Napairap ako nang mabasa ang chat ni Elliot. Kahit kelan talaga 'to.

Nakita kong nag-react ng angry emoji ang deskmate ko sa chat ni Elliot, kaya naman napangiti ako.

Luna Elara Vega
Ewan ko sayo, Eli!

Nag-react ng laughing emoji si Elliot sa chat ng deskmate ko.

Rive Cole Marlowe
Stop it, guys. Let's take the two days. Wala tayong magagawa, ang uncle ni Zeira ang masusunod. Isn't that right, Wynther?
Kanina ka pa seen nang seen diyan, hindi ka man lang nagrereply dito.

His last chat earned a laughing emoji from Elliot and my deskmate na ikinaliit ng mga mata ko. These idiots.

Kaagad akong nagtipa ng reply.

Wynther Fynne Clemenceau
I was just busy. And you're right. Kapag patuloy pa ding nag-inarte 'yong dalawa ay baka hindi na pumayag ang uncle ni Zeira.

My reply earned many reactions from the two. Namely-Elliot and my deskmate.

Luna Elara Vega
Himala! Nagreply si tag-lamig.

Elliot Nolan Escalante
Inarte ka diyan? We're just being honest here, dude.

Napailing ako at hindi na muling nagreply pa dahil kung saan-saan na naman napadpad ang usapan nila.

Kinabukasan, binanggit ko kay Mommy ang tungkol sa pagpunta namin sa beach house nila Zeira. She didn't ask a lot of questions, except for one-where is it located? Nang malaman niya ay agad siyang pumayag.

I don't know if she's just giving me more freedom or what. Hindi man lang siya nagtanong nang sunod-sunod kagaya ng madalas niyang ginagawa. But when I mentioned that I'll be going with my bandmates, she seemed really happy.

The days passed by quickly, and now we're on our way to the beach house. Sabay-sabay kaming pumunta gamit ang sasakyan nila Zeira. Her father was the one who drove us there since madadaanan naman daw niya. I guess he's not staying with us-he's just dropping us off dahil may pupuntahan din siyang iba.

Habang nasa biyahe, walang tigil sa pagkukwentuhan ang mga kasama ko. Ako naman, tahimik lang habang nakikinig sa kanila. Nang makarating kami sa destination namin, nagpaalam at nagpasalamat kami sa Papa ni Zeira, then we got off the car.

"Nandoon pa 'yung beach house ni Uncle. Kailangan nating lakarin," sabi ni Zeira, tinuturo ang isang bahay sa di kalayuan.

Tumango lang kami at sinundan siya. Nang medyo malapit na, napansin ko ang dalawang lalaking nakatayo sa labas ng bahay, mukhang may hinihintay.

The guy on the right is wearing a white sando and black denim shorts with a black bandana on his head, while the other guy is in a black polo shirt and khaki denim shorts. He's also wearing eyeglasses and a hat.

Mas lumapit pa kami sa kanila at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon. It's... Youssef and Harrison.

What the hell are they doing here?

"Uncle!" tawag ni Zeira habang kumakaway.

Strings of MemoryМесто, где живут истории. Откройте их для себя