Kabanata 24: Hugs and Kisses

797 23 0
                                    

Napabuntong hininga ako ng sampung minuto na simula noong umandar ang bus ngunit wala pa ring bumababa. Kahit man lang sana maging gentleman ang ibang lalaki ay wala. Sumagi sa isipan ko si Jackson. Bakit naman niya ako lalapitan, kakausapin o 'di kaya ay ioffer saakin ang upuan niya? Syempre, hindi niya 'yon gagawin. Sino ba naman ako, hindi ba? Atsaka isa pa, three months, three months na hindi kami nagkita. May ilangan sa pagitan namin at ramdam ko 'yon.

Napahigpit ang hawak ko sa upuan ng prumeno ang bus at muntik na akong matumba. Habol habol ko ang aking hininga ng muling umandar ang sasakyan. Shit! Mapipilitan akong pumara, bumaba at mag taxi na lang kung ganito. God, Trixie! Dapat nag taxi na nga lang talaga ako. Umawang ang labi ko at nagbuga ng hangin. Hindi na ako komportable. Muli akong bumuntong hininga at hahakbang na sana ng may pumigil saakin.

Nanlaki ang mata ko ng makitang si Jackson iyon. Seryoso ang mukha at kagat kagat ang ibabang labi. Umiwas ako ng tingin at winaksi ang kamay niya. Ramdam ko na naman ang elektrisidad sa katawan sa simpleng pag lapat ng balat niya saakin. Muli niyang hinawakan ang braso ko at pansin ko ang mabibigat niyang paghinga.

"Doon ka na sa upuan ko" ani niya at hinila ako papunta sa kinauupuan niya kanina. Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi ko. Damn. I miss his scent. Iyong pinaghalong Axe at sigarilyo. Hindi ako kumilos at tinitigan lang ang sahig ng bus habang nakatayo. No. Hindi ito pwede. Naiwaksi ko na siya sa buhay ko. Hindi ko na siya pwedeng lapitan o 'di kaya ay kausapin pa. Lalo pa't may alam na si Greg tungkol saamin ni Jackson.

"Trixie" nanigas ang katawan ko ng banggitin niya ang pangalan ko. God. I hate it. I hate how my body responds.

"Umupo ka na, huwag mong hintaying sapilitan pa kitang paupuin diyan" iritado ang tono ng boses niya. Kung hindi lang nangangawit ang paa ko.

Sinunod ko ang sinabi niya. I feel relief ng dumantay ang pang upo ko sa malambot na upuan. Sinulyapan ko ang babaeng katabi niya. I saw her cheeks turns to red. Attracted siya kay Jackson. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Mabilis ang tibok ng puso ko ng nanatili siyang nakatayo sa harapan ko. Nakasandal ang kalahati ng katawan niya sa likod ng upuan. Nakayuko at mabibigat ang kanyang paghinga. Parang pagod na pagod nanaman siya.

Tumikhim ako at inayos ang pagkakaupo ko. I need to go. Ayoko ng dagdagan pa ang kasalanan ko kay Greg. Akmang tatayo na sana ako pigilan nanaman niya ako.

"At saan ka pupunta?" ani niya. Mariing tumitiig saakin ang mata niya.

"Bababa na ako" sagot ko ngunit nanliliit lang ang mata niyang tumitig saakin.

"Hindi. Walang aalis, ihahatid kita" mariin niyang sabi at tumingin sa labas. Napapikit ako ng mariin at kinalma ang sarili ko. After three months, ganito parin siya saakin. Na para ko siyang kasintahan kung umasta.

"J-Jackson alam mo," humugot ako ng malalim na hininga at sinandal ang katawan ko sa malambot na upuan. "Why are you doing these? Nasira na kung ano'ng meron saamin ni Greg. Bakit ka pa nagpakita, huh? Ayos na e, dumating ka pa! Goodness!"

Pigil pigil ko ang pagtaas ng boses ko kahit gustong gusto ko na siyang sigawan dito sa loob ng bus. Rumagasa ang galit sa katawan ko ng maalala ang mga nalaman ni Greg. Sino ang nagbigay ng mga litrato sa kanya? Paano niya iyon nalaman? Kagagawan ba ito ni Heidi? Ni Jackson? Dahil ba, desperado na siyang agawin ako kay Greg? Ang daming katanungan sa isipan ko at hindi ko alam kung sino ang makakasagot noon. Malungkot ang mata niyang tumitig saakin at umupo sa harapan ko. Mas matangkad na ako sa kanya, dahilan para matitigan ko ng mabuti ang nagsusumamo niyang mukha.

"Ganoon mo na ba ako gustong umalis sa buhay mo, Trixie? Salamat. Salamat at sinabi mo 'yan ngayon. Pero pasensya ka na, buo na ang desisyon ko. Hindi na ako magsasayang ng oras upang maibalik muli 'yong closure natin noon. Saktan mo man ako ng pinong pino, hindi parin kita lulubayan. Handa akong maging kabit. Please, Trixie. Kahit patago lang, maramdaman ko lang na hawak na kita ng buong buo"

MercilessWhere stories live. Discover now