Marahang kumatok ang staff doon sa pinto, at narinig namin ang pagtigil ng tunog na nanggagaling sa loob at kasabay nito ang pagbukas ng pinto. Bumungad sa amin ang isang babae na may blonde na buhok. Hanggang balikat niya iyon, at medyo natatakpan ng bangs niya ang kanan niyang mata. It's the band's vocalist.

"Hi," bati ni Mommy sa kanya. Nginitian siya ng babae at ibinaling ang atensyon sa loob.

"Nico, your family's here!" Sabi niya, at binuksan ng mas malaki ang pinto. Pumasok si Mommy habang hawak ang kamay ko, kaya sumunod na rin ako sa kanya.

We were greeted by a room painted with large black and gray squares. The room wasn't that big, but it wasn't small either. Musical instruments were placed in the center of the room. There was a black leather couch on the side and some big speakers.

Napatingin ako kay Daddy na ibinababa na ang hawak niyang bass. Mabilis siyang lumapit sa amin at binigyan kami ng halik ni Mommy sa pisngi.

Saglit silang nag-usap ni Mommy bago siya humarap sa mga kabanda niya.

"Guys, I know you all already know Maya so I'll skip the introductions." Sabi niya na ikinatawa ng babae na nasa harap ng keyboard. "Instead, I would like to introduce my son." Dagdag niya at naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.

"This is Wynther," pakilala niya sa akin.

Kaagad namang nagsilapitan ang mga kabanda niya sa akin at tinitigan ako. May namuong malaking ngiti sa labi ng babaeng tumawa kanina.

"Ang cute ng anak mo, Nico! I can't believe you have a son this handsome. I'm sure he'll break hearts once he grow older, just like you." Sabi niya, saka ibinaling ang atensyon niya sa akin. "Hi! I'm Tori, the keyboardist of the band." Pakilala niya at naglahad siya ng kamay na nag-aalangan kong tinanggap.

Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi niya at may parang kung anong kumislap sa mga mata niya bago siya itulak ng isang lalaking naka-salamin.

Sinamaan niya ng tingin ang tumulak sa kanya. "Hey!" Sabi niya, pero hindi siya pinansin ng lalaking ngayon ay nasa harap ko na.

"Don't mind what that girl is saying. By the way, I'm Harrison. I'm the band's guitarist." Pakilala niya sa sarili. Tinanguan ko siya at binigyan naman niya ako ng isang ngiti bago umalis sa harapan ko.

Ang sunod namang pumalit ay isang lalaking may beard. "I'm Youssef, the drummer. Pagpasensiyahan mo na ang dalawang 'yon. Huwag mo na lang sila pansinin." Sabi niya, tinutukoy ang dalawang naunang magpakilala sa akin.

Nakipagkamay siya sa akin kagaya ni Tori at umalis na sa harapan ko. Sumunod naman sa kanya ang babaeng nagbukas ng pintuan kanina. Their vocalist.

Nginitian niya ako. "I'm Tanya. I'm the vocalist of this band." Pakilala niya. "I heard you're learning the bass right now." Sabi niya, kaya napatingin ako kay Daddy na nasa tabi ko. Binigyan niya ako ng isang ngiti at tumango, kaya naman ibinaling ko ulit sa babaeng nasa harapan ko ang tingin ko.

Tinanguan ko siya na mas lalong ikinalaki ng ngiti niya. "Mind showing us your skills?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

Biglang kumabog ang puso ko dahil sa kaba. I'm not prepared for this. Nag-aalangan akong tumingin kay Daddy at ganon pa rin ang naging response niya. Isang ngiti at tango, kaya kahit kinakabahan ay binigyan ko ng isang tango ang vocalist nila.

Kinuha ni Daddy ang bass niya at iyon ang ipinagamit niya sa akin. Tumayo ako sa harapan nilang lahat habang titig na titig naman sila sa akin. All their eyes are focused on me. Their eyes looked expectant, and I couldn't help but feel almost breathless because of the way my heart was beating. It was too loud and fast.

Strings of MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon