Hinila ko yong upuan para sa kanya. Ang gentleman ko 'no?

"Hmm ano ba ang gusto mong lunch, Jillian?"

Binalik lang niya yong tanong ko.

Umupo na siya.

"Gusto ko kasi kumain ng marami babe, eh."

"Sige kakain tayo ng marami."

Tumaas tuloy yong kilay ko. Dati kapag kakain ako ng marami lagi siyang kontra at sasabihan pa niya ako na para daw akong kabayo kung kumain.

Nagpunta na ako ng counter at nag-order ng foods and drinks. Dala ko na ang mga order ko pagbalik ko sa table namin. Umupo ako rito sa tapat niya at ibinigay sa kanya yong foods niya.

"Jillian, kailan mo pa ako mahal?"

Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa mga pagkain na nakahain dito sa table.

"Honestly, unang kita ko pa lang sayo sa gymnasium crush na kita, kaya ako natamaan ng bola noon dahil nakatitig ako sayo." pag-amin ko sa kanya.

Napangiti siya sa sinabi ko saka siya tumitig sa akin.

"Ikaw pala yong natamaan ng bola nong unang beses akong pumasok ng gym?"

"Uhm, Oo."

Pareho kaming natatawa nong maalala namin yong araw na yon.

"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin?"

"Ang alin?"

"Na gusto mo ako?"

"Huh? Uhm, sa sungit mong yan ang hirap kaya makalapit sayo. Isa pa, hinihintay kitang manligaw sa akin."

"Ang kapal ng mukha mo, hindi kita liligawan 'no. Ano na lang kaya itsura ko kapag nanligaw ako sayo."

Natatawa naman ako.

"Natatakot ako baka i-reject mo ako. Pero mahal na mahal kita."

Grabe na naman yong kabog ng puso ko.

"Jill, Anne!" napatingin kami pareho sa tumawag sa amin, yong dalawang bugok.

"Guys kapag nakapasok tayo sa semis tara sa Batangas, ha? Pahinga tayo sa bagong resort namin." si Jo.

"Maganda yang idea mo." sabi ko habang hawak ko ang kamay ng babe ko sa ilalim ng mesa.

"Anne, dapat kasama ka."

Tumingin siya sa akin, mukhang hindi niya alam ang isasagot kay Jo.

"Sige sasama kami ng babe ko." ako na ang sumagot para sa kanya. Halatang nagbu-blush siya. Hindi pa siya sanay na matawag na babe sa harap ng mga kaibigan ko.

"Good! Kita-kits na lang mamaya baka pati ako langgamin dito."panunukso sa amin ni Jean, nauna na silang lumabas ni Jo.

Pagkatapos ng mga klase namin ay hinatid ko na siya sa apartment niya at umalis din ako agad dahil nagpatawag ng meeting si Coach.

"Jill, sama ka sa akin saglit mamaya may surprise ako sayo." bulong ni Jo habang nagsasalita si Coach. Napakunot noo tuloy ako.

"Paano si Jean?"

"Susunod din siya mauna na tayo mamaya."

Tumango ako.

Gabi na kami natapos sa meeting. Inaantok tuloy ako. Tinext ko muna ang babe ko. Miss ko na ulit siya kaso my surprise raw si Jo sa amin.

["Babe anong ginagawa mo? Kasama ko pala si Jo samahan ko lang siya saglit."]

["Nakahiga at nanunood ng TV, saan ang punta niyo?"]

Forbidden Flower (Jillian Fuentes Book 1) GXG ✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt