I came into Dave's room. Room na niya yung dating room namin dahil nga wala na kami. Kumuha lang ako ng pantulog at pumunta sa bathroom. Nasa baba pa si Dave, probably in his office or nakikipaglampungan na kay Margarette. Eeeww hahaha iniisip ko palang nandidiri nako

Selos lang? Hindi ah

Bahala siya sa buhay niya. It's his loss pinakawalan niya ako.

 Affected? Hindi noh

Buhay niya yon. Waley na akong pakels.

Defensive?????

Bakit bako nag-jujustify at nagpapaliwanag sa sarili ko? Weird ah

Kung may ginagawa man si Dave na kung ano man, labas nako don. Choice niya kung ano mang balak niyang gawin sa buhay niya.

Haay... Ang sarap talagang maligo. Parang nakakawash out ng lahat ng pagod ko. After naman nun yung lahat lahat ng kalandian ko to moisturize my skin. Mejo mahabahabang ritwal pero worth the effort naman dahil kita naman ang results. 

Naramdaman ko nalang na pumasok si Dave, hindi nako nag-abalang lumingon dahil wala naman akong mapapala makita ko man siya.

Bumukas yung shower at nag-on yung water kaya nalamang naliligo siya. Hahaha ano namang gagawin niya sa shower kung hindi siya maliligo diba? Mga tanong eh

Ang defensive ko tonight! Nakakaloka.

Hindi pako tapos sa mga ritwal ko pero tapos na agad mag-shower si Dave. As usual wala nanaman siyang dalang robe o towel, kaya towel ko nanaman yung gagamitin niya. And worse hindi na siya nagpapaalam sakin. Bwiset lang? Hay pero hindi ko na siya sinasaway mula noong kinasal kami, ngayon gusto ko sana kaya lang tinatamad ako.

I took a deep breath. Ay lintek! Nakakaloka naman! Hindi ba pwedeng magbihis muna bago magtoothbrush? Nakaka-bother naman kasi yung towel niyang hinihila niya lang pataas dahil nahuhulog. Maiksi pa sa kanya yung towel ko hindi pa lumalampas sa tuhod niya. Sorry naman ha? Pang girl naman kasi yung towel ko at nagpipilit siyang gamitin, bitin tuloy sa kanya.

He went to the closet, buti naman at lumayas na siya. Makakapag-ritwal na ako na malaya.

I gargled. 

"Beh yung kanina wala lang yon, hindi ko naman alam na bigla nalang siyang yayakap sakin." May tao na sa likod ko pag-angat ko.

"You don't need to explain anything" sabi ko.

"Beh pwede bang humingi ng favor?" he asked.

"Depende, ano ba yon? May sakit ka? Mag-papacheck up ka or sina papa?" Tuloy lang yung pag-lalagay ko ng whitening cream ko.

"Beh pwede bang humiram sayo ng time? Alam kong busy ka, pero sandali lang naman habang nandito sina Margarette." sabi niya

"Arte mo naman, mag-papanggap lang naman tayo diba? For sure alam kong yan yun, saka ginagawa na naman natin dahil hindi alam nila papa na wala na tayo" natatawang sabi ko. Ang drama naman kasi ng pagkakasabi niya. Pwede namang sabihin nalang basta may kung ano pang drama.

"Beh the last time Margarette saw me naiwan ako sa simbahan" Napalingon ako kay Dave. "Kanina she asked me kung bakit kahit iniwan mo ako sa simbahan noon ikaw parin talaga at hindi kita mabitawan hanggang ngayon." There it is again, the pain in his eyes.

He smiled bitterly "Sabi ko 'wala eh, mahal na mahal ko talaga', ang weak ko noh? Pasensha na ha kahit yon kailangan pa nating ipag-panggap. Alam ko gusto mo nang mag-move on mula noong naghiwalay na tayo, hindi ka lang maka-alis dahil kay Avie at Jayjay. Tapos hindi pa kita binibitawan at kinukulit pa kita ng kinukulit, one last favor ko na sana sayo 'to tapos hindi ko na ipagpipilitan yung sarili ko sayo, I just want Margarette to see na masaya ako sa buhay kong pinili"

Naiiyak ba siya? Bakit ganun? Bakit ganoon siya ka-affected? Ano pa kayang pinagusapan nila ni Margarette?

"Ok lang naman kung ayaw mo, hindi naman kita pinippilit, thank you for hearing me out" Tumalikod na siya at umalis papunta sa labas ng bathroom bago pa man ako makapagsalita.

What the hell did she tell him?! Parang nahurt si Dave! May nakita na kaya si Margarette na mali samin? Hindi pa naman kami nahahalata ah?

Traumatic pala talaga yung ginawa ko kay Dave noon. Sh!+ talaga!

Nagmadali na ako tapos sumunod ako kay Dave sa room. Nakadapa na siya sa bed at patalikod sa side ko ng bed. I crawled palapit kay Dave. I sat near him.

I bent down to hug him. "Dave? Tulog ka na?" I whispered to his ear.

Hindi siya sumagot.

"Dave, teka lang magusap muna tayo" he moved to face me. I felt his bitter stare again. "Ano bang pinagusapan niyo ni Margarette?" Nakakaloka naman kasi yung feeling kong pinagsasabi ni Margarette kaya ganyan si Dave.

"Wala lang Dianne, sorry na-brought up ko pa" Wala talaga siya sa mood. Hindi pa siya nag-'beh'. Senyales talagang mabigat yung sinabi ni Margarette para ma-brought up yung depression ni Dave.

"Dave come on please?" Ayaw ko ng ganyan siya. "Sabihin mo lang gagawin natin para ipakita sa kanya na masaya ka sa buhay na pinili mo, well begin showing her tomorrow ha? Wag ka nang sad, payag na nga ako eh" I patted his cheek.

He just let out a sigh. "I just thought it'll be a bad idea."

"Bakit naman? Don't worry, makikita ni Margarette, pero bukas na kasi pagod din ako ha?" Pagod din naman ako, dami ko rin naman kasing ginawa today kaya bukas na yung iba.

Bumangon bigla si Dave. "O bakit?"  asked him.

"Ganito nalang beh, sa bawat araw na you work with me sa show natin, ima-massage kita sa gabi para makapag relax ka?" Hmmmm... Tempting offer yan ha? Hahahaha

"Really? Buong katawan ba yan o back massage lang?" Dapat manigurado mahirap na hahaha

"Buong katawan beh kahit hanggang kuko mo pa" Hmm.. hindi na masama hahaha

"Sige sige deal ako jan" I smiled at him.

 "Beh pwede bang dito ka na matulog?" He asked.

"Sige" Nagkumot narin ako at tumabi sa kanya.

"Beh payakap ako?" He asked again.

"Sige ok lang" Naramdaman ko yung hug niya at halos buhatin niya na ako paibabaw sa kanya.

"Parang abuso naman yata yan sir ah?" Niluwagan niya lang yung hug niya.  

Wala narin naman akong magagawa dahil ayaw niya akong pakawalan. Natulog narin ako. Bukas ka talaga sakin Margarette!

My Genetically Modified LoveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα