Kabanata 34: All of these

616 19 1
                                    

"What? Jackson ano ba'ng sinasabi mo! Alam ko na mga bagay na ginagawa mo noon. Dahil lang ba sa nahihiya ka sa kagaguhan mo noon ay maglilihim ka na saakin?" hindi ko mapigilan ang pagtaasan siya ng boses habang nakaharap saakin ang likuran niya.

Babalik nanaman ba kami sa ganito? Ilang beses ko na bang na sabi sa kanya na ayos na ang lahat. Na tanggap ko kung saan siya kumukuha ng pera para lamang may ma gastos. I understand his situation! I am his girlfriend for pete's sake! Ako dapat ang lubos na umiintindi sa kanya. How can we move on on that situation kung hindi niya sinasabi saakin ang bawat detalye ng trabaho niya?

"Jackson, please, sabihin mo saakin. Saan ka galing kahapon at ginabi ka ng uwi? Are you doing some crime against the law?" Halos hindi ko maibuka ang labi ko sa huling sinabi.

"Hi-hindi ko alam." there, he said it. He's not even sure about his job! Nagpigil ako ng galit at pinaharap siya saakin. Puno parin ng takot ang mukha niya na tila ba ayaw niyang humarap saakin.

"Jackson, girlfriend mo ako. Hindi kita iiwan, hindi ba? I'm here to help you, kayo ni Sharlene." umiling siya at hinawakan ang kamay ko. Dinala niya 'yon sa labi niya at hinagkan habang mariing nakatitig saakin ang expressive niyang mata.

"Trixie, hindi ko alam kung nararapat ba akong boyfriend sa'yo. Masama akong tao, at hindi ko kayang nakikita ang isang tulad mo sa piling ko. Masyado kang," napatigil siya at muling hinagkan ang likod ng palad ko.

Hindi ako nakagalaw, ni hindi ko alam ang isasagot sa sinabi niya. Matapos ko siyang ipagtanggol sa pinsan ko? Matapos kong hiwalayan si Greg para lamang sa kanya ay ito ang sasabihin niya?

"I'm sorry, Trixie." pumatak ang luha sa mata ko at nanghihina akong napaupo sa kama niya.

Did I heard it right? Tama ba ang narinig ko? Humihingi siya ng pasensya. Pero para saan? Sorry dahil sa kagaguhan niya? O humihingi siya ng tawad dahil makikipaghiwalay na siya saakin? Tumawa ako ng peke at pinunsan ang luha ko.

"Trixie, makinig ka." ani niya at umupo sa tabi ko. Tinabig ko ang kamay niya ngunit muli niyang hinawakan ang kamay ko.

"Shh. Hindi ako makikipaghiwalay. Matapos kitang paghirapan? Ni hindi ko kaya ang makita ka sa loob ng isang araw, ang makipaghiwalay pa kaya?" nabuhay naman ang pag-asa ko sa sinabi niya.

"Nag sosorry ako dahil may nagawa akong kasalanan." napapikit siya ng mariin at yinakap ako gamit ang isa niyang braso. Siniksik niya ako sa leeg niya at pinaliguan ng halik ang buhok ko. Napipikit ako at dinama ang init ng yakap niya. God. Mahal na mahal ko talaga si Jackson.

"Kahapon, hindi kita nasundo dahil may nag offer saakin ng trabaho. Tinanggap ko dahil kailangan ko ng pera. Trixie, nagsisisi ako kung bakit ko 'yon ginawa. Muntik na akong nahuli ng pulis." mabilis akong napahiwalay sa kanya at nanlaki ang matang napatitig sa malugkot niyang mukha.

"A-ano?"

"Drug dealer. Trixie malaki ang bayad kaya tinaggap ko. Libo libong pera 'yon. May pang tuition na ako sa susunod na pasukan."

Napatakip ako sa labi ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Oh my God! Nagtutulak ng droga ang taong mahal ko. Humagulhol ako ng iyak at lumayo sa kanya. Napaawang ang labi niya sa ginawa ko. Inisang hakbang niya ang pagitan namin at muli ako pinaupo sa kama. Napailing ako. Hindi ko kayang salubungin ang titig niya. Paano niya nagawa ang bagay na 'yon?

"T-Trixie, sorry, ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw kong malaman mo. Kakamuhian mo lang ako. Huwag mo akong iiwan, Trxie." humihikhi niyang sabi.

"H-how," linunok ko ang nakabara sa lalamunan ko at tinignan siya. "Jackson paano mo iyon nagawa! Mapanganib 'yon at kasalanan sa diyos! Ano ba'ng pumasok diyan sa kokote mo at tinanggap mo ang trabahong 'yon!"

MercilessOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz