Chapter 11 Patient

Start from the beginning
                                    


"Ma'am?" Nagmukha siyang clueless.


Mukhang epekto lang ito ng pagkahilo ko! Tsk! >__<


"Nothing." Ngumiti ako ng pagak. Bumalik ako sa pagkakaupo. Hilo much e!


*KRINNNNNG*


*KRINNNNNG*


Kunot-noong hinanap ko ang nag-iingay na phone.


*KRINNNNNG*


Kinuha ko ang bag at hinalukay iyon. Parang gusto kong magmura pagkakita ko, na hindi ko pala phone ang nag-iingay. Kay Joshua ito. Inis na sinagot ko iyon nang hindi tinitingnan ang pangalan nun. Bakit pa? E siya lang naman itong nangungulit na tumawag sa akin.


=__=


"Pwede ba Nate Joshua, wala ako sa mood para makipag-usap sayo! Masyadong masakit ang ulo ko! Sa susunod ka na lang manggulo! Bye!" I end up the call. Tinapon ko ang phone sa loob ng bag ko.


Huminga ako ng ilang ulit bago nagbalak tumayo. Hanggang ngayon nahihilo parin ako.


"Ma'am..." ani Annavic, inalalayan ako.


"I'm fine... ikaw na muna ang bahala dito." Kahit hilong-hilo tinungo ko na ang labasan. Nag-park ako ng taxi. Hindi na ako nag-drive ng car ko, masyadong yanig ang mundo ko. Abala sa kaka-dance.


"Sa Ospital tayo Manong." sabi ko kay Manong driver, saglit kong ipinikit ang mga mata. Pahi-pahinga din pag may time.

***END OF ANALINE POV***


***JOSHUA POV***

"THANK you po kuya Doc." Nakangiting sabi ng anim na taong gulang na batang ito. She's one of my patients. Kagagaling niya lang mula sa sakit, na-dengue kasi siya, buti na lang nakaligtas ang batang ito.


"You're welcome... Cathlyn." saglit kong hinaplos ang buhok niya. "Basta magpagaling ka." ^__^


"Opo Kuya Doc." Sobrang lapad ang ginawa niyang pagngiti habang panay ang pagtango. "Thank you po ulit." ^___^


Ewan, parang nakaramdam ako ng lungkot. Siguro, magkasing-edad lang sila ng magiging anak ko. Kung nabubuhay lang sana ang mga ito.


"Welcome..." I tried to smile. Marahan kong pinisil ang pisngi niya. "Maiwan na kita."


"Opo kuya Doc." ^___^


Pagkalabas ko ng silid niya, nagpakawala ako ng isang napakalalim na buntong-hininga. Nakakaramdam kasi ako ng lungkot at panghihiyang.

BLS#6: Secretly In Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now