Bumagsak nang bahagya ang balikat ng deskmate ko pero mabilis din siyang nakabawi bago pa mapansin ni Zeira.
Nginitian niya ito bago tumango. "Okay. Let's just do it when cla-"
Bago pa niya matapos ang sasabihin niya, biglang may sinabi si Elliot na nagpahinto sa amin.
"Why don't we help you out? I'm sure your uncle will need extra hands." Suggest niya.
Muling nagbalik ang sigla ng deskmate ko at sunod-sunod ang naging tango niya.
"Oo nga! Tutulungan ka namin! Wala naman kaming gagawin sa bakasyon," sabi niya, her face lighting up with excitement.
"N-no. I can't trouble you guys. You should rest-"
Hindi na natapos ni Zeira ang sasabihin niya dahil muling sumingit si Elliot.
"It's really alright, right guys?" tanong niya sa amin.
My deskmate eagerly nodded, and Rive did the same. Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanila. I don't want to be a killjoy here.
"See? Okay lang sa amin. At kung nag-aalala ka sa ibabayad sa amin, you don't have to. No need to pay us," sabi ni Elliot.
Maa-amaze na sana ako sa kabutihang-loob niya-considering the fact na lagi silang nagtatalo ni Zeira-pero nagbago ang isip ko dahil sa sunod niyang sinabi.
"Basta pakainin niyo na lang kami," dagdag niya bago tumawa.
Napangiwi kami ni Rive. This idiot.
If I were just near him, I would've smacked his head right now. Kaso malayo ako sa kanya, kaya ang nagawa ko lang ay titigan siya nang masama at mag-wish na sana mabulunan siya sa sarili niyang laway.
Napangisi ako nang bigla siyang tumigil sa pagtawa at nagsimulang umubo.
Serves him right.
"O-okay. I'll tell my uncle about it later. Sasabihan ko na lang kayo kapag pumayag siya," sabi ni Zeira pagkaraan ng ilang minuto.
Napatili sa tuwa ang deskmate ko at bigla niyang niyakap si Zeira. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Zeira sa ginawa nito. Nanatili lang siyang nakatayo roon, frozen in place, habang ang deskmate ko ay patalon-talon pang nakayakap sa kanya.
Later that night, we received a message from Zeira, saying that her uncle agreed, but only for two days. Sabi niya, hindi niya kami kayang abalahin nang higit pa roon. My deskmate tried to insist na kahit isang linggo okay lang sa amin, but Zeira's uncle was firm in his decision.
Moonfall
8:35 PM
Zeira Maeve Alcarion
Ayaw talaga pumayag ni Uncle. He told me that you have to spend your time with your family and also rest. Two days lang talaga ang binigay niya. Take it or leave it.
Luna Elara Vega
Hay. Ang higpit naman masyado ng uncle mo.
Elliot Nolan Escalante
Kaya nga. Try mo ulit kulitin. Sabihin mo kahit huwag niya na kaming pakainin. Magbabaon na lang kami ng pagkain. I'm sure Luna will bring many snacks with her. Haha.
YOU ARE READING
Strings of Memory
Teen Fiction"Hating the one thing you love is a pain worse than losing it." - Wynther Fynne Clemenceau Wynther never had a dream-until he heard his father play the bass. In that moment, music became his purpose, his passion, his future. He dreamed of standing o...
Chapter 17
Start from the beginning
