† CHAPTER SIX †

7 1 0
                                        

Napag-alaman ng magkakaibigan na kaya pala naroon ang dati nilang guro sa pinapasukan nilang school ay dahil gusto sila nitong makausap tungkol sa pagkamatay ni Mayven. May gusto daw itong sabihin sa kanila ngunit dahil namatay na ito, hindi na nila malalaman ang gusto nitong sabihin sa kanilang magkakaibigan.

Gusto man nilang dumalaw sa lamay ng dating guro, hindi na sila nagbalak pang magpunta sa bahay nito. Hindi lang dahil sa ayaw nilang ma-miss ang mga subject schedule, kun'di ayaw rin nilang makita ang labi ng dati nilang guro. Nang makita kasi nila ang walang buhay na katawan ng dating guro noong araw na matagpuan itong wala ng buhay sa loob ng faculty room, natakot sila sa itsura nito. Tadtad ng laslas sa leeg at halos maputol na ang ulo niyon dahil sa laslas na ginawa nito.

Ayon nga sa babae na nakausap nila bago rin ito mamatay, pinatay daw ng dating guro ang sarili niya. Natakot rin sila nang malamang nagkalasog lasog ang katawan ng dating guro habang ini-embalsamo ito sa morge. At ang pinaka nakakasukang ayaw rin nilang makita ay ang pagkawala ng ulo ng dating guro. Ayon sa embalsamador, bigla na lang daw naputol ang ulo ng dating guro at nahulog ito sa kung saan. Noong hanapin ito, bigla na lang rin itong nawala.

Kinalabit si Nancy ng babaeng katabi niya at nagtanong ito. "Ahh, ayos ka lang ba?"

Tumango si Nancy at hindi na nagsalita pa. Kasalukuyan kasing nagtuturo sa unahan ang isa sa mga guro nilang si Miss Bianca. Matapos ang ilang araw mula nang mangyari ang nangyari sa loob mismo ng paaralan, tila ba'y naging lutang at wala sa sarili niya si Nancy.

Hindi niya alam ngunit parang ang laki nang naging epekto sa kanya nung nangyari sa dati nilang guro, maging sa babaeng nakausap nila. Paulit ulit rin kasing nage-echo sa isipan niya yung sinabi ng babae sa kanilang magkakaibigan kaya hanggang ngayon ay hindi niya pa rin malimutan.

Isasama kayo ng kaibigan niyo. Hindi niya kayo titigilan...

~

"Uhm, Simon?" wala sa sariling napalingon si Simon sa tabi niya nang biglang magsalita si Mayven.

Sumulyap pa siya sa kaibigang babae bago ibalik ang tingin niya sa unahan nila. "Bakit? May sasabihin ka rin bang masama sa 'kin?"

Napatikhim si Mayven at napailing. "Wala, Simon, wala akong sasabihin na masama sa 'yo."

"E, bakit nandito ka pa rin? Bakit 'di ka na lang sumama du'n kina Harvey? Tutal mga manghuhusga naman kayo! Lahat kayo! Kasama ka na!"

Napatikhim ulit si Mayven dahil sa sinabi ni Simon. "Simon, unang-una sa lahat wala namang nanghuhusga sa 'yo. Yung mga sinabi nila sa 'yo... sinabi nila 'yun para matauhan ka at hindi para husgahan ka. Ako, bilang kaibigan mo, naiintindihan ko yung nararamdaman mo sa mga sinabi nila pero, Simon, dapat mong tanggapin lahat ng mga 'yun. Alam mo ba yung salitang 'katotohanan'? Ibig sabihin, hindi ka namin hinuhusgahan pero sinasabi namin yung totoo para matauhan ka sa mga pinaggagagawa mo at sa mga maling landas na tinatahak o balak mong tahakin. Mga kaibigan mo kami kaya sana naman iwaglit mo na 'yan sa isipan mo, iwaglit mong iniisip naming masamang tao ka na," hinawakan ni Mayven ang kamay ni Simon at nakipagtitigan rito. "Mga kaibigan mo kami, Simon... mga kaibigang magdadala sa 'yo sa tamang landas at magtatama sa bawat pagkakamali mo."

Saglit na natahimik si Simon at pagkuwa'y napatango-tango. "Siguro nga tama ka, Mayven. Baka ako lang talaga yung nag-iisip na hinuhusgahan niyo ako. Baka sarili ko lang talaga ang kalaban ko."

Hinaplos-haplos ni Mayven ang balikat ni Simon habang unti-unting sumisilay ang ngiti sa mga labi niya. "Hindi mo kalaban ang sarili mo, Simon."

Napasulyap pa si Simon sa kaibigan bago mabilis na alisin ang mga mata rito. Hindi niya kasi malaman kung ano bang susunod na sasabihin o kung anong topic ang gustong simulan. Tanging pagtango-tango lang ang nagagawa niya sa mga oras na 'to.

I CAN'T FORGET YOU (REVISED VERSION 2025)Where stories live. Discover now