Tip No. 13 - 'Wag Ugaliin Ang Manisi

Start from the beginning
                                    

Bigla ko naman pinagsasampal ang sarili ko sa utak ko dahil sa hiya sa pag-iisip ng ganito tungkol sa kaibigan ko. Wala siyang ginawa kundi maging supportive sa akin. Hindi niya kasalanan na nagkagusto sa kanya ang dalawang gwapong-gwapong nilalang na pinagnanasahan ng lahat. Hindi niya kasalanan kung bakit hindi man lang ako bigyan ng kahit na katiting na affection ng taong mahal ko at ama ng magiging anak ko.

Nakaka-suffocate at halos malasahan ko na ang grabe na sa kapal na tension na bumabalot sa amin. Wala na yata kaming magagawa para pigilan sila na magkapisikalan dahil mukhang hindi madadaan sa usapan lang ang kaso na ito. Sana nga lang talaga, pumili sila ng venue dahil para kaming nagshu-shooting ng isang TV drama dito.

Lahat kaya ng tao sa coffee shop nakatingin na sa amin at nag-aabang ng mga mangyayari. May ilan pa nga na dinukot ang cell phones nila mula sa mga bag o bulsa para lantarang kumuha ng pictures.

Mukha naman napansin din ito ni Yumi dahil hinigpitan niya ang pagkakapalupot ng mga braso niya sa nagpupumiglas na boyfriend at nagmakaawa na dito.

"Nate, please, tama na. Umalis na lang tayo," sabi niya.

Natauhan nang konti si Nathan pero obvious na wala siyang balak na palampasin ang nangyari. Hinawakan niya sa magkabilang pisngi ang girlfriend niya at hinalikan ito sa noo, sa ilong at sa labi bago niya ito kinausap. "I'm sorry, baby, but I can't let this go."

Sinubukan naman ulit ni Jay na kumbinsihin ang kaibigan.

"We'll sort this out but not here. Let's go to the studio," sabi niya kay Nathan. Tumingin naman siya kay Benedict bago nagpatuloy. "You good with that, Ben?"

Nagbuntong-hininga si Benedict bago nakasagot. "Whatever, man. Let's just get this over with 'cause I'm sick of this shit already."

Binigyan muna ni Benedict si Yumi ng isang tingin na mukhang may halong apology at iba pang unspoken na emotions bago siya nag-walk out nang tuluyan. Wala akong nagawa kundi pagmasdan ang likod niya hanggang nakalabas na siya ng coffee shop.

Binitawan naman ako ni Ken at kinausap na parang isang four-year-old na bata. "Shay, stay with your friends, okay?"

Umiling lang ako nang umiling bilang sagot. Feeling ko may muscles sa leeg ko ang napunit dahil sa ginawa kong iyon. Ayoko sana na mawala sa paningin ko si Benedict at, kahit dinurog niya ang puso ko, nag-aalala pa rin ako sa kung ano man ang mangyayari sa kanya.

Mukha naman hindi lang ako ang may gustong sumama kung saan pupunta ang mga lalakeng ito dahil narinig ko si Yumi na nagpoprotesta kay Jay.

"Ayoko. Kung saan kayo pupunta, sasama 'ko," pilit ni Yumi na basa-basa na rin ang mga mata.

Tama 'yan, Yumi. Sabihin mo sa kanila na kailangan nando'n tayo, sabi ko na lang sa sarili ko dahil hindi ko pinagkakatiwalaan ang sarili ko na magsalita ngayon.

Nagbuntong-hininga si Jay. "Goose, don't be stubborn. It'll be safer for you if you girls stay here. Nate, help me out."

Hinawi muna ni Nathan ang ilang nakawalang tears sa pisngi ng girlfriend niya bago nagsalita. "Babe, Jay's right. Can you stay at my place and wait for me there? Will you do that for me?"

Halatang hindi agree si Yumi sa pag-iwan sa kanya dahil sa lalim ng kunot niya sa noo pero wala siyang magawa kundi tumango. May lumabas naman na maliit na ngiti sa mukha ni Nathan nang nakita niya ito.

"You have your key with you?" tanong niya.

Tumango lang ulit si Yumi bilang sagot.

"It'll be okay, trust me. I love you, Yumi."

Hinalikan siya ni Nathan sa lips ng ilang seconds bago mabilis na lumabas si boyfriend ng coffee shop. Hinawakan naman siya ni Jay sa ulo at ginulo ang buhok bago sinundan ang kaibigan palabas.

Susunod na rin sana si Ken pero hinawakan ko siya sa braso para matigilan.

"Shay, think about Peanut. You can't be there. Things will definitely get ugly and you won't wanna be in the middle of that," ang buntong-hininga ni Ken.

Fine. Kung ayaw niya akong isama, sana lang, huwag niyang hahayaan na masaktan si Benedict. Ayokong masira ang friendship nila ni Nathan dahil alam ko na sobra niya itong pinahahalagahan kahit ganoon ang mga lumabas sa bibig niya kanina. Hindi ko alam kung ano ang nakain o hindi niya nakain ngayon pero babalik din siya sa dati. Huwag nila sana hayaan na lumaki lalo ang damage at umabot sa point na hindi na makakaya pa itong i-repair.

Hindi ko malabas ang lahat ng nasa isip ko pero mukhang naintindihan naman ni Kenneth ang lahat ng gusto kong sabihin. Hinawakan niya ako sa ulo at kinausap bago sinundan ang mga kaibigan.

"I won't let anything happen to him, okay? Be good and stay with the girls, for your sake and Peanut's."

Hindi pa lumilipas ang isang minuto pagkalabas ng members ng HNZ nang bigla naman nag-erupt ang ingay sa loob ng coffee shop. Nang may isang tao sa kalapit naming table ang naglakas ng loob na tanungin kami tungkol sa nangyari, may ilan agad na sumunod sa yapak niya. Para naman kaming ina-ambush ng mga reporter kaya patakbo kaming apat na girls at ng kaibigan ni Claire na si Chris na lumabas.

Nakarating na kami sa pang-apat na kanto mula sa coffee shop nang napansin kong nakabuntot pala sa amin ang S3. Mukha naman walang iba na nagtangkang sumunod sa amin kaya huminto na ako para habulin ang paghinga.

Halos kasunod ko lang si Kat at napakapit ako sa kanya nang dumaan siya sa tabi ko. "Girl, tigil muna tayo. Pagod na 'ko."

Tumigil na rin ang iba sa pagtakbo at nilapitan agad ako nina Claire at Yumi para kamustahin ang lagay ko.

"Sumasakit ba tyan mo, Shay?" tanong ni Yumi. "Gusto mo sumakay na tayo?"

"Mag-taxi na tayo papuntang condo," sabi ni Claire. Tinuro niya sina Stephanine, Shane at Stella bago nagpatuloy. "Hoy, kayo. Stop following us."

Mukha naman hindi napagod o hiningal man lang ang S3 pero pare-pareho silang mukhang mangangagat na dahil sa matinding galit.

"Hindi rin namin gusto na makasama kayo, excuse me," sabi ni Stella. "At kung hindi dahil sa slut na 'yan, none of this would've happened."

Lumapit si Claire sa kanya at hinagip ang harap ng blouse na suot.

"Subukan mo na tawagin ulit na 'slut' ang best friend ko, makikita mo hinahanap mo."

"I don't see anything wrong with calling a slut, 'slut'," sabi naman ni Shane na hinarap si Yumi at dinuro-duro. "I guess may mga magulang talaga na pabaya. That or tinuturuan nila 'yung mga anak nila na lumandi para makabingwit ng mayaman."

Isang malakas na sampal ang binigay ni Yumi sa madaldal na bruha na kinagulat naming lahat.

"Wala akong pakialam kung ano sabihin n'yo sa'kin pero 'wag na 'wag n'yo idadamay ang pamilya ko," sabi niya.

Naka-recover naman agad sa shock si Shane at hinablot na lang bigla ang buhok ni Yumi. Hindi naman nagpatalo ang kaibigan ko at sinabunutan na rin ang babaeng iyon. Tinangka naman silang paghiwalayin ni Stephanie at Chris pero na-distract sila dahil naghablutan na rin ng buhok sina Claire at Stella.

Nagkatinginan pa kami ni Katbago namin nakuhang mag-react sa sitwasyon. Lumapit siya kay Claire parapatigilin na siya at, imbis naman na tumulong ako, hinayaan ko na makawala angtinatago kong lagim at pinuntahan na si Stephanie para hilahin na rin ang buhokng bruhang kanina ko pa gustong saktan.    

A Dreamer's Guide To Self-redemption (A Girl's Guidebook #2)Where stories live. Discover now