Binuksan ko ang pinto, at parang natigilan siya nang makita ako. Kumunot ang noo ko. What? Hindi ba ako mukhang presentable?
Tinignan ko ang relo ko—malapit nang mag-alas-otso. Shit! I'm really going to be late.
"Mom, I'm going to school," natataranta kong sabi bago siya binigyan ng isang halik sa pisngi. "Bye!"
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa pintuan ng unit namin, pero bago ako lumabas ay narinig ko pa ang sigaw niya.
"Hindi ka pa nag-aalmusal!"
"Hindi na! Malelate na ako!" sagot ko bago tuluyang nagtatakbo papunta sa school.
Nagpakawala ako ng buntong hininga nang makapasok ako sa gate. Mabuti na lang at hindi pa ito sinasara. Tinignan kong muli ang relo ko. Alas-otso na. Fuck! Oras na ng klase.
Tatakbo na sana ako papunta sa building nang mapahinto ako sa sinabi ng guard.
"May event ba ngayon? Bakit may dala kang gitara?" tanong niya.
And that's when it hit me. Hindi lang ang bag ko ang dala-dala ko ngayon.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang nakakabit sa likod ko. Shit. My bass.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiling sa guard. Wala akong balak magpaliwanag. Nagsimula akong maglakad, pero imbes na dumiretso sa classroom, sa rooftop ako nagpunta.
How could I bring this here? I can't believe I was so distracted that I didn't even notice. Kaya pala ganoon na lang ang naging reaksyon ni Mommy kanina nang makita ako.
Naupo ako sa isang sulok at isinandal ang likod sa pader. I can't go to our classroom with my bass. My deskmate will definitely see it. At sigurado akong aabot siya sa maling conclusion tungkol dito.
I also can't go back home. Wala ngayong pasok si Mommy, at siguradong magagalit siya kung malalaman niyang lumiban ako sa klase para lang ibalik 'to. She's really scary when she's mad.
So my best option? Stay here and wait for the day to be over.
Pumikit ako at piniling matulog na lang. I don't know how long I was out, but I slowly opened my eyes when I felt like someone was watching me.
And I was right. My deskmate is in front of me.
Pareho kaming nanlaki ang mga mata. Mabilis siyang lumayo, at ako naman ay umayos ng upo. I can't believe I fell asleep while sitting. Ang sakit tuloy ng katawan ko. Ugh.
Tumingin ako sa deskmate ko, at para siyang batang nahuli sa kalokohan. Hindi siya makatingin nang diretso sa akin, at kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya.
Kumunot ang noo ko. What's with her?
"What are you doing here?" tanong ko, at agad siyang napatingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin at para bang may kung ano sa kanya ngayon dahil umiwas siya agad ng tingin. She's looking everywhere but me.
She's acting weird. I know she's always been weird, pero mas weird siya ngayon. Her usual confidence is gone.
"W-wala," nauutal niyang sagot. "W-why didn't you go to—"
Naputol ang sasabihin niya nang mapatingin siya sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang bass.
Tsk. She saw it. Wala na akong kawala nito.
Itinuro niya iyon at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. "Is that a bass?"
I didn't answer. She doesn't need me to. She already knows what's inside the case.
Dahan-dahang lumitaw ang isang ngiti sa labi niya. "Ikaw ah. You kept telling me you don't have any intention of joining us, pero gusto mo naman pala." She teased, crossing her arms. "Were you inspired because of our performance yesterday?"
I stared at her blankly. "I'm not joining your band."
Imbes na ma-intimidate sa ginawa ko ay lalo pa siyang ngumisi. "Stop acting like your name, Wynther. I saw how much you enjoyed playing yesterday. You were smiling the whole time."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. At para bang dumaloy ang kuryente sa katawan ko nang maglapat ang balat namin. Her touch is electrifying.
Hinila niya ako patayo at para bang may sariling isip ang buong katawan ko. Sinunod nito ang gusto niya kahit na abot ang sigaw ng utak ko na huwag. Para akong nanghina sa simpleng paghawak niya sa akin.
Kinuha niya ang bag at bass ko, saka ibinalik iyon sa akin. Nang makita niyang ayos na ako, hinila niya ako papunta sa kung saan.
I stared at our intertwined hands, and I couldn't stop my heart from beating fast.
Huminto siya sa harap ng isang pinto at binuksan iyon habang hinahabol ko naman ang hininga ko. We didn't even run, so why am I breathless?
Hinila niya ako papasok at nakita ko ang mga kabanda niya.
"Saan ka ba galing, Luna? Kanina ka pa namin hinihintay," sabi ni Elliot habang nakaupo sa isang upuan.
"Sorry. Sinundo ko pa kasi ang bassist natin." Sagot niya na ikinalaki ng mata ng mga kasama namin sa loob ng classroom.
Wait, what?!
Tinignan ko ang deskmate ko. She's smiling sheepishly while scratching her left cheek and I had to admit, she looked pretty.
But it doesn't excuse what she just said. How can she say that? Hindi pa naman ako pumapayag!
"Paano mo napapayag si Wynther?" tanong ni Rive. Halata sa boses niya na hindi siya makapaniwala sa sinabi ng babaeng 'to.
Inilagay niya ang kamay sa baba at umaktong nag-iisip. "Let's just say... I charmed him."
Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.
She's crazy! Sinamaan ko siya ng tingin, pero tinawanan niya lang ako.
And instead of correcting her like I always do... I just found myself agreeing.
Because I know she wouldn't take no for an answer.
And she's right. I did enjoy playing yesterday. And I want to experience it again with them.
I don't know when I started feeling comfortable around these people, pero naging parte na sila ng araw-araw ko. No matter how much I pretend not to like their company, I do.
I find their ridiculous banters fun to listen to. Not hearing Rive's constant flirting, Elliot's arrogant but funny remarks, Zeira's short replies, and—most of all—my deskmate's energetic, high-pitched voice... it just doesn't feel right.
It feels like something's missing.
Like my day isn't complete without them.
"Since we're complete now, let's celebrate the formation of our band!" excited na sabi ng deskmate ko, saka ako hinila papunta sa iba.
Napailing na lang ako. Pero hindi ko na siya pinigilan.
BINABASA MO ANG
Strings of Memory
Teen Fiction"Hating the one thing you love is a pain worse than losing it." - Wynther Fynne Clemenceau Wynther never had a dream-until he heard his father play the bass. In that moment, music became his purpose, his passion, his future. He dreamed of standing o...
Chapter 15
Magsimula sa umpisa
