Nakanganga ako habang pinagmamasdan silang magsalita ng ibang lengwahe. Wala nang mababakas na kalituhan sa itsura ni neid ngayon, tila naintidihan ang lengwahe. Seryoso na ngayon ito at pinagmamasdan din ang mga lalaki na ngayo'y kausap ni lei.
“Why?” nilingon niya si neid nang tanungin niya iyon sa mga lalaki.
Hindi nagsalita si neid. “His father and your father ordered us to fetch you, that's what they ordered, second. We do not know the reason why,”
“My... Father?” doon lang ata natauhan si neid.
Nahihilo na ako sa pabalik balik na paglingon sa kanila. Kung ganon... Magkakilala si neid at lei? Anak ba si neid ng isang opisyales? Kailangan ko atang magresearch mamaya!
“Yes.” umalis ang isang lalaki habang hawak ang selpon na nakatutok sa kaniyang tenga.
“Wanna ride with us?” lei face me and ask me with his serious expression.
Pero...
Ano bang nangyayari?! Kanina, hinahanap ko si neid kasi siya iyong isa sa mga next subject! Akala ko kasama ang mga lalaking ito sa secret organisasyon na iyon pero mga tauhan lang pala ng mayor! Kainis, napagod pa ako sa pagtatakbo.
“W-wag na... May bibilhin pa kasi ako,” napapahiyang tanggi ko. Hayst! Saka ko na nga iisipin iyong secret organisasyon na iyon! Mukhang safe naman si neid kila lei ngayon.
“To the guardians of secrets and seekers of truth in a world of shadows.”
Nangunot ang noo ko nang mabasa ang mga salitang iyon. Katatapos ko lang maghugas ng katawan at handa na sa pagtulog suot ang aking paboritong pajama ng naisapan kong bisitahin ang blog ko. Bigla bigla nalang nag pop up ang windows na iyon sa laptop ko kung kaya't natigilan ako. I didn't open my wifi hotspot kaya alam kong hindi iyon isang ads. Sumeryoso ang aking tingin habang pinagmamasdan ang nakasulat roon.
Someone hacked my system.
I checked my camera first before starting to type codes on my laptop. Mukhang wala itong intensyong sakupin ng buo ang system ng laptop ko at ginawa lang iyon, siguro upang pagbantaan ako. Hindi din naman basta basta nasasakop ng mga hackers ang laptop ko dahil mahigpit ang mga inilagay kong sekyuridad. Did they just threaten me? Did they know me? Did they know that i am working in the shadows? Kasali ba sila sa organisasyong iyon?
Wala namang katuloy ang mga salitang iyon at wala namang kakaiba maliban lang sa nag pop up na windows na 'yon. Binuksan ko ang hotspot ng selpon ko tsaka ang wifi ng laptop ko para sana buksan ang blog ko. I double check my systems security at mas tinatagan pa ito. Tiningnan ko na rin kung may mga files bang nawala. Nag set-up ako ng trap system para mahuli ang hacker kung sakaling bumalik siya. Nilagay ko ang ilang bait-and-trap codes sa system, na parang mga bitag sa kagubatan, may mga decoy files na mukhang mahalaga, at may mga alert programs na magtutugon sa kahit anong kakaibang kilos. Nilagay ko rin ang isang keylogger at activity tracker para masubaybayan ang bawat galaw sa system ko.
Kung sino man siya, gusto kong malaman kung anong level ng kaalaman ang meron siya at kung anong intensyon. Kung may makuha siyang information mula sa akin, ang ibig sabihin noon ay marunong siyang umiwas sa mga inilagay kong bitag. Ngunit kung mahuhuli siya, malalaman ko rin kung ano ang plano niya, at masusubaybayan ko siya sa susunod.
Pagkatapos kong mag-set up ng trap system, tahimik akong huminga ng malalim. Para akong isang hunter na naghihintay sa isang potensyal na biktima—nagbabantay, alerto, at nakahanda sa anumang magiging susunod niyang hakbang.
Naghintay ako, ang mga mata ko’y nakatutok sa bawat notification at alert sa screen ng laptop ko. Bawat minuto ay tila mas humahaba, bawat tunog ng alert ay parang patibong na nakadadagdag sa kaba ko.
YOU ARE READING
Codebreakers: The Detective and the Hacker (Cipher Chronicles 1)
Mystery / ThrillerIn Cagayan Valley, known as the Land of Smiling Beauty, where progress meets a shadowy underworld, an unlikely partnership took shape. A detective and a hacker, brought together by chance, would soon become a team to be reckoned with. Their story wa...
