Chapter 14 Chopsuey

Start from the beginning
                                    


Eksaheradong sinapo ko ang mukha. Pagdating sa alak ang galing niyang mag-mix pero kung pagkain na ang pag-uusapan inaataki siya ng kapalpakan niya.


Tsk! =__=


Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan niya. Syempre yung kalahati lang katawan niya, hiyang-hiya naman ako kung sisilipin ko ang nasa ibaba, parang minamanyak ko lang siya sa lagay na yan.


=__=


Pahinamad na tumayo ako. Wala naman akong mapapala sa kakaupo, total hindi ko naman makakain ang mga iniluto niya.


*lakad


*lakad


"Where are you going?" sa gilid nitong mga mata ko, nakita kong tumayo siya at sumunod sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin nagpatuloy ako sa paglalakad. "Analine!"


Tumigil ako sa harap ng refrigerator. Wala akong balak na umuwi. Wala na akong energy para magkikilos ng bonggang-bongga. Medyo nakakaramdam pa kasi ako ng hilo. Feel ko lang silipin ang laman nitong reef baka kasi may pagkain dito na pwede kong lunukin.


"Sweetheart?"


Nagpatuloy lang ako sa pagmasid sa loob. Ang daming laman. Most of them were vegetables.


Pwede ko ng pagtiyagaan ito! ^__^v


"What are you doing?" ?__?


Kumuha ako ng ilang gulay at ilang rekado. Nahihirapan akong hawakan silang lahat dahil sobrang dami kaya naman... hinarap ko ang naguguluhang lalaking ito.


"Pakihawakan muna." Inabot ko sa kanya ang mga kinuha ko, tapos muling pumasok sa loob ng reef. Hehe, syempe joke lang, kahit maliit ako, hinding-hindi ako magkakasya dito.


^__^v


Nang makuha ko na ang ilan sa mga kailangan ko sinara ko na itong reef niya. Mahirap ng tumaas ang bills niya sa kuryente tapos ako ang sisisihin niya. Masingil pa niya ako nang hindi oras, budgeted pa naman ang pera ko.


>__<


Tumigil ako, parang na-freeze saglit ang mga paa ko, hindi dahil sa kagawapuhan niya, immune na ako sa mukha niya mula pa noon. Paano ba naman kasi nakaharang ang lalaking ito sa daraanan ko. Pansin ko nga ang pangungunot ng noo niya.


"What are you..." sinulyapan niya ang hawak at ang sa akin. "Doing?" ?__?


"It's for you to find out." Dinaanan ko siya at tinungo ang lababo. Madali ko namang nakita ang mga kutsilyo. Una kong nilinis ang mga gulay at pinaghihiwa sila pagkatapos. Hindi sa pagmamayabang marunong akong magluto, noon hindi, pero matapos kong magkaanak, pinag-aralan ko ang lahat ng mga gawaing bahay para naman hindi ko i-aasa sa yaya ko ang lahat.

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now