Eto kami ngayon malapit na maglanding sa Dubai. Sabi ni mama mga tatlong oras pa daw kami maghihintay bago makasakay ng eroplano papunta ng Italy.
At dahil ang awkward ng nararamdaman ko hanggang sa bumaba kami hindi ko sya tinitingnan. Sino namang gustong tingnan ang manyak na 'yun?
Dubai....
Wahhhh....ang ganda pala talaga ng airport dito sa Dubai para ka lang namamasyal sa mall.
Teka nasaan na kaya 'yung si sungit?
Sana hindi ko na sya makita mamaya. Hindi ko na alam ang mukhang ihaharap sa lalaking 'yun eh. Simula nung lumabas ako sa banyo hanggang sa lumabas kami ng eroplano hindi ko talaga sya tinitingnan. Nakailang ulit ko na bang sinabi 'yun? Ah, basta! Ipaalala nyo nga sa akin na huwag na huwag titingnan pa ang lalaking 'yun. Sabagay hindi ko na naman sya makikita pa, di ba? Mabuti na rin 'yun nang hindi ko maalala ang mga nangyari ngayong araw na'to.
Sander's POV
Buti naman nakababa na rin ako sa eroplanong 'yun. Napakamalas talaga ng araw na 'to. Hayyyy.... anong oras ba ang alis ko? Ang tagal ko namang maghihintay dito mahigit tatlong oras? Mabuti pa maghanap muna ako ng makakainan.
At sana h'wag ko na makita pa ang babaeng 'yun. Masyadong manyak. May pagnanasa pa sa akin.
***
Nararamdaman ko ang bigat ng tiyan ko habang naglalakad lakad ako. Ang dami ko 'atang nakain. Buti wala 'yung babaeng 'yun dito ang takaw nya halatang first time nya na kumain sa eroplano. Hindi tuloy ako nakakain ng maayos sa eroplano kanina kasi naman akala mo mangaagaw ng pagkain ang babaeng yun.
Naglakad na ako papunta sa waiting area. Baka kase oras na para pumasok sa loob ng eroplano. At hindi ako nagkamali pumapasok na nga 'yung ibang pasahero. Muntik pa ata akong maiwanan. Ang laki laki kase ng airport na 'to kaya natagalan bago ako sa paglalakad.
Nakapasok na ako sa loob ng eroplano. Sinalubong ako ng pagbati at ngiti ng dalawang stewardess na na nakabantay sa may pintuan. Ipinakita ko sa kanya ang ticket ko at sinabi nya ang way kung saan ako dapat maupo.
Sana wala dito ang babaeng 'yun. Malay nyo dito ang punta nya sa dubai. Sana h'wag sa Italy.
After 4 hours.....
Hayyy....akala ko makakapag pahinga ako ng maayos ayun pala hindi. Ang nakatabi ko kase ay dalawang bata na sobrang kulit at iingay pa. Hindi man lang magawang sawatin ng ama nila. Nakakatakot din naman ang ama nung dalawang bata. Mukhang gangster eh. Gusto ko sanang lagyan tape ang bibig ng dalawang bata kaso natakot akong mabugbog ng ama nila. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos. Babawi na lang ako sa bahay.
Kanina pa ako dito sa harap ng airport pero wala pa rin sya kahit kelan talaga late ang mga babae. Kanina ko pang hinihintay ang magaling kong ina. Malinaw at ilang bese ko pa stang itinext kung anong oras nya ako kailangan sunduin. Bakit hanggang ngayon wala pa rin sya?
After 20 minutes dumating din si Mama. Nakita nya akong nakaupo sa isang sulok. At halata din naman nya na nainip ako kakahintay sa kanya.
" Nak, sorry kung ngayon lang ako dumating ang traphic kasi papunta dito. Sakay ka na at nagmamadali ako kelangan ko pang dumiretso sa trabaho ko." kahit kelan talaga hindi pa sya nagbabago napaka workaholic talaga nya. Lagi na lang trabaho nasa isip nya.
Nilagay ko na yung bagahe ko sa loob ng kotse. At nagsimula ng paandarin ni mama yung kotse.
"Kelangan ko po ba talagang mag-stay kina tita?"
"Alam mo naman na isasama ako ng amo ko sa ibang bansa for three months di ba? At saka doon ka naman talaga dating nakatira ah? Nandoon din ang pinsan mong si Tom." Heto na naman po tayo.
"Akala ko po ba lilipat na tayo ng bahay?"
"Hay anak pagbigyan mo na ko sayang rin kase ang pera."
"Kung 'yan po ang gusto nyo may magagawa pa po ba ako."
"Salamat anak. Buti naman naiintindihan mo."
Kaysa magtalo pa kami ni Mama ay nanahimik na lang ako. Hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising lang ako ng maramdaman kong tumigil na 'yung kotse. Mahigit isang oras din kase ang byahe mula Venice hanggang Vicenza. Ibig sabihin mahigit isang oras din akong nakatulog.
"Sige nak hindi na ko makakataas at baka malate pa ko sa trabaho. Kamusta mo na lang ako sa tita mo at sa pinsan mo ha?"
"Sige po ma ingat po kayo."
"Sige." hinalikan ko sya sa pisngi bago sya tuluyang umalis.
Nang maka-alis si Mama ay pumasok na din ako sa loob ng apartment na tutuluyan ko. Mayroong apat na bahay ang apartment na 'to. Third floor kami. Hagdan lang bahay na 'to kase hindi naman gaanong mataas kaya hindi kailangan ng elevator.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ay agad din akong nag-doorbell. Pagod na pagod ako. Gusto ko ulit ituloy ang pagtulog ko.
Kaya lang nagising ata ang diwa ko ng makita ko ang taong nagbukas ng pintuan.
"Ikaw na naman?" gulat na sabi nya.
Oo tama kayo sya nga yun. Kamalasan nga naman oh.
Teka? Tamang bahay ba ang napuntahan ko?
Chapter 4: Neighborhood
Start from the beginning
