Habang naghihintay, hindi ko maiwasang balikan ang mga nakasulat na salita.

To the guardians of secrets and seekers of truth in a world of shadows.

Parang isang palaisipan o babala mula sa taong may alam ng mga bagay na hindi ko nais ipaalam kahit kanino. Binalikan ko sa isip ang bawat detalye ng aking blog, ang bawat impormasyon na maaaring ikompromiso. Wala naman akong naiisip na maaaring maging dahilan para siya’y maghinala sa akin. Pero paano kung kilala niya talaga ako? O, mas masahol pa, paano kung alam niya ang tunay kong pagkatao?

Nang biglang bumalik ang pop-up window sa screen ko, iba na ang nakasulat:

‘It seems you’re prepared. But are you ready to lose everything?’

Nanlamig ang buo kong katawan. Muli kong sinuri ang bawat system alert, at doon ko napansing may naka-log na kakaibang IP address sa network activity ko. Tumibok nang mabilis ang puso ko habang sinusubaybayan ang IP trace. Hindi ito isang pangkaraniwang IP. Mukhang gumagamit siya ng VPN at patuloy na nagpapalit ng lokasyon.

Nagsimula akong mag-type ng mga code, naglalagay ng karagdagang firewall, at nag-adjust ng mga settings para i-trace ang bawat hakbang niya. Ngunit alam kong hindi iyon magiging sapat. Mukhang mahusay siya. Habang sinusubukan kong hanapin ang lokasyon niya, patuloy na nagbabago ang IP address niya, para bang naglalaro kami ng habulan sa isang masalimuot na laberinto.

At sa gitna ng labanan, dumating ang isang bagong mensahe.

‘If you want answers, meet me in the deep web—if you dare.’

Natigilan ako. Damn!

Ang lahat ng ito’y parang isang laro ng pusa’t daga, ngunit hindi ko alam kung sino sa amin ang tunay na pusa o ang tunay na daga. Nakatutok lang ako sa screen, napapaisip kung dapat ko ba siyang sundan o kung ito ay isa lamang bitag para sa akin.

Huminga ako nang malalim, binabalanse ang kaba at excitement na nararamdaman ko. Tila ako nasa isang larong hindi ko inaasahang mapasok, ngunit sa mundo ng mga hacker o hacking, hindi mo rin maiiwasan ang ganitong uri ng laban. Iniisip ko kung sino siya—at kung anong intensyon niya. Kung totoo ngang gusto niya akong dalhin sa “deep web,” marahil may alam siyang higit pa kaysa sa inaakala ko. Pero sino siya? At ano ang gusto niyang makuha?

Pinag-isipan ko ang mga susunod kong hakbang. Pumasok sa isip ko ang lahat ng posibleng patibong na pwede niyang ihanda sa likod ng imbitasyong iyon. Pero, alam kong hindi rin magiging sapat ang magtago lamang. Kailangan kong malaman ang motibo niya at kung anong tunay niyang plano. Kailangan kong patunayan na ako’y handang makipagsabayan. Kailangan kong malaman kung may kinalaman ba ito sa organisasyong iyon.

Binuksan ko ang Tor browser at pumasok sa isang secure na network gamit ang sarili kong protektadong setup. Naglagay ako ng mga karagdagang encryption layers para maprotektahan ang sarili sa anumang hindi inaasahang pag-atake. Sinimulan kong maghanap ng mga kilalang forum at dark web chat rooms kung saan karaniwang nagtatagpo ang mga kagaya namin.

Habang nagba-browse ako, dumating ang isa pang mensahe, pero hindi ito sa karaniwang window, dumiretso ito sa isa sa mga secured chat rooms na alam kong kakaunti lang ang nakakaalam.

‘Welcome to the game. Let’s see if you’re as skilled as they say.’

Shit! Magaling siya! Alam niya kung saan ako pupunta! Kahit pa naka-encrypt at secure ang network na ginagamit ko. Maya maya'y nagpop up ang mga susunod niyang mensahe.

‘Follow the white rabbit, if you want the truth.’

Parang isang palatandaan. Inilagay ko ang phrase na iyon sa isang search sa loob ng dark web. Lumabas ang isang serye ng mga links na naka-encode, pero may isa na tumatawag ng pansin ko—isang simpleng site na walang logo o kahit anong disenyo, kundi isang login screen lamang.

Sinubukan kong maglagay ng random credentials, at bumukas ang isang chat window. Doon, isang username na “GhostCipher” ang nagpop up.

‘Welcome. You have questions. I have answers. But first, prove that you are worthy of them.’

Napalunok ako. Mukhang hindi na ito basta laro lang.

• • •

WARNING: THE HACKER SERIES (CIPHER CHRONICLES) I HAVE WRITTEN IS NOT INTENDED TO PROMOTE OR GLORIFY HACKING IN ANY WAY. INSTEAD, IT AIMS TO EXPLORE THE FASCINATING WORLD OF TECHNOLOGY, SOLVING MYSTERIES, AND SHARING KNOWLEDGE THROUGH A LENS THAT MAY INVOLVE HACKING ELEMENTS.

WARNING‼️‼️

• The deep web includes all online content not indexed by standard search engines, such as private databases, subscription-based content, confidential information, and corporate intranets. It is often hidden behind logins or paywalls, making it inaccessible to the general public without permission. Unlike the dark web, which is a small, encrypted part of the deep web requiring special browsers, the deep web primarily consists of everyday sites that are simply not publicly searchable.

• The dark web is a hidden part of the internet that’s only accessible through specialized browsers like Tor, designed to provide anonymity and privacy. It’s a subset of the deep web, but unlike general deep web content, it’s intentionally concealed and often encrypted. People use the dark web for various purposes, including privacy-focused communication, journalism, and activism, as well as for illicit activities. While it has a reputation for illegal marketplaces, it also serves as a platform for those needing enhanced privacy due to censorship or security concerns.

• Similarities and Differences - The deep web and dark web both contain content that isn’t accessible through standard search engines, focusing on privacy and restricted access. The deep web includes everyday private information, like emails or subscription-only content, accessible through logins or paywalls on regular browsers. In contrast, the dark web is a hidden subset requiring special browsers, like Tor, to access encrypted sites. While the deep web mainly holds legitimate, private content, the dark web hosts anonymous sites for various purposes, including privacy-conscious communication and, at times, illicit activities.

Please read responsibly!

Codebreakers: The Detective and the Hacker (Cipher Chronicles 1)Where stories live. Discover now