Pagkatapos ng klase ay kaagad kong kinuha ang bag ko at naglakad pauwi. I put my earbuds in, played a random song, and focused on walking home. I was minding my own business when I suddenly felt a hand grab my arm.

Napatingin ako sa kamay na pumigil sa akin, then my eyes slowly trailed up, from the hand to the face of the person it belonged to.

Great. It's her. My annoying classmate who thinks hitting strangers is okay and doesn't even know how to apologize. What's her name again? Starts with an "L," right? Ugh. Whatever. I don't care enough to remember her name.

I shrugged off her hand and turned away, ready to leave. But before I could take another step, naramdaman ko ulit ang kamay niya sa braso ko. My brows furrowed, and I turned back to face her, irritation clear on my face. Tinanggal ko ang earbuds ko at inis siyang tinanong, "What?"

What does she want from me? If I remember correctly, we're not close. Heck, I ignored her earlier when she tried to introduce herself, so why is she clinging to me now?

Humugot siya ng malalim na paghinga bago ibinuka ang bibig. "I need your help," sabi niya gamit ang seryosong boses.

Tinaasan ko siya ng kilay at muling inalis ang pagkakahawak niya sa akin. "Just ask someone else," sabi ko at muling tatalikod na sana pero napahinto ako dahil sa sinabi niya.

"This is urgent!" Sabi niya and I could hear the desperation in her voice. Tinignan ko ang mga mata niya na parang nagmamakaawa sa akin.

She must really need help to ask me, of all people. I mean, if I were in her position, I wouldn't bother asking the guy who blatantly ignored me. But it looks like she doesn't have any other choice, so here we are.

Napabuntong hininga ako bago inilagay sa bulsa ang earbuds na hawak at itinuon ang buong atensyon sa kanya.

"What can I help you with?" Tanong ko na ikinaliwanag ng mukha niya. Namuo ang isang ngiti sa mga labi niya na nagpakabog ng malakas sa tibok ng puso ko.

I'm probably going to regret thinking this, but... why does she look so beautiful right now?

Habang nakatulala ako sa nakangiti niyang mukha ay walang sabi niya akong hinila papunta sa kung saan. I didn't protest. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa tumigil kami sa harapan ng isang shop.

Kumunot ang noo ko. "What are we doing here?" I asked, though she didn't answer.

I glanced around, taking in the shop's colorful display. It looked like a souvenir shop, but I couldn't figure out what she needed from here. My eyes landed on a stand outside the shop, and I read the sign on it.

Get your limited-edition My Melody straps when you buy a CD! Only couples are allowed to get these straps, so what are you waiting for? Get them now!

Wait... is this what I think it is?

Before I could say anything, hinila niya ulit ako papasok sa shop. I didn't even have a chance to protest. Whatever this is, it looks like I'm getting dragged into it whether I like it or not.

"Hi, good afternoon! How may I help you?" Bati ng babae sa counter habang nakangiti.

Binitiwan ako ng babaeng kasama ko at agad na lumapit sa counter. "I'd like to get the My Melody straps. I want to purchase a CD," sabi niya nang walang alinlangan.

I fucking knew it. This is her emergency. She tricked me.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi niya kita, sabay talikod para umalis. This is beyond ridiculous. I don't have time for this nonsense.

"Um... you can't get those straps if you're alone," narinig kong sabi ng babae sa counter. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, pilit binabalewala ang narinig ko, hanggang sa bigla na namang may humila sa braso ko.

"What?" halos singhal ko sa kanya nang lumingon ako.

"I thought you were going to help me?" tanong niya na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

Huminga ako ng malalim, pilit pinapakalma ang sarili ko. She's really testing my patience. "This is not something urgent. Go and get someone else to help you," sabi ko nang mahinahon, kahit gusto ko na siyang sigawan.

Akala ko ay titigil na siya. Pero hindi. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa braso ko, at saka tumingin sa akin gamit ang tinatawag nilang "beautiful eyes."

Gross. If she thinks that's going to work on me, she's sorely mistaken. Maybe, just maybe, if I wasn't already annoyed by her, it might've worked. But right now? No chance. Nakakadalawa na siya. Una ay hindi siya nagsorry sa ginawa niya sa akin tapos ito naman. She tricked me into coming here.

Tinignan ko siya na parang nandidiri, dahilan para sumimangot siya. "Sige na, Wynther. Help me just this once," sabi niya nang mapansin niyang hindi ako magpapaapekto sa ginagawa niya.

"Please, Wynther," dagdag niya nang hindi pa din ako nagpatinag. Napatingin ako sa babae sa counter, at kitang-kita ko sa mga mata nito ang pagdududa. Malamang ay nahalata niya ng hindi talaga kami magkasintahan nitong nakakainis na babae na 'to. Well, I don't really care.

Ibinalik ko ang tingin sa babaeng nakakapit pa din sa braso ko. Her grip was firm, and her eyes told me she wasn't planning on letting go anytime soon. She's stubborn.

Napabuntong hininga ako. "Fine," wala sa loob kong sagot. Alam kong hindi kami matatapos dito hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. So, the faster we finish this, the faster I can go home.

Biglang lumiwanag ang mukha niya, kagaya nang kanina, at muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko. What the hell is wrong with me? May mali ba sa puso ko? I might need it to be checked because there's no way I'd be attracted to this annoying girl.

Muli kaming lumapit sa babae sa counter, at halatang napansin ng kasama ko ang pagdududa nito. Kaya naman, bago pa ito magsalita, ipinulupot niya ang mga braso niya sa braso ko, at mas idinikit pa ang katawan niya doon.

Medyo nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat, pero hindi ko masyadong ipinahalata. The woman at the counter was watching us like a hawk.

Gusto ko mang tanggalin ang braso ko mula sa pagkakayakap ng babaeng kasama ko, hindi ko magawa dahil sa higpit ng yakap niya. Matapos kaming pagmasdan ng babae sa counter, sa wakas ay pinagbigyan niya ang kasama ko.

Nang makuha niya na ang pinaka-aasam niya ay mabilis akong lumabas at nauna na.

Shit. I can't believe I just pretended to be that girl's boyfriend for some cartoon straps. Of all the ridiculous things I've done in my life, this one tops the list.

"Wynther!" Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang high-pitched voice niya. Napakunot ako ng noo at bumaling sa kanya. Nakita ko siyang mabilis na tumatakbo papunta sa akin.

Nang huminto siya sa harapan ko ay kaagad niyang inabot ang isang strap na may kulay itim. "This is yours," sabi niya habang nakangiti.

Tinitigan ko lang ang strap na iniaabot niya at walang sabi-sabing tumalikod. Pero hindi siya nagpatinag. Sumabay siya sa akin sa paglalakad, pilit pa din inaabot ang strap sa akin.

"I don't need it," malamig kong sagot. Pero hindi pa din siya tumigil. Tumigil kami pareho, at nagsukatan ng tingin.

"It's for helping me," sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Alin ba sa ayoko ang hindi niya maintindihan? Masyado siyang makulit, and I hate people like that.

Bago pa ako makapagsalita ng kung ano ay muli ko siyang tinalikuran at nagmadaling umalis. Thankfully, this time, she didn't follow.

Pero bago ako tuluyang mawala sa paningin niya, narinig ko ang sigaw niyang nagpaiiling sa akin.

"Ang sungit mo talaga, Wynther!"

Strings of MemoryWhere stories live. Discover now