"Puntahan na lang natin siya sa kanila mamaya," Rive suggested one day.
Tumango si Elliot at lumabas ng clubroom. Ilang segundo lang, sumunod na rin si Rive, habang ako... naiwan na lang doon, tahimik na nakatingin sa likuran nila.
Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Suminghap ako at napatingin sa mga nakasulat sa board.
Napangiti ako—isang mapait na ngiti.
Soon. We will reach a decision soon. And I know that it will take a miracle for it to turn into good news.
Pero, kahit alam kong natatapos na ito, hindi ko pa rin maiwasang umasa.
Nagpunta kami sa condo nila Wynther, pero gaya ng inaasahan... hindi niya kami hinarap.
Pag-alis namin doon, doon ko nakuha ang desisyon na hinihintay ko.
Elliot decided to give up.
At kahit gustuhin kong ipagpatuloy, it was no longer possible.
Umuwi akong umiiyak. Nag-alala sa akin sila Mama, pero hindi ko iyon pinansin. Pagkarating sa kwarto, nagkulong ako at doon ibinuhos ang lahat ng sakit.
Alam ko naman na simula nang mawala si Luna, patungo na kami rito. Alam kong darating ang araw na ito.
I was just trying to hold onto the tiniest hope that we could still go on—even without her.
Pero mali ako.
Hindi na kami makakabalik. Kahit anong gawin namin, hindi na.
Hindi namin kayang pilitin ang sarili namin na magpatuloy. Dahil wala na siya. Wala na si Luna para gawing posible ang imposible.
For the rest of the week, hindi ako pumasok.
Nasa kwarto lang ako palagi, hanggang isang araw, biglang bumukas ang pinto at si Uncle ang bumungad.
Agad akong tumayo at mabilis na pinunasan ang pisngi ko.
Sinenyasan niya akong umupo, kaya naman sumunod ako habang siya naman ay naupo sa harap ng study table ko.
Mukhang tinawagan siya nila Mama para puntahan ako.
"I heard what happened about Luna," panimula niya. "It didn't end well for the band?"
Tumango ako. "A-ayaw na nila..." Nauutal kong sagot, at agad kong naramdaman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
Mabilis ko iyong pinunasan at muling suminghot.
Humugot siya ng malalim na hininga. "Some things are just bound to end. We can't do anything to save it if it doesn't want to be saved," sabi niya.
Kumirot ang puso ko.
I know that.
I already know that.
Kaya nga ako nandito at nagmumukmok, 'di ba?
Kasi kahit anong gawin ko, hindi ko na mababago ang desisyon nila. Kasi ayaw na nila. Kasi hindi na nila kaya.
At naiintindihan ko 'yon.
What happened affected all of us. It broke us, and I don't know when we'll heal from it.
"Everything's going to be alright," dagdag niya.
Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya.
"Do you want me to introduce you to some people? I know a band that's looking for a guitarist, and they're serious about going pro," patuloy niya.
Nahigit ko ang hininga ko.
It's a chance.
An opportunity to chase after that dream again.
YOU ARE READING
Strings of Memory
Teen Fiction"Hating the one thing you love is a pain worse than losing it." - Wynther Fynne Clemenceau Wynther never had a dream-until he heard his father play the bass. In that moment, music became his purpose, his passion, his future. He dreamed of standing o...
Extra 2
Start from the beginning
