† CHAPTER THREE †

4 1 0
                                        

Nagkaroon ng get-together ang magkakaibigan dahil tatlong buwan nga silang hindi nagkita-kita. Mula kasi ng ilibing si Mayven, hindi na nagkaroon pa ulit ng pagkakataon na makapag paalam sa isa't-isa ang magkakaibigan dahil lahat sila ay nalayo. Yung iba nagbakasyon, yung iba naman umuwi ng probinsya at yung iba ay nagpahinga muna.

Matapos nilang mamasyal, dumiretso sila sa sementeryo upang dalawin ang puntod ng namayapa nilang kaibigan.

"Sigurado ba kayo? Wala pang November, pupunta agad tayo ng sementeryo?" bored na tanong ni Stella.

"S'yempre naman, kahit papaano nami-miss pa rin naman natin siya. Baka magtampo 'yun kapag hindi natin dinalaw," sagot ni William.

"Oo nga. Mamaya n'yan dalawin ka ni Mayven dahil sa kaanuhan mo. Bestfriend ka pa naman niya," pananakot naman ni Simon.

"Duh! Ba't niya naman ako tatakutin? Ano bang ginawa ko sa kanya?" taas-kilay na tanong ni Stella ngunit bigla siyang natigilan maging ang iba pa nilang mga kaibigan dahil sa sinabi niya.

Nangunot ang noo ni Nancy sa inaasal ng mga kaibigan niya. Kanina parang excited pa silang pumunta kay Mayven, tapos bigla na lang silang namutla. Kahit pa nagtataka si Nancy, hindi na lang siya kumibo at nagpatuloy na lang sa pagce-cellphone niya.

Napuno ng nakabibinging katahimikan ang loob ng sasakyan kung saan sila nakasakay. Kung kanina ay maingay ito, ngayon ay parang librarya na sa sobrang tahimik.

Ang iba sa kanila ay mas pinili na lamang na magbasa ng libro, ang iba naman ay tulala at malalim ang iniisip habang si Nancy, nakadungaw sa bintana ng sasakyan at pinagmamasdan ang mga naglalakad sa daan.

May napansin si Nancy na kung ano habang umaandar ang sasakyan. Napaayos pa siya ng pagkakaupo nang makita niya ang isang pamilyar na tao. Mas pinakatitigan niya 'yun nang mabuti at laking pagtataka niya nang makitang kahawig 'yun ng kaibigan nila.

Si Mayven, tama si Mayven ang nakita niya kaya labis siyang nagtataka dahil hindi niya malaman kung paanong nangyaring naging si Mayven 'yun. Nang pumikit siya at muling magmulat ay wala na ang nakita niyang si Mayven.

Huminga na lang siya ng malalim at hindi na pinansin 'yun. Iniisip na lamang niya na baka nama-malikmata na naman siya dahil kahit papaano ay nami-miss pa rin niya si Mayven.

"Hoy, Nancy! Anong nakita mo? Ba't parang―ayos ka lang ba?" tanong ni Ruth nang mapansing parang namumutla ang kaibigan.

Huminga munang malalim si Nancy bago magsalita. "Ayos lang naman. Sige na, malayo pa ba tayo sa sementeryo?" tanong ni Nancy at muling dumungaw sa bintana.

~

Nagsiunahan silang makababa sa sasakyan upang makita ulit ang puntod ng kaibigan nila. Unti-unti na ring nawala ang pagkaputla ng mga mukha ng magkakaibigan nang makarating sila sa sementeryo. Isa-isa silang nagsibigay ng isang piraso ng puting bulaklak at nilagay ito sa puntod ni Mayven. Isa-isa rin silang nagsindi ng kandila.

Nakangiti nilang pinagmasdan ang puntod ng kaibigan nila na may halong saya, lungkot at konsensiya.

Konsensiya?

Bakit nga ba sila makokonsensiya kung wala naman silang ginagawa?

"Three-months na yung nakakalipas mula nang mawala ka, Mayven, pero hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin sa isipan ko yung nangyari sa 'yo. Bakit mo ba kasi ginawa 'yun? Bakit kasi hindi ka nagsasabi sa 'kin ng mga problema mo? Sa amin, bakit hindi ka nagkwe-kwento? Para sana nalaman namin kung anong me'ron sa 'yo o kung anong problemang pinagdadaanan mo at para sana natulungan ka namin nang sa gayon, hindi ka na umabot sa puntong 'to," mahinang bulong ni Nancy habang mapait na nakatitig sa puntod ni Mayven.

I CAN'T FORGET YOU (REVISED VERSION 2025)Where stories live. Discover now