Svetlana

          “Ma...” napalunok ako. Sa tuwing nakikita ko si mama, naaalala ko ang nakita ko sa litratong iyon, ang paghihirap at kahinaan sa kaniyang mukha. Kahit na masama ang turing at tingin nila sa aking ina, sa mata naming magkapatid, siya ang pinaka the best na magulang. Lalo pa at mag-isa siyang nagtataguyod sa aming magkapatid. Mataray si mama sa iba, hindi ka niya uurungan pag inumpisahan mo siya. Pero para kaming mag-ate pag nag-usap. Lalo na pag naninira ng tao. Aba'y magkasundo kami dyan!

Tumigil siya sa pagplantsa at nakakunot ang noong tumingin sa akin. Nagtatanong. Mahigpit akong kumapit sa laylayan ng aking damit.

Umayos ka svet. Hindi ganiyan ang tingin sa'yo ni mama. You need to be strong and act normal! Pumikit ako at saka huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Pagmulat ng mga mata ko magkasalubong na kilay ang bumungad sa akin.

“Ano na namang ginawa mo ngayon set?” salubong ang kilay na tanong niya. Parang gusto kong ngumiti ngunit pinigilan ko sa pagnguso. Lalo na at tinawag niya ako sa nickname na iyon.

“Baka matagalan akong uuwi ulit bukas ma, doon muna kami sa school kasama ulit ang mga kaklase ko,” pinagalitan niya kasi ako kahapon. Kay haba-habang sermon ang inabot ko dulot nang late akong umuwi kahapon dahil nga tinapos namin ang kaso at hindi nagpaalam sa kaniya.

Buti at naka isip ako ng paraan. Gumawa ako ng palusot. At buti nalang pinagkakatiwalaan ako ni mama at alam niyang hindi ako gagawa ng masama na hindi ko ikabubuti. Kung alam niya lang talaga kung ano ang mga pinanggagawa ko sa buhay. Baka pag nalaman niyang nagtatrabaho ako bilang isang hacker ay baka mahimatay pa ito sa gulat at nerbyos. I know this is illegal. But its still helping right? Tsaka nagkakapera naman ako rito.

Tanga, illegal parin iyon.

“At anong oras ang uwi?” tumaas ang isang kilay niya sa pagtatanong. Nakapameywang ang kaliwang kamay habang hawak naman ang plantsa sa kabila. Ang taray niya talaga tingnan.

“Uh... Past 8?” sa totoo lang ay hindi ko alam, hindi ko pa naman alam kung ano ang pag-uusapan namin bukas.

Nakataas ang isang kilay at mataray akong pinagmasdan ni mama. Kimi akong ngumiti. Pagkatapos ay bumuntong hininga siya saka pinagpatuloy ang pamamalantsa.

“Bahala ka nga.” napangiti ako sa sagot niya at akmang yayakapin siya ng inangat niya ang plantsa at iniharap sakin ng may nagbabantang tingin. Napatawa ako roon.

“Pst. May kopya ka nung PerDev?” kumamot ako sa ulo. Absent ako kahapon, at ngayon ay may surprise quiz ang teacher namin. Nice. Saktong sakto ah?

“Bakit wala ka kahapon?” inilahad nito sa akin ang kaniyang notebook. Malapit nang matapos ang oras sa subject na ito at maya-maya'y yung teacher na namin sa Personal Development ang papasok. Wala akong nareview! Wala naman kasi ako kahapon!

“Nakareview kana?” sa halip ay tanong ko.

Mabuti nalang at katabi ko siya, kung hindi ay wala na naman akong maisasagot mamaya. Tumango naman ito sa akin at tumahimik na.

Abala ako sa pagmememorized ng magsalita siya habang nakahalumbaba sa kaniyang arm chair.

“Alam mo ba kung bakit nagkaganon si josh?” natigil ako sa pagngatngat ng dulo ng ballpen ko at napunta ang tingin sa kaniya.

Did he just asked me what happened yesterday?

“Nakagat daw ng aso diba?” i almost scoffed! Buti at pinigilan ko, kung hindi ay baka magtataka siya kung bakit ganoon ang reaksyon ko. I know him, he's like ZhiLei, parang imbestigador ang ugali.

Codebreakers: The Detective and the Hacker (Cipher Chronicles 1)Where stories live. Discover now