Kabanata 33: Matinding Kaba

630 17 0
                                    

Nag back read ako sa kwentong ito at ang daming maling typo at wrong grammar. Kulang ng salita iyong ibang mga English words. Nakakaloka! Pasensya na, mobile user lang at walang oras mag edit dahil busy sa school.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuntong hininga habang tinatahak namin ang daan pauwi. Sinubukan ko ulit na i-dial ang number ni Jackson ngunit hindi ko parin siya makontak. Nag aalala na ako. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Nasapo ko ang aking noo at hinilot ang sintido ko. God, sana ayos lang siya. Kung alam ko lang sana ang daan papunta sa Arcade ni Benjo ay talagang pupuntahan ko ang lugar na 'yon. Sumulyap ako kay Greg na ngayon ay seryosong nagmamaneho.
Pilit kung kinapa sa dibdib ko ang pagmamahal na dati ay narararamdaman ko sa kanya. Napapikit ako ng hindi man lang kumibot ang puso ko. Hindi ko na maramdaman ang pagmamahal na minsan ay inalay ko sa kanya. Nag alala parin ako kay Greg. 'Yon ay dahil minsan na siyang dumaan sa buhay ko. Kung pwede sana ay manatili ang closure namin ngunit alam ko namang malabo ng mangyari 'yon. Gusto ko pa ring maging mag kaibigan kami. Handa akong kalimutan si Greg bilang kasintahan ko noon. Ngunit hindi ang pinagsamahan dahil minsan na siyang naging parte ng buhay ko.

Nang huminto ang sasakyan niya sa tapat ng bahay ay napaayos ako ng upo. Inayos ko ang sling ng bag ko at tumikhim. Magsasalita pa lang sana ako ngunit inunahan na niya ako.

"Bakit ang dali mong kinalimutan ang pinagsamahan natin? Bakit ang bilis mong naka move on at may bago ka na ulit? Bakit Trixie? Ganoon mo na ba kamahal si Jackson at sa isang iglap lang ay hindi ko na hawak hawak ang babaeng minsan ng naging akin?" hirap ang boses niyang sabi. Napalunok ako at kinalma ang sarili ko.

Of course, he needs a further explanation. Knowing Greg, hindi siya nakokontento hanggat hindi niya nakukuha ang sagot na nais niyang marinig.

"Greg, it's not what you think-"

"Kung ganoon, ano? Trixie ano! Bakit kayo na ni Jackson? Nagmakaawa ako sa'yo. Lumuhod at umiyak. Makuha ko lamang ulit ang loob mo. Pero bakit kailangang si Jackson ang piliin mo! Mahal na mahal kita alam mo 'yan! Parang kailan lang noong magkasama pa tayo at masaya. Pero tignan mo kung ano'ng nangyari sa relasyon natin. You left me. You chose him over me! Ako ang kasama mo sa loob ng ilang buwan! Paggising ko sa umaga, tangina ang babaeng mahal na mahal ko ay may iba na pala! Kinakalaban mo ako ng patalikod." umiling ako at sinubukan kung hawakan ang kamay niya ngunit inilisi niya lang ang kamay ko.

Sinuntok niya ang manibela at ginulo ang sariling buhok. Tinungkod niya ang kamay sa bintana at nasapo ang sintido niya. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng marinig ang hikbi niya. Napatakip ako sa bibig at natigilan sa kinauupuan ko. Parang pinipiga ang puso ko sa nakikita.

Greg is used to be a happy man. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka miserable. I care, a lot. Ngunit hindi ko na siya kailangang suyuin. He is not mine anymore. Kailangan na niya 'yong tanggapin.

"Greg, I'm sorry" ang tangi kung nasabi at pinigilan ang pag hikbi ko.

"Sorry? Matapos mo akong iwanan sa ere at durugin ng pinong pino ay sorry lang ang sasabihin mo!" tumawa siya na may halong pagkadisgusto at hinawakan ang magkabilang braso ko. Nakaramdam ako ng takot at matinding kaba ng masilayan ko ang nag aalab na galit sa mata niya. Halos bumakat narin ang daliri niya sa balat ko.

"Ouch! Greg masakit" kumawala ang butil ng luha ko ngunit hindi niya iyon pinansin.

"Minahal mo ba talaga ako, Trixie? O simula pa lang ay si Jackson na talaga! Ginago mo ako sa loob ng tatlong buwan! You cheat! You fooled me! Pinuta mo ako!" sigaw niya sa pagmumukha ko.

Pilit kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko ngunit hindi ko magawa. Humagulhol ako ng iyak na halos manginig ang buong katawan ko. Hindi ko na kilala ang Greg na nasa harapan ko ngayon. Ibang Greg na ang nakikita ko ngayon. Para bang gusto niya akong pagbuhatan ng kamay ngunit pinipigilan niya lang ang sarili niya.

MercilessWhere stories live. Discover now