Although I knew I like her, I never really thought about confessing. All I want right now is to focus on our dream, and how to make it come true.

"I already did," he said, with a smile that didn't reach his eyes. "And I was rejected a long time ago."

Natigilan ako. What? He confessed? When? I didn't even notice any change between them. Baka naman noong hindi pa ako nagta-transfer dito. That must've been when he confessed.

I opened my mouth and was about to ask something when my deskmate called us.

"Wynther! Eli! Practice na ulit!"

And just like that, I never got the chance to ask him about it again because we got busy with practice.

Kumunot ang noo ko nang makitang may chat si Elliot sa akin. Tinap ko ang pangalan niya at binasa ang kung ano mang sinend niya.

4:50 PM

Elliot Nolan Escalante
Meet me at the clubroom. May sasabihin ako sayo.

Mas lalong nangunot ang noo ko. What does he want to say? Pwede naman niyang i-chat na lang kung anong gusto niyang sabihin.

Nag-type ako ng reply at pinadala ito sa kanya. Naghintay ako ng sagot, but he just seen zoned me, kaya wala akong nagawa kung hindi ang tumayo at puntahan siya sa clubroom. Mabuti na lang at kaaalis lang ng teacher namin.

Maybe it's something about the festival. Bukas na yun, at bukas din ang performance namin. Maybe what he's going to say is something important na kailangan niya akong makausap in person.

Naglakad ako papunta sa pinto pero napatigil ako nang tawagin ako ni Rive.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Sa clubroom. May sasabihin daw si Elliot," sagot ko.

Saglit siyang natigilan at parang nag-isip bago ngumiti sa akin.

"Good luck!" Masaya niyang saad bago tumalikod at bumalik sa upuan niya para kunin ang bag.

I frowned. What's with him?

Nagkibit balikat ako at nagtuloy na sa clubroom. Pagdating ko doon, wala pang tao kaya naupo muna ako sa isang upuan at muling nag-chat kay Elliot, sinabing nandito na ako. Just like earlier, I received another seen from him.

Napabuga ako ng hininga at tinitigan ng masama ang pinto. I waited for it to open, and when it did, my heart almost jumped out of my chest when I saw who entered the room.

Hinihingal siyang pumasok, na para bang tinakbo pa niya ang papunta dito. Inangat niya ang tingin at nang magtama ang mga mata namin, natigilan din siya, kagaya ko.

"W-what are you doing here?" Tanong ko nang makabawi.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. "Si Elliot?" Tanong niya. "Nag-chat siya sa akin kanina. Sabi niya may sasabihin daw siya. Buti na lang at hindi pa ako nakakalayo nang matanggap ko ang chat niya."

Kasabay noon ang pag-vibrate ng hawak kong cellphone. Tinignan ko iyon at nakitang may chat si Elliot wishing me luck. Then, it hit me. This is his doing. He's trying to make me confess to her, and Rive seems to know about this based on his reaction earlier. They set us up. Those idiots.

Tinitigan ko ang deskmate ko. Nakatitig siya sa akin at mukhang hinihintay ang sagot ko.

"Elliot's not here," sabi ko.

Tumango siya at naupo din sa isang bangkuan. She's probably planning on waiting for him.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" Baling niya sa akin.

Strings of MemoryWhere stories live. Discover now