Damn!
“Paano...” tumingin akong muli sa litrato niya. Neid...
Agad akong tumayo na siyang ikinagulat niya. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay mabilis na akong tumakbo palabas sa kaniyang opisina. Dinig ko pang tinatawag niya ako ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Damn! Neid!
Uwian na, kanina pa kaya siya nakauwi? Shit! Bakit siya nasali rito? May alam ba siya sa organisasyong ito? O baka sangkot ang pamilya niya rito? Hindi ko maalalang anak siya ng isa sa mga opisyales.
Nang matanaw ko na ang classroom ay walang ano ano akong pumasok roon. Wala na ang mga kaklase ko! Umuwi na kaya 'yon?
“Nika, nakita mo si neid?” hablot ko sa isang kaklase ko noong makita ko siya sa labas. Kunot noo ako nitong nilingon, tila nagtataka sa itsura ko.
“Neid? Hindi. Umuwi na siguro.” damnit!
“Neid!” patakbo akong lumapit sa kaniya na may kausap na mga armadong lalaki. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanila. Sa itsura ni neid mukhang hindi niya kilala ang mga lalaking kausap.
Napatingin silang lahat sa akin ng tumigil ako sa kanilang harapan atsaka humingal habang hawak hawak ang aking tuhod at hinahabol ang hininga. Hindi sila nakapagsalita at pinagmamasdan akong habulin ang hininga ko. Shete, nasobrahan ako sa pagtakbo!
“Set? why are you running?” nabaling ang nagtatakang tingin ni neid sa akin.
Nang sa wakas ay kumalma na ako ay tumayo ako ng maayos at nilingon ang mga armadong lalaki bago nilingon si neid na nagtataka paring nakatingin sa akin.
“Nandito ka lang pala... kanina pa kita hinahanap, akala ko iniwan mo na ako.” kumunot ang noo nito sakin. Nagtataka sa inaasal ko.
Lumapit ako sa kaniya at hinigit siya sa braso. Nilingon ko pa ang mga armadong lalaki na matalim na ang tingin ngayon sa akin, ngumiti ako ng matamis. Nasa apat silang lalaki, malalaki ang katawan at mababakas ang purong kaseryosohan sa kanilang mga awra, nasulyapan ko pa ang isang itim na van sa kabilang bahagi ng kalsada, may mga lalaki rin roon, hula ko ay kasama ng mga lalaking kaharap namin ngayon dahil kahit na nakashades ay kitang kita ang pagsusulyap nito sa pwesto namin. Kinabahan ako.
Ano ba itong pinasok mo, svet?!
“Sino sila?” kunwaring tanong ko kay neid habang nakakunot pa ang aking noo.
Naguguluhan parin itong nilingon sila. “Ewan, they said i need to come with them though i don't know why?”
Cold breeze run through my system. Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi ni lei?! Shit!
“You need to come with us, its an order from the—”
“Baltazar.” hindi natapos nung lalaki ang sasabihin noong may pamilyar na boses na nagsalita mula sa aming likuran. Agad na tumayo ng tuwid ang mga lalaki noong masulyapan iyon. Gumilid ang ulo ko sa pagtataka.
“Vo-vtorykh, dobryy den,” nanlaki ang mga mata ko nang bigla silang yumuko kay lei.
Huwag mong sabihing—
“What are you doing here...” nagsimula itong naglakad habang ang mga kamay ay nasa magkabilang bulsa ng uniform pants niya.
—mga bodyguards ng mayor itong mga 'to?
Umangat ang tingin nila matapos magsalitang muli si lei na nasa tabi ko na ngayon at kalmadong pinagmamasdan ang mga armadong lalaki.
“My zdes', chtoby zabrat' tebya i tvoyego druga.” we are here to fetch you and your friend.
BINABASA MO ANG
Codebreakers: The Detective and the Hacker (Cipher Chronicles 1)
Mystery / ThrillerIn Cagayan Valley, known as the Land of Smiling Beauty, where progress meets a shadowy underworld, an unlikely partnership took shape. A detective and a hacker, brought together by chance, would soon become a team to be reckoned with. Their story wa...
