Finding people who shared the same passion as me was hard, pero sinuwerte akong makahanap ng isa. Hindi sa school ko, kundi sa isang grupo ng junior high students from different schools. They held an audition, and I gave it a shot. Luckily, I got picked.
"You're really good, Zeira! The moment you started playing, we knew you were the one," sabi ni Migo, ang vocalist ng banda.
Tumango naman ang iba niyang kasama, all in agreement.
Hindi ko alam kung dahil ba puro lalaki sila kaya ako nahirapang pakisamahan sila, o sadyang dahil lang iyon sa ugali ko.
We started joining battle of the bands without even properly knowing each other. We didn't manage to build our chemistry as a band, and because of that, we started falling apart almost immediately.
"And the winner of this battle of the band is... Dream-O-Nauts!" anunsyo ng emcee.
Nagpalakpakan ang lahat, kaya nakisabay na rin ako kahit hindi gumalaw ang mga kasama ko. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nila, pero alam ko kung anong iniisip nila—na dapat kami ang nanalo.
But it's wrong. The band that won deserved it more than us. They gave a solid performance. They were perfectly synchronized. Kami? Hindi.
"Tayo dapat 'yon, e!" inis na sabi ni Derrick sabay sipa sa isang lata ng Coke.
"They must have paid the judges. Or baka naman may kakilala sila doon," dagdag ni Migo.
Napakunot noo ako sa sinabi nila at hindi ko na napigilan ang sarili kong sumabat.
"We were unsynchronized. Don't blame them for how awful our performance was," seryoso kong sabi.
Sabay-sabay nila akong nilingon. Kita sa mukha nila na hindi nila nagustuhan ang sinabi ko, pero nagpatuloy pa rin ako.
"Derrick was too slow on the drums. Jared's bass sounded awful. And Migo? He was out of tune."
Halos sabay-sabay na nalukot ang mukha nila.
"At ikaw? Ano naman sayo?" asar na tanong ni Derrick.
Migo let out a sarcastic laugh. "Are you insinuating that you're the only one who played perfectly?"
Napalunok ako. "H-hin—" Bago ko pa matapos ang sasabihin, tinalikuran na nila ako. Wala silang sinabi. Iniwan na lang nila ako doon.
And that was just the start. We would always end up arguing. Ilang beses kong naisip na umalis, pero hindi ko magawa. Mahirap maghanap ng bandmates.
I tried my best to get along with them. Mahirap, pero pinilit ko. Pero may mga oras talaga na hindi ko mapigilan ang sarili kong magsabi ng totoo. Every time they messed up, I pointed it out. And every single time, nauuwi lang kami sa hindi pagkakaintindihan.
I just couldn't help it. They kept messing up, but instead of taking responsibility, they pointed fingers.
"Pwede ba, manahimik ka na?!" sigaw ni Derrick nang i-point out kong mabagal na naman ang pagtugtog niya.
Natigilan ako. Kitang-kita ko ang nagbabagang inis sa mga mata niya.
"You keep acting like you're the only one who's good here! Kung sa tingin mo ang galing-galing mo, bakit hindi ka na lang umalis?!"
Kumabog nang malakas ang puso ko.
Napalunok ako. "I-I wa—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita si Migo.
"Siguro nga ay tama si Derrick," singit ni Migo bago humugot ng malalim na hininga. "Mas mabuti siguro kung humanap ka na lang ng ibang kabanda."
Parang isang palaso ang mga salitang iyon na tumusok sa puso ko. Nakaramdam ako ng sakit dito at hindi na nagawa pang magsalita.
YOU ARE READING
Strings of Memory
Teen Fiction"Hating the one thing you love is a pain worse than losing it." - Wynther Fynne Clemenceau Wynther never had a dream-until he heard his father play the bass. In that moment, music became his purpose, his passion, his future. He dreamed of standing o...
Extra 2
Start from the beginning
