“Daddy karga po?” Avie smiled at me. Alam siguro ni Avie yung pagiging uneasy ko. Buti pa si Avie hahaha

Binuhat ko si Avie and she hugged me. “Daddy wag po kayo ni mommy mag-aaway habang wala si baby ah?”

Natawa lang si Dianne. “Baby depende yan if daddy behaves” sabi niya.

“Daddy behave ka po kasi para hindi na kayo mag-aaway ni mommy” napangiti ako, kampihan talaga sila ni Dianne kahit kelan.

“Baby behave naman si daddy eh, si mommy kaya pasaway” I smiled at Avie.

“Hindi kaya mabait kaya si mommy” wala talaga talo talaga ako kapag nagkampihan na si Avie at si Dianne.

Dianne smiled at me then she stuck her tongue out. Napailing nalang ako, wala akong pag-asa sa mga babae sa buhay ko hahaha

Tumigil din sa wakas yung mahaba habang trek paakyat ng bundok. Mejo nakakapagod din at siguro kung wala kami baka sumuko agad si Avie hahaha.

Nakapili na ng pwesto si Gabriel para sa tent ni Avie pagdating namin sa taas. Aba’t pakitang gilas na bwiset. “Baby dito ka muna with mommy aayusin lang ni daddy yung tent mo ha?” Binaba ko na si Avie sa tabi ni Dianne. Nakita kong nilabas na ni Dianne yung phone niya kaya malamang magpo-photoshoot yung dalawang yon ng matagal tagal. Maganda din naman kasi yung surroundings kahit puro puno lang yung paligid at puro tuyong dahon yung nilalakaran.

I ran papunta sa pwestong napili ni Gabriel.

I have to admit maganda yung pwestong napili ni Gabriel, malapit kasi sa isang kumpol ng puno at malapit rin sa water station kaya hindi mahihirapan si Avie.

I checked the trees for ants and other insects, mahirap na, gugulpihin ako ni Dianne kapag nalaman niyang hindi ko tiningnan yon at magalusan si Avie o di kaya magkaroon siya ng maraming insect bites.

“Natingnan ko na yan pre, walang nakatirang mga insekto, nilagyan ko narin ng paminta yung lugar para hindi malapitan ng langgam” sabi ni Gabriel habang nagtatambak ng kinuha niyang panggatong sa gilid ng puno. Takte! Three points na siya zero parin ako.

“Ah ganun ba” Bwiset! Alam din pala niyang hindi lumalapit ang langgam sa lugar na may paminta. Pa-impress ko pa naman sana yun kay Dianne. Tsk!

Umalis ulit si Gabriel para kumuha pa ng panggatong ni Avie. Inipon ko nalang yung mga tuyong dahon sa isang area at pinantay ko, matigas kasi kapag direcho sa lapag yung latag ni Avie. Pwede rin kasing panggatong ni Avie yung dry leaves kapag basa lahat sa hamog sa umaga.

Boy scout ata ako noh? Hahahaha

Sinet up ko yung tent ni Avie, malaki yung tent ni Avie para sa kanya dahil ang alam ko may iba pang kids na kasama niyang dito rin matutulog. Mahilig pa namang mag share si Dianne at si Avie kaya malaki yung tent ni Avie so she could let them sleep kasama ni Avie. Ok narin at least may kasama si Avie sa tent niya.

I secured Avie’s tent with the metal locks na ibinabaon sa lupa para hindi hanginin yung tent ni Avie. Ipinasok ko narin yung bags ni Avie sa loob at inayos yung mga beddings niya.

“Wow ang galing naman ni daddy baby o? Ayos na yung tent mo” napalingon ako sa likod ko. Nanonood pala sakin si Dianne, Avie at Gabriel.

Napangiti nalang ako dahil nakasimangot si Gabriel. Feeling 1000 pogi points naman ako dahil ako yung mas napansin ni Avie at ni Diane hahahaha

“Daddy!” Avie jumped in the tent, excited talaga ang baby ko. Buti nalang nasalo ko si Avie kung hindi baka nasaktan siya dahil hindi naman gaanong malambot yung bed ng leaves.

My Genetically Modified LoveWhere stories live. Discover now