"Ba't pumasok pa yan."

"Tsss..Oo nga."

"Pampagulo lang yan dito eh."

Wala silang ibang iniisip kundi gulo ang maidudulot nya rito. Senji, the deliquent, was neglected by this society. Lalo na rito sa loob ng eskwelahan. Well, wala naman akong pakialam sa kung anong gusto niyang gawin sa buhay.


*****


8:01 am na, pero hindi pa dumadating ang first period teacher, si Miss Karen. Kadalasan, one minute before the time nasa klase na siya. 

"Guys, absent si miss Italia." anunsyo ng isa kong kaklase na kakagaling sa labas. At di katulad ng ibang mga estudyante na natutuwa kapag walang teacher, ibahin niyo ang klase namin.

"Malapit na malapit ng ang exams, tsaka pa aabsent si mam. Tsk."

"Lalo akong mapag-iiwanan sa cram school ko."

"Ako rin, maghahabol pa ko sa review ko para sa entrance exams."

Ganyan sila kauhaw sa kaalamang pang-akademya. At kung sino ang may responsibilidad kung bakit sila nagkakaganito ngayon...

"In this country, out of fifty people, only three will be happy." She said that to us, noong first day of school, sinabi sa'min ni Miss Karen na hindi patas ang buhay sapagkat hindi lahat magiging masaya. She easily influenced our class na mag-aral ng mabuti, a good news though, pero may mali, hindi naman lahat ng bagay nakabase lang sa makukuha mong magandang grado hindi ba?

 And because of her... ang society sa loob ng klase na 'to ay hindi rin pantay-pantay. School caste system is not funny and cool at all, kapag may maganda at matataas kang grado, ay may sarili kang benepisyo, at kapag mababa at nahuhuli ka, is aka sa apatnapu't pitong hindi magiging masaya.


*****


"Look, dadaan ang social climber b*tch."  Narinig kong sabi ng isang estudyanteng babae nang dumaan si Alexi Sabina sa harapan nila. Poor Sabina, as I watched her sitting alone in the cafeteria while suffering oppression from those girls. She really looks miserable. Nawala lahat ng mga kolorete nya, she even lost her "friends" na galing pa sa ibang section,  See, wala talagang permanente, things just come by and go. Seasons change and people will grow, sabi nga. 

Matapos kong sabihin ang mga bagay na yun kay Baldo, napaisip ako kung lahat ba talaga may karapatang magmahal ng sinuman. Kung hindi siguro, walang magdurusa, but heck, Sabina deserve that. Hindi ko sinasabing tama yung ginawa ni Baldo pero kailangan din naman niyang matuto at malaman na hindi lang materyal na bagay ang importante sa mundo.

Last night, nagpost ng bagong status yung web blog :"You sure could talk a lot huh. Jill Morie, you really don't know anything." Yeah, wala naman talaga kong alam. Kung pwede lang mabuhay ng walang alam.


*****


"Hey, people of White Knights!." boses ng isang lalaki mula sa mga speakers sa buong campus ang umalingawngaw dahilan para mapatigil yung mga estudyante sa corridor, malapit na kasing matapos yung lunch break, papabalik pa lang ako sa classroom.

Nasurprised yung ibang students sa pagbabalik ng Student Amateur Radio Club. Bibihira na lang silang mag on-air dahil mas pinahahalagahan na ng school ang academic system kaysa sa mga extra curriular-activities. Meron na lang silang fifteen minutes para mag on-air dahil malapit ng mag ala una at magresume ang klase.

Maya-maya'y nagplay ito ng live na bandang kumakanta.

I'd love to know just what you're thinkin'
Every little river, runnin' through your mind
You give and you take, You come and you go

Nagtilian ba naman yung mga babae na kasabay kong naglalakad.

You leave me here wonderin' if I'll ever know~
~How much you care or how much you don't
Whatever you need, whatever you want~


"Mygaaad si Cloud!"

"Ang pogi pogi ng boses nyaaa."

"Kyaaaaa

If you're gonna be somebody's heartbreak
If you're gonna be somebody's mistake

If you're gonna be somebody's first time,

Somebody's last time, baby be mine
If you're lookin' to be somebody's 'just friends

Baby, baby, baby, be mine, all mine

If you're gonna break someone's heart, yeah

Hey, Jill Morie

Might as well, might as well...

be mine

 Hindi ko inaasahan na isasama ni Enriquez ang pangalan ko sa lyrics na kinakanta niya. Lahat tuloy ng tao sa corridor ay napatingin sa'kin. Urgh. That annoying guy. Bakit ba hindi niya ko tantanan?

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon