"Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo"

Napatingin ako sa ibaba para tignan kung ganoon din ba ang naging epekto ng boses niya kila Youssef at Harrison.

"Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta"

Napangiti ako nang makitang tulala ang dalawa habang nakatingin sa amin. They were mesmerized by her voice.

"Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang"

Inalis ko ang tingin sa dalawa at nilipat sa babaeng dahilan ng naghuhuramentado kong puso.

"Tayong umaasa
Hilaga't kanluran"

Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga pakpak na nakita ko noong unang araw na nakita ko siya.

I almost stopped because of the shock but I'm glad I didn't dahil ayoko pang matapos ang pagkanta niya.

"Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayo"

I blinked several times, making sure na hindi lang ako nagha-hallucinate. Pero hindi-nandoon pa rin ang malalaking pakpak sa likod niya.

"Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo"

She looked like an angel right now.

From her face, to her voice, and the wings behind her back that I don't know if they're real or just my imagination, but it didn't change anything. She still looked like an angel.

"Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin"

An angel that decided to grace us with her presence. To shake us to our core using her angelic voice.

"Huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako, nakikinig sayo"

Natapos ang kanta na sa kanya lang ako nakatingin. Hindi ko pa malalaman na tapos na ang kanta kung hindi ko narinig ang ingay ng palakpak ng mga tao sa ibaba ng stage. Ibinaling ko doon ang atensyon ko at nakitang may mga nanonood na palang ibang tao sa amin.

I didn't even notice them. I was so lost in my deskmate that she was the only one I could see.

Napabuntong hininga ako.

I can't believe it.

I really am turning into a lovesick puppy.

Binalik ko ang tingin sa deskmate ko. Wala na ang mga pakpak sa likod niya. She's now back to normal, smiling brightly.

Which only made my heart pound even more.

"Isa pa!" sigaw ng isang babae mula sa audience.

"Play another one!" sunod naman ng isang lalaki.

They started chanting, urging us to play one more song, but Youssef and Harrison quickly stepped in to disperse them. Kita sa mukha ng mga tao ang disappointment at ayaw nilang umalis, pero hindi talaga pumayag ang dalawa.

"If you want to hear them play again, watch them at their school's festival on March!" asar na sabi ni Youssef.

Nang masiguradong wala nang aabala sa amin ay pinababa na nila kami.

"I know that you all know you played well," sabi ni Harrison. "You're all too good! Sa totoo lang, mas magaling pa kayo kaysa sa amin nung nagsisimula pa lang kami."

Tumango si Youssef. "But that doesn't mean na walang mali. All of you still have things to improve on. Especially your synchronization. Nagkaroon na ba kayo ng proper practice session?"

Strings of MemoryWhere stories live. Discover now