C11: Know thyself.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala kang pake. Kaya kung pwede ba maam, umalis ka rito at wag kang mangialam?" pagtataray niya sa akin. Agad akong nakaramdam ng inis. Aba, kung makasagot to ah? Magsesermon sana ako nang biglaang nagsalita si Clyde,

"Pasensiya na maam, babalik na kami sa klase." Hinatak niya ang kasama niya pabalik sa High school building. Nakahinga ako nang maluwag. Sa totoo lang, hindi ko kaya ang mga batang ito. Masyado silang matatapang pero kahit papano,  naaawa ako sa kanila. Ilan na ang namamatay sa klase at ako, bilang adviser ay walang magawa kung hindi sumunod lang nang sumunod sa nasa itaas ng Academy na ito.

Paano ba ako makakatulong sa kanila?

Dederetso sana ako sa lumang library nang naalala ko bigla si nurse Tin. Marami raw siyang sasabihin sa akin. Bumalik ako sa high school building kung nasaan ang clinic. Hindi na ako kumatok at pumasok na lang nang biglaan dahil alam ko namang walang ganoong tao sa clinic sa ganitong oras.

"Ikaw pala, Ms. Maeganne." Napatigil ako at medyo nahiya dahil sa ginawa ko.

"Hindi ko alam na may bisita ka pala." Ang tangi kong nasabi nang nadatnan ko siyang nakikipag-usap sa isang lalaki na kung titignan mo ay bata pa. Nakaupo ang lalaki sa kama na nasa kaliwa  at si nurse Tin naman ay nakaupo sa katapat nitong kama.

Mukhang malapit sila sa isa't-isa.


"Ah. Siya ba, wag kang mag-alala. Napadalaw lang siya." Ngumiti si nurse Tin. Muli akong napatingin sa lalaki nang hindi rin niya maiwasang mapatingin sa akin. Tama nga ako, bata pa siya. Nakasuot siya ng puting v-neck shirt at maong na pantalon. Malaki ang posibilidad na high school student palang siya. May nakasabit na itim na headphone sa leeg niya. Ngumiti rin siya sa akin pagkatapos ng ilang minutong pagtitigan. Siguro maiikumpara ko sa isang ngiti ng anghel ang ngiti niya pati ang pagkurba ng mga mata niya. Pakiramdam ko'y gumaan ang loob ko sa pagkakita ko pa lamang ng ngiti niya.

Masyadong inosente.

"Sige, mauna na ko nurse Tin. Hinihintay na nila ako sa may parking lot." Tumayo ang lalaki at bago siya umalis ay muli niya akong ngnitian. Maaring bilang pamamaalam. Isinuot niya ang hawak hawak niyang itim na sumbrero at tuluyan niyang nilisan ang kwarto. Umupo ako sa upuan sa gilid ng kama at tumingin kay nurse Tin nang maigi.

"Ikaw ha, hindi mo sa akin sinabi na may nobyo ka palang bata." Panloloko ko sa kanya. Agad naman siyang natawa at dumiretso sa table niyang malapit sa kinauupuan ko at umupo sa malambot niyang silya roon.

"Dati siyang estudyante rito. Anong nobyo ka diyan?" Patawa pa niyang sinabi. Napatingin ulit ako sa pintuan kung saan huli kong nakita yung lalaki. Hindi ko alam ngunit parang naging interesado ako sa kanya. Parang may kakaiba sa taong iyon. Ngunit agad ko itong inalis sa isipan ko. Saka ko lang naalala muli ang sadya ko sa pagpunta rito.

"Ano nga pala yung mga sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya. Medyo nanlaki ang mga mata niya na para bang nagulat at ilang segundo ay nagbalik ito sa normal. Kakaiba ang kinikilos niya.

"Pasensiya na Ms. Maeganne pero hindi ko pala masasabi sayo ang mga yon." Tumingin siya sa relo niya bago muling nagsaita. "Ilang minuto na lang kasi at darating na si Dr. Lopez. Aasikasuhin pa namin ang mga medical records ng mga bata." Tumango tango ako saka tumayo sa kinauupuan ko.

Nakakapagtaka talaga ngunit wala na akong nagawa kundi magpaalam at umalis na sa clinic. Akala ko naman masasabi niya sa akin. Kung ano man yon, kailangan ko na talagang malaman. Pakiramdam ko, napaka-ignorante ko sa eskwelahan na ito.

Tama naman ang ginawa ko. Tama naman ang desisyon ko. Ang pumasok dito at kuhanin ang dapat na akin. Ngunit naiisip ko din, paano kung isunod na ang anak ko? Paano kung mawala si Sapphire? Nakakalungkot isipin na mawawala siya. Ni hindi ko man lang masabi sa kanya kung gaano ako nangungulila sa kanya. Kung gaano ko siya gustong lapitan at yakapin. Ngunit maaring hindi pa ngayon ang tamang oras.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon