“O sya, tara na nga!” alam ko namang sinundo nito ako para mamasyal o di kaya'y kakain! Aba'y oo ako dyan! Lalo na pag libre.
“Thank you sa libre ate! Bukas ulit!” sumimangot ako habang siya'y malawak ang ngiti. Lumabas ako sa kanilang sasakyan noong matapat na ito sa amin, gabi na noong makauwi kami.
“Gabi na, baka magalit ang parents mo... Hindi mo naman siguro 'to gawain pag hindi ako ang kasama diba?” taas kilay kong pagtataray sa nakababata kong kapatid.
Lumawak lamang ang ngiti niya. “Ofcourse not! Don't worry about mom and dad, i can handle that, bye ate... Love you!”
Kumaway siya at isasara na sana ang pinto ng sasakyan ng may naalala ako at pinigilan siya.
“Bakit ate?”
“Ahm... Do you find something weird these... Days?” pahina at alanganing tanong ko sa nakakunot ang noong kapatid ko.
Tumagilid ang ulo niya, tila nagtatanong. “What? Weird? Uh... I think... Wala naman, why?”
Ngumiti ako sa kaniya saka ginulo ang buhok niya. Mabuti naman. Sana ay hindi sila idamay ng organisasyong iyon. Makakapatay talaga ako pag pati ang mga kapatid ko ay damay doon!
“Wala... If something's not right happened, sabihin mo kay ate ah? Or you can tell me everything... Anything... Ate will listen,” i smiled at him once again before urguing them to go home. Late narin naman at baka tulog na sila mama, tinext ko kasi kanina sila na baka ay matatagalan akong umuwi dahil kasama ko naman si sven, maaga kasi nagsasarado ng bahay si mama kahit alas otso palang ng gabi, matutulog na 'yon!
Gamit ang duplicate key na nasa akin, binuksan ko ang madilim na bahay, kinapa ko lang ang switch sa gilid para buksan ang ilaw. Siguro nga ay nasa kwarto na sina mama at khail, ilalagay ko nalang din muna sa ref itong mga pinamili kong pasalubong. Inilapag ko muna ang bag at laptop sa lamesa para dalhin ang mga pinamili sa kusina.
“Ate...”
“Ay gago!” muntik ko ng nabitawan ang hawak kong gatas!
Kumunot ang noo niya habang pumupungay pa ang mga mata. “Khail naman! Nanggugulat eh!”
“Kararating mo lang? Saan na si kuya?” paos pang tanong niya.
“Umuwi na, bakit?”
“Alam mo kung nasan nagpunta si mama?” napatigil ako sa ginagawa. Nagpunta? Umalis ba si mama? Saan naman pupunta yun? Alas otso na ng gabi.
“Ha? Bakit? Wala ba siya sa kwarto niya?” gabing-gabi na ah, hindi naman gawain ni mama na umalis sa tuwing gabi.
“Wala. Tsaka ilang gabi ko narin napapansin ang palagi niyang pag-alis sa gabi, madalas nakatulugan ko kung anong oras ba siya babalik kasi pag gigising naman ako naghahanda na siya ng almusal kinabukasan,” nagsalubong ang kilay ko, prinoproseso ang sinabi ng kapatid. Ilang gabi? Bakit hindi ko alam? Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ni mama?
“Bumalik kana sa pagtulog, may inuwi pala akong donut at franks dyan, ako na nag maghihintay kay mama,”
Kinabahan ako bigla. Bakit ngayon ko lang to nalaman? Sinunod naman ng kapatid ko ang sinabi ko at nagpaalam na matutulog ulit, nagising daw siya sa ingay ko pagpasok, akala daw niya si mama. Ilang minuto matapos ko ayusin ang mga pinamili ay lumapit ako sa laptop ko at sinumulang magcode. I need to locate my mother's location and whereabouts. Hindi ko naman to madalas ginagawa sa tuwing kailangan lang, ganito din ang ginagawa ko pag hindi ko alam kung saan gumagala ang mga kapatid ko, ito din ang way para matutukan ko sila lalo na at hindi na ligtas ngayon, ginagawa ko na din ngayon ito kay neid, na kahit hindi nakaopen ang location nila, natatrack ko parin sila. Sa ngayon neid is at Moles residence location, i need to ask it to lei tommorrow kung magkakilala ba sila. Sven is now on their house.
To my surprise, i cannot locate my mother's phone. Kumunot ang noo ko. Paano nangyari iyon? Wala bang signal sa area niya? Dead batt ba ang selpon niya? What the hell? Bat ngayon pa?! If im going to call her naman ngayon hindi ko rin siya ma-reach. And i don't have a load! Damn!
Nasaan ka mama?
Kinagat ko ang mga daliri ko, naghahalo na ang mga iniisip ko. Posible kaya? Hindi. Hindi maari! I need to find her, para mapanatag ang kalooban ko!
Napakabigat ng pakiramdam ko habang nakatitig sa laptop screen. Ang kakaibang galaw ni mama nitong mga nakaraang gabi, na hindi ko man lang napansin, ay nakakabahala. At ngayong hindi ko siya ma-locate gamit ang usual tracking method ko, hindi ko mapigilan ang pagtaas ng paranoia. I need answers, and I need them fast.
Hinila ko ang bag ko at hinanap ang power bank ko. Wala akong load, pero may paraan ako para makatawag kahit papaano. Hindi ito ang unang beses na kinailangan kong gumamit ng emergency hack para magkaroon ng temporary connection. Ginawa ko iyon para tawagan si mama. Saglit akong tumigil para huminga, pinipigilan ang kumakabog na dibdib.
Ring... ring...
Isang beses. Dalawa. Tatlo. Walang sumasagot.
“Shit...” bulong ko sa sarili ko. Nai-stress nako!
Muling bumalik ang focus ko sa laptop. Nag-open ako ng isang encrypted software na ginawa ko para i-triangulate ang signal ng mga devices na naka-register sa household namin. Hindi man gumana ang phone tracker, baka may iba akong makuhang clue mula rito.
Habang naglo-load ang system, napansin kong bumalik ang tahimik na paligid ng bahay. Parang mas lalo lang itong nagdagdag sa tensyon ko. Tila baga ang katahimikan ay isang babala.
Biglang bumalik sa isipan ko ang mga nangyayari sa mga naunang biktima—ang mga taong dinudukot at ginagawang eksperimento. Hindi ko maisip na posibleng ma-involve dito si mama, pero paano kung may koneksyon ito? Lalo na at past subject siya! Mas lalong kumabog ang puso ko.
Kung aalis man si mama, magpapaalam iyon! Tatawag o magtetext kapag wala ako sa bahay o di kaya ay gigisingin niya ako kapag aalis sya at nakatulog ako.
Naputol ang pag-iisip ko nang mag-alert ang laptop. May weak signal akong na-detect mula sa isang device—pero hindi ito kay mama. Ito ay kay Khail.
Kinabahan ako. Kahit nasa kwarto siya kanina, dapat hindi ganoon kahina ang signal ng phone niya. Sinilip ko ang hallway at naglakad papunta sa kwarto ni Khail. Kumatok ako nang mahina.
“Khail?”
Walang sagot.
Binuksan ko nang bahagya ang pinto, at nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Ang phone niya ay nasa bedside table, pero naka-off. Napakunot ang noo ko. Kailan pa ito natutong mag-off ng phone?
Napatingin ako sa bintana. Bukas ito nang bahagya, at naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas. Hinila ko ang kurtina para isara ang bintana.
Ano na ang gagawin ko ngayon?
• • •
WARNING: THE HACKER SERIES (CIPHER CHRONICLES) I HAVE WRITTEN IS NOT INTENDED TO PROMOTE OR GLORIFY HACKING IN ANY WAY. INSTEAD, IT AIMS TO EXPLORE THE FASCINATING WORLD OF TECHNOLOGY, SOLVING MYSTERIES, AND SHARING KNOWLEDGE THROUGH A LENS THAT MAY INVOLVE HACKING ELEMENTS.
YOU ARE READING
Codebreakers: The Detective and the Hacker (Cipher Chronicles 1)
Mystery / ThrillerIn Cagayan Valley, known as the Land of Smiling Beauty, where progress meets a shadowy underworld, an unlikely partnership took shape. A detective and a hacker, brought together by chance, would soon become a team to be reckoned with. Their story wa...
