Svetlana
Tulala ako habang naglalakad pauwi. Hindi matanggal sa isip ko ang nangyari kanina. First, that purple eyed guy knows me, he knows my code name i used to use for my hacking work. Second, that purple eyed guy is a detective. I mean he's still young for that? And third, he wants me to join forces with him. Ang daming tanong ang naghahalo-halo ngayon sa isip ko. Ni hindi ko na natapos pa ang trabaho kong paghahanap sa culprit kanina dahil sa biglaan niyang paglitaw.
The weird eyed guy just asked me—no, not asked. He is blackmailing me! I know. Hindi na bago iyan sa panahong ito. Why did he need to say my codename, kung wala siyang balak na iblackmail ako? Kumuyom ang kamao ko. That detective guy is getting into my nerves.
“Ate!” nabalik ako sa ulirat noong marinig ang boses ng kapatid ko.
Masaya itong kumakain ng iba't-ibang klase ng pagkain sa mesa ng bahay. Hindi ko namalayang nakarating na pala ako. Mula sa nakangiting kapatid ko ay nalipat ang tingin ko sa kaniyang kaharap. Ngumiti ito sa akin.
“Ate...” isang taon ang tanda ko sa kaniya.
Nilibot ko ng tingin ang bahay, sakaling makita si mama rito, pero hindi ko siya nakita kahit ang anino niya. Kumunot ang noo ko at napatinging muli sa dalawang lalaking kumakain. Walang arte-arteng nakaupo si sven sa aming bankong kahoy at kinakamay ang mga pagkain sa mesa gaya ni khail.
“Magmeryenda ka muna 'te, nasa tindahan si mama, bibili 'raw ng maiinom. Nakalimutan ko kasing bumili.” napakamot ito sa kaniyang batok. Inilahad niya ang mga pagkaing dala niya. Iba't-ibang klase ito, may tatlong karton pa ng grocery sa lapag.
I smiled at him. Lumapit ako sa kanila at ginulo ang kanilang buhok. Sumimangot si khail habang nakangiti naman si sven.
“Sven, buti nakadalaw ka, at saka ba't nag-abala ka na naman?” kunot-noo ko sa mga binili niya.
“Pag nalaman 'to ng mommy mo, malilintikan tayo.”
“Hindi 'yan ate. Huwag mo nalang pansinin iyon, i got it.”
Dumating si mama na may dalang dalawang 1.5 na softdrinks. Naglahad ng pambayad si sven pero tinanggihan niya lamang ito.
“Naku kang bata ka, ikaw nga 'tong bisita, ikaw pa itong magpapameryenda.” sermon ni mama rito.
Kumuha ako ng slice bread at pinalamanan ito. “Buti at pinayagan kang pumarito, sven?”
“Hindi ate, kasi hindi naman ako nagpaalam.” natatawang sagot pa nito. Sumingkit ang mga mata ko sa kaniya.
“At saka wala naman sina daddy at mommy.” napatigil ako sa pagnguya.
“Bakit? Nasaan sila?” naunahang tanong ni khail.
“Out of the country. They say they have projects to look after. I don't know.” kibit-balikat nito.
May nilapag itong papel sa aking harapan. Kinuha ko ito at kunot-noong pinagmasdan. Iba't-ibang kaso ng mga pagkamatay, iba't-ibang pangyayari pero pare-pareho ang dahilan.
They're not in their right or proper mind.
Ano ang mga 'to? Nakahithit ng droga?
YOU ARE READING
Codebreakers: The Detective and the Hacker (Cipher Chronicles 1)
Mystery / ThrillerIn Cagayan Valley, known as the Land of Smiling Beauty, where progress meets a shadowy underworld, an unlikely partnership took shape. A detective and a hacker, brought together by chance, would soon become a team to be reckoned with. Their story wa...
