"Thank you." nahihiya niyang sagot.


Tiningnan pa siya ng ilang segundo ni Grandmy at bago pa tumulo ang kanyang mga luha, binuksan na niya ang pinto ng kanyang kwarto, "Dalian mo na bago pa pasabugin ng Kuya mo ang buong palasyo."




"Oh, dear...." yun na lang ang nasabi ni Bambi sa sarili niya pagkabukas niya ng pinto sa kwarto ni Flame.


Nakaupo ang kanyang Kuya habang nakaharap sa isang malaking salamin at hindi niya siguro namamalayan na apoy na lumalabas sa dalawa niyang palad.


Nasa kabilang side si Sky na pinapatay ang apoy gamit ang kanyang malakas na hangin, at si Ice naman sa kabila na pinapatay ang apoy gamit ang kanyang tubig. Pero pagkapatay nila, may bago na namang apoy na lalabas.


Mukhang kinakabahan nga ang kuya niya.


Sa kabilang gilid naman ng kwarto ay si Rock na namomroblema sa pagbubuhol ng kanyang tie sa leeg, si Light at Dark na as usual, nag-aaway na naman, at si Leaf na relaxed lang na nagbabasa ng libro.


Nakita ni Flame ang reflection ni Bambi sa salamin kaya naman bigla itong tumayo at lumapit papunta sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit.


"A-aray.. Teka di ako makahinga huy!!" nahihirapang sabi ni Bambi pero sa wakas ay pinakawalan na siya ni Flame.


"Bakit ang tagal mo?! Alam mo bang kanina pa akong kinukulit ng mga 'to, tapos yung sumikip yung suot ko!! Tapos narinig ko na hindi pa yata nalilinis yung korona tapos-"


"Kuya!! Kailangan mong kumalma." hinawakan ni Bambi ang magkabilang balikat ng kanyang kapatid at mahina siyang inalog.


"Hinga ng malalim." sabi niya at sinunod ito ni Flame. "Now, tingnan mo ako." utos ulit niya.


"Wala kang dahilan para kabahan, okay. You deserve to be a King and I know that the people will love you. Heck, I'm sure they already love you!! Bakit pa sila mag-aagree na gawin kang hari, diba? You're awesome and kind and dependable and just... worthy to be a king."


Tumahimik saglit si Flame at napangiti naman habang nakikinig sila Rock, Sky, Ice, Light, Dark, at Leaf.


"You're right. I'm awesome." determinadong sabi ni Flame na dahilan ng pagsapok sa kanya ni Bambi.

Remembering Bambi (Babysitting 6 Aliens #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon