Kabanata 55: Finally

900 21 0
                                    

Last 6 Chapters including Epilogue. Stay tune in Ortega Boys Series after Everlasting.

"Hoy! Kanina ka pa ngingiti ngiti, a. Nahihiwagaan na kami sa'yo." tinaasan ako ng kilay ni Carmina at sinuri ang mukha ko.

"These past few days ay lagi kang blooming! May boyfriend ka na ano!" segunda naman ni Arlene na sinundan ni Tina ng tango. Tumawa ako ng mahina at linapag ang phone ko sa lamesa.

"Bawal na bang ngumiti ngayon? At ano'ng gusto ninyo lagi akong nakasimangot, masasayang lang ang beauty ko."

"Naku, ikaw Trixie a! May nililihim ka saamin!" tinuro pa ako ni Berny ngunit tinawanan ko lang siya.

Itong apat na 'to ay kanina pa ako tinatanong kung bakit daw kakaiba ang awra ko ngayon. Paanong hindi ako ngingiti ng wagas ay kanina pa ako kinikilig habang binabasa ang text ni Jackson. He's been sweet to me simula noong araw na 'yon. Uminit ang pisngi ko ng maalala ang nangyari saamin sa bahay niya. Hindi naman literal na binigay ko sa kanya ang virginity ko. Hindi lang talaga maalis sa isipan ko ang pangkukulit niya saakin at halos mag makaawa na gawin namin ang bagay na 'yon. Sa huli ay pagtulog lang talaga ang ginawa namin habang yakap yakap niya ako ng mahigpit.

Napapangiti na lang ako sa isiping dalawang beses ko na siyang nakasama sa pagtulog. Una noong nasa Manila pa kami. Na kahit may kinakaharap siyang problema sa tunay niyang pamilya ay nagagawa parin niyang ngumiti at hindi alintana ang problema. I am so in love with him. Natatakot lang akong sabihin dahil baka totohanin niya ang sinabing tatalikuran niya ang Ortega para saakin. Sila parin ang pamilya niya. Na kahit hindi ko alam ang rason ng magulang niya kung bakit siya pinagpipili ay natatakot parin ako. His family over me. Mahirap 'yon.

Mabilis akong lumabas ng room namin pagkatapos ng klase. Kanina pa nag text si Jackson na nasa labas na raw siya ng school. Nang makita ko ang sasakyan niya ay ingat na ingat akong pumasok at pinagkasya ang sarili ko sa masikip na pagkakabukas ko ng pintuan. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko.

"Bakit mo pinagkakasya ang sarili ko sa masikip na space? Pwede mo naman 'yang buksan ng malawak, a." hindi ako sumagot at luminga sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang walang nakapansin kay Jackson.

"Trixie, you look crazy. May nagawa ka bang kasalanan?" natatawa niyang sinabi. Sumimangot ako.

"Nag iingat lang ako! Baka makita kapa e Ortega ka, anak ka ng dating gobernador ng La Union na ngayon ay city mayor na."

"Hindi naman nila alam na isa akong Ortega." nagulat ako sa sinabi niya ngunit nginitian niya lang ako ng pilit. Ano'ng ibig niyang sabihin?

"Hindi pa ako naipapakilala ng mga Ortega sa ibang politiko. Ang alam nila ay namatay ako sa aksidente noon. Sinasabi ko lang na kaapelyido ko ang mga Ortega."

"Why?" Nagkibit balikat siya at binuhay ang makina ng sasakyan.

"I don't know. Siguro ay kapag pumayag na ako sa kagustuhan nila."

Tinitigan ko lang siya habang nagmamaneho. Nahihirapan ba siya sa pamilya niya o hindi kaya ay hindi pa siya sanay? Kitang kita ko ang kalungkutan niya. Siguro ay may gusto ang pamilya niya ngunit hindi niya magawa gawa dahil saakin. Kaya nila siya pinagpipili. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin kaya naman nanatili akong tahimik. Paano nga kong ipakilala na siya bilang isang Ortega. Paano kung iwan nanaman niya ako para lamang sa pamilya niya? Natatakot akong mangyari 'yon ngunit ayaw ko rin namang talikuran niya ang pamilya niya. Ako mismo ay nahihirapan.

"Iniisip mo ba ang sinabi ko kanina? Don't think too much, Trixie, dahil kahit ano'ng mangyari ay hindi kita iiwan." ani niya pagkahinto ng sasakyan sa shed. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala 'yon sa labi niya.

MercilessWhere stories live. Discover now