Vol. 2 Code Eighteen: "Looking Back"

Start from the beginning
                                    

Sigurado si Randall na narinig na niya sa kung saan ang pangalan na iyon. Ngunit dahil sa matinding emosyon na nangingibabaw sa kaniya kaya hindi niya magawang maalala ito ng mabuti.

Hindi...hindi...hindi pwedeng ibang tao  ang kaharap ko! At...kung iginigiit nyang hindi sya si Heimdall, kung ganoon----

Hindi na nag-alinlangan pa si Randall at kinalabit ang gatilyo ng kaniyang pilak na baril. Pero imbis na bala, isang mala-bolang kidlat ang lumabas mula sa baril. Mabuti nalamang at nakaiwas agad si Heimdall bago siya natumbok ng kidkat, ngunit nag-iwan naman ng daplis sa kaniyang balikat.

"May limang minuto ka para magpaliwanag-- Kung hindi nga ikaw si Heimdall, bakit nasa iyo ang mukha nya!!! Anong ginawa mo sa kaibigan ko hu?!" sinabi ito ni Randall na punung-puno ng galit at kalituhan habang nakatutok parin kay Heimdall ang kaniyang baril.

"Huwag mong iputok yan kung gusto mong hindi masaktan ang katawan ni Heimdall..."

Nang marinig ito ni Randall ay mas lalu lamang siyang nabalot ng kalituhan...

K--katawan ni...Heimdall?

Bahagyang ibinaba ni Randall ang kaniyang kamay kung saan hawak niya ang baril at agad na nagtanong.

"Anong...ibig mong sabihin sa sinabi mo, hu!"

"Ginagamit ko lang ang katawan ni Heimdall--naninirahan ako sa loob nya at ako ang nangingibabaw sa katawang ito ngayon. Pero buhay sya...nananatili parin ang kaluluwa at diwa nya sa loob ng katawang ito, kaya sa oras na ipinutok mo iyan at napatay mo ako--mamamatay rin siya..."

Lalung hindi mapaniwalaan ni Randall ang kaniyang mga narinig na paliwanag...

"P--paano...nangyari 'yon...paano nangyari 'yang mga sinasabi mo?!"

At doon na sinimulan ni Heimdall ang kaniyang paliwanag;

"Nagsimula ang lahat...sa Death Valley..."

*****

[ Sa nakaraang dalawang taon; Digmaan sa "Death Valley"]

"S-sino ka?"

Bahagyang nakasilay ang nakahandusay na si Heimdall sa mukha ng lalakeng lumapit sa kaniya.  Katatapos pa lamang nang  mga oras na iyon ng digmaan sa pagitan nilang mga ipinadalang sundalo ng Agrivan at ng mga Ghouls mula sa Hell's Rip na nagtangkang umalpas mula sa boundary. Laking gulat nalamang ni Heimdall nang makita ang mukha at katawan ng lalake--naaagnas na ang itsura nito na talagang nakapangingilabot.

"A-Anong!"

Bigla nalamang siyang hinawakan ng naaagnas na lalake sa leeg at nilapitan siya nito nang sobrang lapit na halos magdikit na ang kanilang mga mukha.

"M-Ma-maawa...ka..." Ani ng sugatang si Heimdall na sindak na sindak parin sa kaniyang nakikita.

"Huwag kang matakot..." Ani ng lalake sa sugatang sundalo "Wala kang ibang gagawin kundi ibigay sa akin ang katawan mo...at ipinapangako ko sa iyo na mabubuhay ka ng normal...gaya ng dati."

(see also Code Ten: He who Hides and seek)

*****

"....Iyon ang buong pangyayari. Iniligtas ko ang buhay ni Heimdall kapalit ng paninirahan ko sa katawan nya. Alam kong mahirap paniwalaan...pero ito ang katotohanan."

Hindi makapaniwala si Randall sa kwentong kaniyang napakinggan, at walang ibang salitang umalingawngaw sa kaniyang isip kundi ang mga katagang ito:

Kasalanan ko iyon...

Tuluyan niyang naibaba ang kaniyang kamay habang mahigpit at may gigil paring hawak ang kaniyang baril.

Code ChasersWhere stories live. Discover now