Svetlana
“Did you sleep?” bungad ng nagkakapeng purple-eyed guy habang hawak ang isang dyaryo at nakadekwatro pa. Lantang gulay akong umupo sa upuan ko, saka idinikdik ang ulo sa mesa. Napagdesisyunan kong huwag na munang pumasok sa mga subject ko ngayong umaga dahil hindi na talaga kaya ng diwa ko. Late na rin naman ako, kaya anong mapapala ko? Sobrang aga ko para sa susunod na subject.
“Hindi,” walang gana kong sagot, halos pabulong na iyon. Paano ba naman, hindi ako nakatulog kakaisip at kakasubok resolbahin ang nangyari kagabi—hanggang ngayon, hindi ko pa rin natutuldukan. Magaling siya. Pero hindi na siya ulit makakapasok sa systems ko. Kailangan niya munang humarap sa mga patibong at mas pinahigpit na security systems ko.
Sisiguraduhin kong malalaman ko rin ang nasa likod ng GhostCipher na ito. Naaalala ko pa ang mga un-decrypted niyang salita kagabi.
‘What do you want from me?’
Alam kong hindi ito basta basta hacker lamang na pumapasok sa mga systems ng kahit na sino. Alam kong may alam ito sa akin na habang maaga pa ay dapat ko nang malaman. Sa mga salita niya pa lamang, mukhang kilalang kilala na ako nito.
‘In a world of shadows, trust no one but yourself. Look deeper, but don’t let the shadows consume you.’
Kumunot ang noo ko roon. Anong ibig niyang sabihin? May alam ba talaga siya? This is so frustrating! This makes me sick! But at the same time, it’s exciting! Sa ilang taon kong pag-eexplore sa digital domain, ngayon lang ako nakaencounter ng hacker hacking a hacker. But the fact that it seems like he, she, or they know me, while I don’t know a single thing about them, is frustrating! They’re good, which makes it even more frustrating! Hindi ito simpleng hacker na nag-eenjoy lang manggulo. May layunin siya, may gustong iparating.
Napatitig akong muli sa screen ng laptop ko, ang mga daliri ko’y nanginginig sa anticipation.
‘Meet me here: 51.5074° N, 0.1278° W.’
Napamulagat ako. Ang coordinates na iyon ay para sa London—isang lugar na libo-libong kilometro ang layo mula sa kinaroroonan ko. Gago? Anong gagawin ko sa london?! Ang layo layo non!
‘What’s in London?’
‘It’s where everything began. If you want answers, come find me there. But remember, every truth comes with a price.’
Where everything began? Began? Anong nag-umpisa? Anong naumpisahan? Tangina! Ito yung ayaw na ayaw kong code! Papupuntahin niya ako sa london para malaman ang kasagutan? Ng ano? At sa tingin niya maniniwala ako sa kaniya? Kingina naman o!
‘Remember, the deeper you go, the darker it gets. Don’t say I didn’t warn you... cictre.’
At mas lalong hindi ako pinatulog noong last word na binanggit niya. They know me! They really know me! Am i really not that good enough to hide my identity? Sana lang ay hindi niya alam ang totoo kong pangalan. Damn! Ang dami dami nang nangyayari ngayon.
“What happened to you? You look...” bagot akong lumingon sa kaniya na pinagmamasdan ako ng may nakangiwing ekspresyon. “...tragic comedy,”
Ako naman ang napangiwi at muling dumukdok sa mesa. Tragic na nga comedy pa? Funny contradictions.
“Aren't you going to attend your classes?” tumayo siya at itinupi ang binabasang newspaper. Umiling lang ako habang nakadukdok. Trying to sleep. Buti nalang at dito ko naisipang dumeretso para hindi ako makita nung masungit na librarian habang natutulog ako at on going pa ang klase. Siguradong suspensyon ang abot ko kapag nagkataon.
YOU ARE READING
Codebreakers: The Detective and the Hacker (Cipher Chronicles 1)
Mystery / ThrillerIn Cagayan Valley, known as the Land of Smiling Beauty, where progress meets a shadowy underworld, an unlikely partnership took shape. A detective and a hacker, brought together by chance, would soon become a team to be reckoned with. Their story wa...
