Kagagaling lang ni Nancy sa lamay ng mga kaibigan nang biglang tumawag sa kanya ang mga magulang ni Stella. Nasa bahay na siya at kasalukuyang nagtutupi ng kanyang mga damit. Iniabot sa kanya ng kanyang nanay ang cellphone niya at sinagot ang tumatawag sa kanya.
Tita Rachel's calling...
“Hello po, Tita Rachel. Bakit po kayo napatawag?” bungad na tanong ni Nancy.
Narinig niya pang mahinang humikbi ang nasa kabilang linya kaya muling nanumbalik sa pakiramdam niya ang naramdaman niya nung mga nakalipas na araw.
“H-hello po, Tita Rachel? Bakit po ba kayo napat-tawag?” kabadong tanong ulit ni Nancy.
Suminghot muna ang nasa kabilang linya bago ito magsalita na sinundan ng mahinang paghikbi.
“A-ang anak ko, Nancy... ang a-anak ko…” muli itong humikbi.
Mas lalong lumakas ang pakiramdam ni Nancy na may masamang nangyari sa kaibigan niya. Base sa nararamdaman niyang kutob, masama ang kutob niya sa paraan ng paghikbi ng nanay ng kaibigan niya.
“A-ano pong nangyari kay Stella?”
“Patay na siya...” tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Nancy dahil sa narinig niya mula sa nanay ng kaibigan.
Agad siyang napahagulhol ng iyak at narinig ito ng nasa kabilang linya na humihikbi rin.
“W-wala na si Stella, hija...” saad pa nito.
Nabitawan niya ang kanyang cellphone na ikinagulat ng kanyang nanay na kasalukuyang nananahi sa tabi niya. Napatulala si Nancy dahil sa narinig kaya’t nilapitan na siya ng kanyang nanay at kinuha ang cellphone niya upang kausapin ang nasa kabilang linya.
~
Biglang napayakap si Nancy sa nanay ni Stella nang makita ito sa loob ng ospital na umiiyak. Niyakap ni Nancy ang ina ng kaibigan nang napakahigpit at doon ay humikbi siya ng humikbi. Hinagod ng ina ng kaibigan ang kanyang likod upang pakalmahin siya.
“T-tita Rachel,” humihikbing sambit ni Nancy.
Tumango lang ang ina ni Stella at niyakap ulit siya ng mahigpit. Dumating din doon si Harvey na halatang nagulat at nasaktan sa nangyari sa kaibigan. Alam ni Harvey sa sariling kahit papaano ay minahal rin niya ang kaibigang si Stella na bestfriend ng dati niyang nobya. Napalingon do’n si Nancy na halatang magang-maga na ang mga mata at muling humagulhol ng iyak.
Nagpunta sila sa morgue kung nasa’n ang mga labi ni Stella. Muling napahagulhol ng iyak ang ina ng kaibigan nila at napayakap ito sa asawa nito.
Mahinang humikbi rin si Nancy at pinipilit lang na maging matatag sa mga nangyayari, habang si Harvey ay tahimik at walang kibo sa isang tabi. Naka cross-arm at malungkot na pinagmamasdan ang katawan ni Stella.
“Stella,” bulong pa ni Harvey.
Pagkatapos nilang magpunta sa morgue, lumabas muna saglit si Nancy para kalmahin ang sarili dahil pakiramdam niya, tatakasan na siya ng huwisyo niya. Sumunod ang ina ni Stella kay Nancy at kinausap siya.
Umupo sila sa upuan sa labas ng morgue at do’n ay nag usap sila ng masinsinan. Humihikbi pa si Nancy ng mahina nang madatnan ng Tita Rachel niya.
“Hija,” napalingon si Nancy sa tabi niya at agad niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi niya.
“T-tita Rachel,” sambit niya.
“A-ayos lang, hija. Alam naming masakit ang nangyari sa kanya, sa anak ko. Maging kami ng asawa ko, mga magulang niya ay sobrang nasasaktan sa nangyari sa kanya,” tumigil sa pagsasalita ito at may inilabas mula sa bulsa niya.
YOU ARE READING
I CAN'T FORGET YOU (REVISED VERSION 2025)
Mystery / ThrillerCOMPLETE | REVISED VERSION (SOON TO BE PUBLISHED UNDER HBP PUBLISHING) ~ REVISED VERSION 2025 ~ Apat na taon ang itinagal ng pagkakaibigan nina Nancy, Mayven, Stella, Ruth, William, Simon at Harvey. Halos taon-taon silang magkakasama at silang pito...
