ang tinutukoy ni Harvey na dati nilang eskwelahan. Pakiwari niya’y magtutungo ang kaibigan doon kaya kahit wala siyang pahintulot na lumabas ng gabi ng kanyang nanay, lumabas na lang siya at tahimik na umalis ng bahay nila.

Magpupunta siya sa dating eskwelahan dahil sa sinabi ng kaibigan at malakas ang pakiramdam niyang doon magtutungo ang kaibigan base sa kanyang narinig.

~

Pagkarating ni Harvey sa dating eskwelahan, agad siyang nagtungo sa loob ng paaralan at nalaglag pa ang cellphone niya. Pagpasok niya sa loob, nakita niyang sarado ang bawat kwarto.

Pinagmasdan niya nang maigi ang bawat kwarto kung may mga ilaw ba ito ngunit wala siyang nakikita. Hanggang sa dumako ang tingin niya sa isang faculty room, bukas ang mga ilaw nito sa loob kaya’t dali-daling nagtungo roon si Harvey.

I CAN'T FORGET YOU (REVISED VERSION 2025)Where stories live. Discover now