† CHAPTER TEN †

4 1 0
                                        

“Nay, masamang kaibigan ba ‘ko?” wala sa sariling tanong ni Mayven sa nanay niya habang nakapatong ang baba niya sa magkabilang braso niya.

Lunapit ang nanay niya at naupo sa tabi niya. “Anak, Nancy, hindi… hindi ka masamang kaibigan…”

Napasinghot si Nancy at napaayos ng pagkakaupo niya. May tumulong luha sa gilid ng mata niya na sinundan ng paghikbi niya. “Pero bakit po gan’un, Nay? Wala akong nagawa para mapigilan silang magpakamatay? Bakit… bakit hindi sila nagtitiwala sa ‘kin? Bakit hindi sila nagkwe-kwento sa ‘kin ng mga problema nila? Basehan na po ba ‘yun na wala talaga akong kwentang kaibigan?”

Napailing-iling ang nanay niya at hinaplos-haplos siya sa balikat niya. Mahigpit rin siyang niyakap nito at hinalik-halikan sa ulo. “Nagkataon lang ang lahat ng mga nangyayari, anak. ‘Wag na ‘wag mong iisiping wala kang kwentang kaibigan dahil hindi ‘yun totoo. Baka oras na talaga ng mga kaibigan mo kaya maaga silang kinuha ng Diyos. Pero, anak, hindi ka walang kwentang kaibigan… tandaan mo yan.”

Hindi na lang nagsalita si Nancy at nanatili na lang na nakayakap sa nanay niya. Iniisip niya pa ring nag-fail siya bilang kaibigan sa mga kaibigan niya at iniisip niya pa ring napaka-walang kwenta niyang kaibigan kahit sinabi na ng nanay niyang ‘wag na ‘wag niyang iisipin ang mga gan’ung bagay.

Nag-fail nga ba siya bilang kaibigan nila?

~

Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng mamatay si Ruth at pangatlong araw na rin ng lamay niya pero hindi pa rin nila lubos akalain na mawawala na lang nang ganun-ganun ang isa pa nilang kaibigan. Sadyang napakasakit pa rin sa kanila ng mga nangyayari at parang hindi pa rin nila kayang tanggapin ang lahat.

Pagkatapos nilang makipaglamay sa pamilya ng kaibigan, napagpasyahan muna nilang dumiretso sa isang white cafè shop para i-refresh ang mga isipan nila at para na rin pag-usapan ang mga kasalukuyang nangyayari sa kanilang magkakaibigan, na sunod-sunod ang mga namamatay sa kanila.

“Hindi na natin ‘to matatakasan…” basag ni William sa katahimikan nila kaya agad na napalingon sa kanya ang mga kaibigan at takang nagsitingin sa kanya ang mga ito.

Nakaupo sila sa labas ng white cafe, magkatabi sila Nancy at William habang nasa tabi naman ni Nancy si Stella na katabi rin ni Harvey.

“What do you mean?” kunot-noong tanong pa ni Stella.

Napailing siya. “‘Wag ka nang mag maang-maangan pa, Stella, na para bang hindi ka kasama at wala ka nung nangyari ‘yun,” seryosong saad ni William at bumaling ang tingin niya kay Harvey. “‘Wag na nating itago ang totoo. Alam natin sa mga sarili nating ginagantihan na niya tayo dahil sa ginawa natin sa kanya. Nagsisisi na ‘ko sa ginawa natin sa kanya! Natatakot ako! Ayoko pang mamatay!” tila ba’y kinakabahang saad ni William kaya hinawakan ni Nancy ang mga kamay niya para pakalmahin siya.

Huminga ng malalim si Nancy at pilit na pinapakalma si William dahil ramdam na ramdam niya ang panginginig ng kaibigan. “Hay... ‘wag mong sabihin ‘yan, William. B-baka nagkataon lang ang lahat. B-baka may plano talaga ang Diyos kaya maaga niya kinuha ang mga kaibigan natin. Walang nang mamamatay sa ‘tin maliwanag ba? Wala nang mamamatay,” nananatiling positibo si Nancy sa gitna ng pag aalala ni William sa mga buhay nilang lahat.

Iniiwas ni William ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak sa kanya kaya bahagya pang nagulat si Nancy. “Ang swerte mo! Ang swerte swerte mo, Nancy! Ikaw lang ang mabubuhay at matitira sa ‘ting lahat! Congrats, mabubuhay ka!” tila ba’y wala sa sariling pagkakasabi ni William at mabilis siyang tumayo at naglakad palayo sa kanilang magkakaibigan.

Susundan pa sana siya ni Nancy kaso agad na niyang pinigilan ang kaibigan sa pagsunod sa kanya.

“Ano bang sinasabi mo, William? Bakit ka ba nagkakaganyan?” nag aalalang tanong ni Nancy.

I CAN'T FORGET YOU (REVISED VERSION 2025)Where stories live. Discover now