"Calm down, idiots," I said. But, of course, it had no effect. They kept screaming.

Napairap na lang ako nang magsimula silang maghalughog ng kung ano sa bag nila. Nang makuha ang dapat makuha sa bag ay mabilis na kumalas sa pagkakahawak ko si Elliot at muling bumalik sa harap nina Youssef.

I saw Elliot holding a marker and it looked like my deskmate saw it too dahil mabilis din siyang lumapit doon at iniwan na lang ang bag at mga gamit niya na nagkalat sa buhangin.

"Can I have your autograph po?" Excited na tanong ni Elliot habang inaabot ang marker kay Youssef.

"Where should I sign?" Natatawang tanong ni Youssef.

Itinuro naman ni Elliot ang suot niyang damit. Tumango si Youssef at sinimulan nang pirmahan ito.

Ugh. I can't believe these two. Napailing ako bago tinanggal ang cap na suot ko. Ginulo ko ang buhok ko sa inis bago tumingin kay Rive.

"We won't be able to stop them. Matagal na nilang pangarap 'to, so let's just let them be," sabi niya, na tinanguan ko na lang.

"Yeah. Let's let them become rabid fans. Baka mamaya, mangagat na ang dalawang 'yan sa sobrang pagka-excite," naiiling kong sabi, na ikinatawa niya. Dahil doon, nakuha namin ang atensyon nila.

Nang magtama ang mga mata namin nina Youssef at Harrison, nakita kong natigilan sila, parehong nanlaki ang mga mata. Muntik pang mabitawan ni Harrison ang marker na ipangpipirma niya sana sa damit ng deskmate ko.

"W-wynther?" Nauutal nilang tawag sa akin.

Kaagad kong naramdaman ang mga mata ng mga kabanda ko na nakatingin sa amin. They all looked confused as to how Youssef and Harrison knew me. Tahimik kaming lahat hanggang sa ang deskmate ko na mismo ang bumasag nito.

"You knew them?" Nagtataka niyang tanong sa akin.

Tinitigan ko siya pero hindi ko sinagot ang tanong niya. Mukhang nakaramdam sina Youssef at Harrison dahil mabilis silang nakabawi sa gulat at tinapos na ang obligasyon nila sa mga fans nilang may rabies.

"Zeira," tawag ni Youssef sa pamangkin. "Guide them to the rooms they will be using."

Tumango si Zeira at tinulungan ang deskmate ko na ayusin ang mga gamit niya at nagsimula na silang maglakad papasok ng bahay.

I didn't go with them dahil kailangan ko pang kausapin ang dalawang 'to. I know that they have a lot to say to me.

Nang masiguradong wala na ang mga kasama ko ay pinakawalan ko ang hiningang hindi ko namalayang pinipigil ko. Then, I turned to face the two who were already looking at me.

Ngumiti sila.

"You've grown, Wynther," sabi ni Harrison.

Tumango lang ako bilang sagot.

"I didn't know that you go to the same school as Zeira. Tori's also there, right? Have you met her?" tanong naman ni Youssef.

"Yeah. She's our club adviser," sagot ko.

"Ang babaeng 'yon talaga! Hindi man lang sinabi sa amin na nakita ka niya," inis na sabi ni Harrison, na ikinangiti ko.

Strings of MemoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang