Kabanata 26: Quality Time

733 18 0
                                    

"Shh, Trixie, tahan na. Hindi ka pa ba mauubusan ng luha?" hinagod ni Antonette ang likod at tinali ang buhok ko. Hindi ako nag paawat sa pag-iyak at binuhos ang lahat ng sama ng loob ko.

Pagkatapos akong iwanan ni Greg na tulala ay namalayan ko na lang ang sarili ko na hinahanap si Antonette at humagulhol ng iyak sa balikat niya. Parang minamartilyo ang puso ko sa sakit na nadarama. Ano'ng ibig sabihin ng sinabi niya? Na isa ako sa mga babaeng kinakama ni Jackson?

"Trixie, God. Tahan na please, tawagin ko si Carlos gusto mo?" mabilis akong umiling at inayos ang sarili ko. Nagpunas ako ng luha at humiwalay kay Antonette.

"Huwag, magagalit lang 'yon. At isa pa, magsusumbong lang 'yon kila mommy na nag cutting tayo" bumuntong hininga naman siya at tumango.

"Ano ba'ng nangyari? I thought, wala si Greg?" nag aalala niyang tanong. Humikbi ako at napayuko. Hindi ko alam ang sasabihin. I'm always like these kapag nay kinikimkim akong sama ng loob. Hindi ko masabi sabi ang nais kong sabihin.

"Pinuntahan ko siya para makipag ayos, para mag paliwanag. But it comes out na, mas pinaniwalaan niya ang nakita niya kaysa saakin. Bakit ganoon, Antonette? I thought, Greg is different. Ang alam ko mas maiintindihan niya ang isang problema dahil mas mature siyang mag isip" hindi ko na napigilan pa at humagulhol nanaman ako ng iyak.

Sa tatlong buwan na pagsasama namin ni Greg ay minahal ko siya ng buo. I've made a mistake. Pero pinagsisihan ko naman iyon. Then there this one thing. Bumalik si Jackson at ginulo nanaman niya ako. Ang puso ko. Aminado naman akong, I fell in love with Jackson. Pero sana naman ay pinakinggan niya parin ang paliwanag ko. It happened months ago. 'Yon ang hindi niya alam. Ang alam niya siguro ay kama kailan lang noong nangyari 'yong nasa picture. And who the fuck captured it?! Iyon ang mas bumabagabag saakin.

"Trixie, sino ba talaga si Jackson? Ano'ng kinalaman ni Heidi? Please, tell me. Dahil hindi ko parin naiintindihan hanggat hindi mo sinasabi kung paano kayo nagkakilala ni Jackson" ani niya. Humugot ako ng malalim na hininga at inalala ang mga panahong, una kong nakita si Jackson.

"Nakilala ko si Jackson noong liniligawan pa lang ako ni Greg. Well, ang alam ko ay binubully niya 'yong mga bata pero 'yon pala ay pinagtanggol niya lang si Sharlene. Kapatid niya. Binagabag ako ng konsensya ko noong araw na 'yon dahil hinusgahan ko siya. Hinanap ko siya para humingi ng tawad. Pero tuso pala ang gago" tumawa ako ng peke bago nagpatuloy.

"Nasundan pa ang mga araw na nagkita kami. It was all acccident. Napag alaman kong, magkatunggali pala sila ni Greg noong highschool pa lang siya sa mga Math Quiz Bee. Napag alaman ko ring, si Jackson at si Sharlene na lang ang magkasama sa buhay. Their father died. 'Yong nanay naman nila ay sugarol at hindi inaasikaso sila Jackson. Si Jackson," sandali akong tumigil at humugot ng tamang salitang sasabihin. Ayokong bahiran ng masama ang pangalan ni Jackson sa harapan ni Antonette.

"Siya na lang ang bumubuhay sa kapatid niya. He's having sex to women. Nagpapabayad siya para makahanap ng pera. He's also a theft"

"Oh my God!" napatakip si Antonette sa bibig niya at bahagyang lumayo saakin. Umiling ako at nag punas ng luha. No. No! Hindi ganoon si Jackson saakin! Siguro ay ganoon rin ang iniisip ni Greg. But he is not! They are all wrong!

"Antonette, nagkakamali ka ng iniisip! I saw him having sex with Angela, sa may Janitor's Room. He steal your money! Pero may dahilan siya. Mapagmahal siyang kuya at hindi niya kayang pabayaan si Sharlene. Saksi ako Nette! Saksi ako!" hindi ko na napigilan pa at napaiyak nanaman ako.

"He fell in love with me, hindi ko pa man sinasagot si Greg ay nagpakita na siya ng interes saakin"

"God. And you fell in love too? After hearing those words from you?! Trixie, mayaman kayo! Paano kong pinagpeperahan ka lang niya? He only want is to have sex with you! Kung ako si Greg ay ganoon din ang iisipin ko" rumagasa ang galit sa katawan ko sa narinig. They don't understand! Ako mismo ay napagkamalan ko ng ganyan ang habol saakin ni Jackson. Yes, we kissed. Pero ang makipag sex? My God!

MercilessWhere stories live. Discover now