Kabanata 14: Sick

861 17 0
                                    

Hawak hawak ko ang aking labi habang papasok ng bahay. Nanginginig ang katawan ko hindi dahil sa lamig na nanggagaling mula sa aircon. Kung hindi dahil sa kakaibang attraksyon ang aking naramdaman ng muling mag dikit ang aming labi ni Jackson. Napahawak ako sa dibdib ko at ganoon na lang kabilis ang tibok ng puso ko. Napapikit ako ng mariin at sumandal sa pintuan ng makapasok ako sa aking kwarto. Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Bukod kay Greg, bakit ako nakakaramdaman ng matinding kaba sa tuwing kasama ko si Jackson? This is not good. This is not healthy. Kailangan ko na talagang lubayan si Jackson.

Nasapo ko ang aking noo at dumiretso sa kama ko. Great, Trixie! Ilang beses ko na 'yong sinasabi sa sarili ko, na layuan ko si Jackson. Pero ano'ng nangyari? Ni hindi ko man lang siya maitaboy dahil napakatigas ng ulo niya. And worst, hinayaan kung halikan niya ako. Napailing iling ako at napapikit ng mariin habang inaalala ang imahe ni Greg sa aking isipan.

I'm sorry, Greg. May nagawa akong kasalanan sa'yo. God knows kung gaano ko gustong itulak si Jackson kanina. Pero sadyang malakas lang talaga siya kaya hindi ko magawa. Hinubad ko ang aking jacket at linapag 'yon sa kama ko.

Napabuntong hininga ako ng maalalang kay Jackson nga pala ito. Paano ko na ngayon ito ibibigay sa kanya? Kinuha ko iyon at itinupi. Infairness din naman sa lalaking 'yon. Mabango ang gamit niya. Binatawan ko ang jacket at kinuha ang phone ko. Kailangan ko na itong ibigay sa kanya, ng hindi na ako mag iisip kinabukasan kung paano ito ibabalik sa kanya. Ngumiti ako ng pilit ng wala paring text si Greg. Yeah, Trixie. Busy ang boyfriend ko at wala man lang siyang kaalam alam na mag kakilala kami ni Jackson. I'm lying again.

Binuksan ko ang inbox at nagtipa ng text kay Jackson.

Nasaan ka? Andiyan ka pa ba sa bahay ng kaibigan mo? Balikan mo na lang itong jacket mo.

Nang matapos ko siyang itext ay humiga ako sa kama ko. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa siyang reply. Siguro ay walang load ang lalaking 'yon. Bumangon ako at nag diretso sa banyo. Mag hahalf bath muna ako bago itext si Greg. Ako na lang ang mangangamusta sa kanya, magrereply naman siguro siya kung sasabihin kung nag aalala ako sa kanya dahil hindi pa siya nag tetext simula noong maghiwalay kami kaninang tanghali.

Nang matapos akong maligo ay nagplit na ako ng pantulog. Sa kalagitnaan ng pagpapalit ko ay nag vibrate ang phone ko. Mabilis ko 'yong kinuha at rumagasa ang kaba sa aking dibdib ng makita ang reply ni Jackson. Kakapusin nanaman ako ng hininga sa sobrang kaba.

Jackson:
Bakit? Nasa bahay na ako, itago mo na lang 'yan, kukunin ko kung kailan ko gusto.

Bumuntong hininga ako at nag tipa ng irereply. He's being stubborn again! Hindi ba niya makuha na ayoko na ng kahit ano mang koneksyon sa kanya?

Ibabalik ko sa'yo ito bukas. I can't keep it. It's not mine.

Jackson:
Pero akin 'yan. Alam mo Trixie, papayag naman akong makipagkita sa'yo bukas kunin lang 'yan. Pero, iniisip ko pa lang na isinasauli mo na 'yan saakin. Parang binabasura mo narin ako. Kaya, hindi ko 'yan kukunin.

Nagngingit ang galit kung nagtitipa ng irereply. God! Mas clear pa ang tubig kaysa sa utak niya. Nakakainis! I get it. He likes me. Pero, hindi na 'yon pwede dahil may Greg na ako. Mabuti sana kung hindi niya ako linalapitan at pasulyap sulyap lang. Kaso hindi eh, mas malala pa siya kay Greg na boyfriend ko!

Bahala ka! Madami akong jacket, hindi ko ito kailangan. Itatapon ko na ito! At huwag ka ng magtetext! Peste ka!

Jackson:
Sino ba ang naunang nag text, Trixie? Huwag mong itapon 'yan, subukan mo at pupuntahan kita sa school ninyo bukas.

Wala ka bang pasok, huh?! Huwag kang pupunta sa school! Irereport kita sa guard.

Jackson:
Ilang beses mo na 'yang sinasabi pero hindi mo naman ginagawa. Para sa'yo, handa akong lumiban sa klase, Trixie. 'Di katulad ng shota mong wala man lang oras sa'yo.

MercilessWhere stories live. Discover now