TRIGGER WARNING‼️ TRIGGER WARNING‼️BEWARE‼️
• • •
Svetlana
Nauna akong pumunta ng secret room niya habang siya'y may dadaanan lang 'daw muna. Hindi na ako nagtanong kung ano at saan, nauna na lamang akong naglakad papuntang library. Naghanap muna ako ng mga magugustuhang babasahin at saka isinama sa kanyang opisina. Ginaya ko ang ginagawa niya sa tuwing pumupunta kami rito. Hinila ko ang wall lamp na makaluma at nakadisplay sa pader. Kakaiba talaga mag-isip ang isang iyon. Napailing ako't hinitay na magpakita ang isang biometric technology at iniscan ang thumb ko roon.
Binigyan ako ng access ni lei na pumasok rito. Pinascan niya ang aking fingerprint para may access kapag gusto kong pumasok. Nang ma-scan nito ang aking hinlalaki ay umilaw ito ng kulay green at saka unti-unting bumukas ng tahimik. I look around, sinisiguradong walang makakakita sa akin. Mabilis akong pumasok noong wala. Nasa pinaka dulo naman ang pwesto nito at wala masyadong pumupunta sa gawi na ito dahil sa madilim at nakakatakot na awra.
Pagpasok ko'y agad kong ibinaba ang laptop at mga libro sa kaniyang mahabang lamesa. Nilagyan niya na rin ako ng sariling mesa sa isang gilid, kaharap ng lamesa niya. Umunat ako pero napatigil sa ere ang mga kamay noong makita kung ano ang nasa lamesa ko. Napakunot ang noo ko. Computer? Cpu? Monitor? Keyboard? Mouse? And there's also a printer!
Dali-dali akong lumapit roon. Kanino ito? At bakit nasa aking lamesa? Tsaka bagong-bago pa 'to ah? May mga plastic wrap pa!
Napalingon ako sa may pinto nang marinig na bumukas ang pinto. It was lei. Boredly came in. Niluwagan nito ang school necktie at tinaggal ang vest na ipinatong lang sa sandalan ng kaniyang upuan bago umupo sa kaniyang upuan. Sinulyapan pa nito ang mga dala kong libro na naroon sa mahabang lamesa.
“Lei, kanino 'to?” nagtatakang tanong ko.
Lumingon lang siya sa gawi ko bago ulit nilingon ang kaniyang computer. Binuksan niya ito bago nagtitipa.
“It's for you.” napanganga ako.
Sa akin ito?! Matagal nakong nangarap magkaroon ng sariling PC set up! I mean—my laptop is ok, pero iba parin talaga pag personal computer na ang gagamitan ko sa mga hacking at programming activities! This is good! Napangiti ako sa kaniya.
“Thank you lei,” buong puso kong pasasalamat. Sumulyap lang siya saglit sakin bago ulit lumingon sa kaniyang computer. Hindi na ako sinagot. Napangiti parin ako at saka excited na binuksan ang pc. This is my dream!
“What course will you take on college?” nakangiti akong lumingon rito na nakasandal sa kaniyang upuan habang nakatulala sa kawalan. Napaisip ako sa tinanong niya.
“Uh... siguro I.T? Since i love exploring digital and uh... libre kasi ang tuition.” doon ko lang rin naisip ang gusto ko. Information Technology is ok naman diba? Wala naman akong ibang maisip na pangarap na kurso maliban sa nakahiligan ko.
He look back at me with his forehead creased. Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.
“Hindi ko afford and Computer Science, o Computer Engineering or any course there like Civil Engineer, Architect or anything. I guess I.T is ok with me?”
Mahal ang tuition fee sa mga yan para sa aming walang kaya sa buhay. I am a first daughter of Vice Mayor Dmitri Lavigne but i don't have the power to get what i want, to do what i want or whatever that power is, unlike lei who are with his complete family.
“Ikaw?”
Ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Akala ko hindi na niya sasagutin iyon kaya pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko noong magsalita siya.
YOU ARE READING
Codebreakers: The Detective and the Hacker (Cipher Chronicles 1)
Mystery / ThrillerIn Cagayan Valley, known as the Land of Smiling Beauty, where progress meets a shadowy underworld, an unlikely partnership took shape. A detective and a hacker, brought together by chance, would soon become a team to be reckoned with. Their story wa...
