"I'm really glad that you chose to come back, Elliot. You won't regret doing this," sabi ni Coach habang nakangiti.

Pilit akong ngumiti pero hindi na nagsalita pa.

Tinapik niya ang balikat ko bago tumalikod at umalis.

Yes. I won't regret this.

Pero kahit ilang beses kong ulitin 'yon sa isip ko, hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman ko. Parang may kulang. May butas sa puso ko, at alam ko kung ano ang dahilan. Alam ko. Pero hindi ko alam kung mapupuno ko pa ulit 'yon. Kung mararamdaman ko pa ulit ang saya-tulad ng dati, noong kasama ko sila sa abandonadong silid na 'yon. Just playing music like we didn't have a care in the world.

Dahil bumalik na ako sa team, halos buong oras ko kinain ng training. Abala ako sa pagbabalik sa dating kondisyon ko-sa pagbawi sa lahat ng panahong nasayang nang magdesisyon akong huminto. I was so busy that I didn't even see my former bandmates anymore.

Pero ayos lang. Mas mabuti na 'to. Dahil kung magkikita pa kami, mas lalo lang sasakit ang puso ko. This is better. Avoiding the pain is better.

At sa lahat ng nangyari, akala ko, 'yon na ang huli. Akala ko, hindi ko na sila makikita. Hindi ko na makikita si Wynther. Pero nagkamali ako. Because on my way home, I saw him. On the ground. Beaten up.

Kaagad akong nakaramdam ng kaba. Mabilis ko siyang dinaluhan, hinawakan ang balikat niya, at tinanong kung sino ang may gawa noon sa kanya. My heart was pounding loudly out of worry, pero mas lalo lang akong nabahala sa sagot niya.

"You shouldn't care about me. Kahit mamatay ako ngayon, it shouldn't be your concern. It's none of your business."

Sinabi niya 'yon na parang wala lang. Walang emosyon. Walang pakialam. At sa isang iglap, napuno ako ng galit.

The next thing I knew, I punched him.

Hearing him say those words-especially after Luna just died-angered me to my core. Alam kong nahihirapan siya. Pero sinasaktan niya lang lalo ang sarili niya. And it hurts seeing him like this.

"I shouldn't have cared," sabi ko bago siya iwan doon.

Alam kong pinauna ko ang galit ko. Na dapat hindi ko siya iniwan. Pero hindi ko lang napigilan ang sarili ko. I was so mad at him for saying those words.

I was so mad. Pero hindi rin nawala ang pag-aalala ko. Kaya kahit naiinis pa rin ako sa kanya, bumalik ako kung nasaan siya. Pero wala na siya roon.

Napabuga ako ng hininga. He must have gone home.

Napatingin ako sa makulimlim na langit. What are we going to do, Luna? Wynther's on the path of destruction. He's going to seriously hurt himself if he doesn't decide to pick himself up.

The next day, nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siyang pumasok sa school. Pero nang makita ko ang itsura niya, para akong sinuntok sa sikmura. His face was beaten up, but what caught my attention was his eyes-cold and lifeless. Just like the first time I saw him, noong ginamit siya ni Luna para tanggihan ang alok ko na sumali siya sa team.

Hindi ko siya kinausap dahil alam kong baka may masabi ako na pagsisisihan ko. Hindi rin siya nagsalita, and that worked in my favor.

Tuloy lang ang buhay ko, tuloy lang ang routine ko-walang interaction sa kahit isa sa mga dati kong bandmates. But then, I saw Wynther again. And this time, his eyes weren't lifeless anymore.

There was something there. A hidden determination.

Parang nakita ko ulit si Luna-noong una niya akong kinausap, noong pilit niyang tinutulak ang sarili niya para maabot ang pangarap niya.

Strings of MemoryWhere stories live. Discover now